The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
60
61
62
63
Epilogue

59

17 3 0
By TabinMabin

Patricia

Hinintay ko siyang dumating ng araw na iyon at inabot na lang ako ng madaling araw sa paghihintay, wala pa rin siya. Pagpatak ng alas dos, saka ko lang nakita ang pagtigil ng taxi sa harap ng bahay niya. Hinintay ko lumabas ang sakay nito para kumpirmahin kung siya nga ito at nang makita ko ang mukha niya ay dali-dali akong lumabas ng bahay.

Hindi ko siya tinawag habang nakabuntot ako sa kaniya at nang makarating siya sa pintuan, mabilis ko na siyang nilapitan. Nakapasok na siya't pagkapihit niya para isara ang pintuan, inilapat ko ang palad ko rito saka ako pumasok. Gulat na napatingin siya sa akin pero binalewala ko't dumiretso sa direksyon ng hagdan.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya alam kong susunod na siya. "Bao Bei?" pagkuha niya sa atensyon ko. Rinig ko ang yapak ng mga paa niya habang umaakyat ako sa hagdan pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto niya, hinawakan ko ang seradura nito. Naka-lock ito kaya tumayo ako sa gilid nito para hintayin siyang buksan ito. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumayo lang siya sa harap ko habang nakatingin sa akin na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo.

"Buksan mo."

Kinuha niya ang susi sa bag niya saka ito binuksan. Pagkabukas na pagkabukas nito, inunahan ko siya sa pagpasok at binuksan ko ang ilaw saka ko nilapitan kaagad ang mga maskara niya. Kinuha ko isa-isa ang mga ito't inilagay sa kama niya.

"What are you doing?"

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin, obviously confused kasi bigla-bigla kong ginagawa ang mga ito. Hindi naman niya ako pinakielaman kaya malaya ko nakuha lahat ng maskara. May iba nga lang na kinailangan ko pa tumuntong sa upuan dahil ang taas ng mga ito.

Kahit ang iba sa mga ito ay may bahid ng alikabok, hindi ko na inintindi. Nang makuha ko na lahat, naupo ako sa kama at inisa-isa kong tignan ang likod ng mga maskara. Karamihan sa mga ito ay walang laman at sa halos 50 pieces na maskara, apat lang ang nakuha kong item.

"Do you know what these are?" galit na tanong ko sa kaniya pagkatayo ko sa harap niya habang nakalahad sa palad ko ang mga pakete ng droga.

"D-Drugs?"

"No. Hindi lang ito droga. Ito iyong magiging dahilan kung bakit may chance na masira ang buhay natin or worst, ikamatay natin." Naiyukom ko ang isang kamay ko't patuloy siyang tinitignan diretso sa mga mata niya. Gusto ko maramdaman niya ang galit at takot ko.

"Anong bang nangyayari? Bigla kang sumugod rito ng ganitong oras tapos hinalungkat mo lahat ng—"

"Ikaw ang tatanungin ko," pagputol ko sa pagsasalita niya. "Ano ba talagang nangyayari sa iyo?"

"Hindi kita maintindihan." Nag-iwas siya ng tingin kaya ibinato ko sa kaniya ang mga hawak kong pakete.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin sasabihin o gusto mo na ako ang magsabi sa iyo?" Nahagip ng paningin ko ang paggalaw ng Adam's apple niya kaya alam kong napalunok siya dala ng kaba dahil alam niyang may ideya na ako kung anong nangyayari. "Ilang araw na kitang kinukulit na sabihin mo sa akin ang problema mo pero ang tigas mo."

"Wala naman kasing—"

"Wala naman kasing ano, Lie Jun?! Wala kang problema?! Sabihin na natin na wala ka ngang problema sa nangyayari sa iyo pero paano naman ako?! Alam mo ba iyong nangyari sa akin kanina?!" Hindi siya nagsalita't nanatiling nakatungo. "Nilapitan ako ng dalawang lalake. They're probably your clients kasi alam nila ang tungkol sa pagtutulak mo ng droga. And you know what they said? Hindi ka raw sumasagot sa texts at tawag nila. Gusto na nilang kuhanin iyon in-order nila sa iyo. Nasa iyo na raw iyong pera. At alam mo iyong ikinatatakot ko? Nagbanta sila na kapag hindi pa rin sila nakarinig ng kung ano sa iyo, madadamay ako."

Sa sinabi ko, napaangat siya ng tingin at bakas ang gulat sa mukha niya. "Nilapitan ka nila?"

"You heard me. Ang hindi ko lang maintindihan, nasa iyo na pala iyong pera, bakit hindi mo pa rin ibinibigay ang gusto nila?"

"Ibibigay ko naman."

"Kailan pa?! Kapag patay na tayo?!" My voice cracked dahil hindi ko na kinayang pigilan ang pag-iyak.

"You know I wouldn't let that happen, Bao Bei. Ibibigay ko naman sa kanila. Masyado lang kasing malaki ang binili nila. Na... nahihirapan lang ako pakawalan iyong pera kasi buo na iyong kailangan ko."

"So hindi mo kayang gastusin kasi nabuo mo na iyong kailangan mo? That's it?" matawa-tawang tanong ko. Pinunasan ko ang pisngi ko na nabasa na ng luha bago ko hinablot ang bag niya mula sa pagkakasabit nito sa balikat niya. "Tanginang dahilan iyan. Nag-business ka pa." Kinalkal ko ang bag niya't may nakita ako na isang tangkay ng rose dito na nakabalot sa plastic.

Kung wala siguro kaming alitan o problema't ibinigay niya ito sa akin, baka natuwa pa ako.

Kinuha niya sa akin ang rosas saka ito tinignan habang nakatungo. "I'm sorry." bulong niya pero hindi ko inintindi.

Wala rito ang hinahanap ko kaya binitawan ko ito't nilapitan siya. Isinuksok ko ang kamay ko sa bawat bulsa ng suot niyang pantalon at nakuha ko ito mula sa back pocket niya. Inilahad ko ito sa kaniya pero hindi niya kinuha kaya hinawakan ko ang kamay niya't inilapag ito rito. "Call them."

"Bao Bei... wala pa akong maibibigay kasi."

"Then kumuha ka sa supplier mo! Ano ba?! Mag-isip ka naman! Takot na takot na ako sa posibleng mangyari sa atin dahil sa business mo tapos ikaw, iniisip mo lang na hindi mo kayang bawasan ang pera mo dahil lang nabuo mo na ang kailangan mo?! That's a fucking red flag because that only means wala kang pakielam sa akin! Kasi kung mayroon, hindi mo na maiisip ang nakuha mong pera at tatawagan kaagad sila! You wouldn't spout nonsensical bullshits kung takot kang mawala ako! I might be over reacting right now pero sana maintindihan mo na hindi ako matatakot ng ganito kung hindi nila ako pinagbantaan at lalong hindi ako matatakot kung hindi ka nagdadalawang isip na ibigay ang kailangan nila kahit na mababawasan ang pera mo!"

"500k ang order nila. 100k lang ang kikitain ko. Kapag ibinigay ko sa kanila, mababawasan ng 400k ang kabuuan—"

"You're still going on about that?! God, Lie Jun! How greedy and selfish are you?! Pagnanakaw na iyan kung tutuusin! At sige, huwag mo ibigay! At least give me their number para ipaalam sa kanila na wala na akong kinalaman sa iyo kasi starting today, we're fucking through! Mahal kita, Lie Jun, pero mas mahal ko buhay ko."

"Bao Bei, huwag naman ganito..." His voiced cracked and he's in the verge of crying nang humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. "Gagawan ko naman ng paraan."

"May paraan at alam kong alam mo iyon. Sadyang sakim ka lang."

"Okay. I'll come clean. Gusto mo malaman lahat ng problema ko, hindi ba? Sure. Huwag mo lang ako hiwalayan. I'll do anything so please, huwag ka naman mag-decide na hihiwalayan mo ako."

Hindi ko alam kung mag-ma-matter pa na malaman ko ang problema niya pero gusto ko rin malaman kahit papaano kung ano ang mga ito. Mukhang hindi lang kasi tungkol sa client niyang iyon ang problema niya.

"Okay. Tell me. Convince me kung bakit hindi kita dapat hiwalayan. But let me tell you this. One more red flag and I swear, puputulin ko ano man mayroon sa atin."

Nilapitan niya ang pintuan at isinara ito bago niya nilapitan ang kama niya. Inialis niya ang mga maskara dito at inilagay sa sahig saka niya ako iginiya paupo rito. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko habang nakatungo bago bumuntong hininga't ibinalik sa akin ang pagkakatingin.

"Alam ni Tita kung anong ginagawa ko. Nag-aalala siya pero wala siyang magawa. Pinatitigil niya na rin ako dahil recently lang, sinabihan siya ng barangay captain natin rito na isa sa nangungupahan sa kaniya, which is ako, ay nasa watch list ng barangay. Hindi alam ng mga ito na tumatayong guardian ko ito kaya sinabi nila ito rito."

"Watch list?"

Tumango siya't pumikit. "Watch list kung saan nakalista lahat ng possible pusher."

My heart sunk dahil sa narinig ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya, to let him feel na kasama niya ako, and that made him smile a little. "Kailan pa daw?"

"Noong araw lang na nilapitan siya ng chairman. Recent lang." He heaved a sigh bago iminulat ang mga mata't tignan ako. "These past few days, natatakot na akong lumabas. Simula nang malaman ko iyon, I've been paranoid. Kapag may nakikita akong pulis o kahit na barangay officials, gusto kong magtago kasi pakiramdam ko, any moment, huhulihin o papatayin ako.

"Gusto ko nang umalis sa trabaho kong ito pero kasi ito iyong nagpapasok sa akin ng malaking pera. There are other ways para kumita pero hindi ko lang mabitawan ito kasi gusto ko na makita pamilya ko. Kaya nang makahawak ako ng sapat na pera, nahihirapan akong bitawan kasi iniisip ko, hawak ko na iyong kailangan ko. Nasa akin na iyong matagal ko nang iniipon kaya any time, puwede ako umalis at puntahan ang pamilya ko.

"Hindi ko alam kung napapansin mo rin na madaling araw na ako umuuwi. Wala akong choice kung hindi magpalipas ng oras sa bahay ng mga ka-block ko kasi nitong mga nakaraang araw, blatant na ang pagpunta sa akin ng mga client ko. Wala silang pakielam kahit may makapansin na pumupunta ang kung sino-sino sa tapat ng bahay na ito. Ang gusto lang nila, makabili sa akin ng droga. Kahit gusto kong umuwi para makapagpahinga o makita ka, hindi ko magawa kasi baka bigla akong damputin. Hindi ko kasi alam kung iyong mga client ko ba undercover lang o ano.

"Kalat na ang pangalan ko sa underground market. Kilala ako na legit reseller ng droga kaya mas dumami ang kliyente na lumalapit sa akin. At first masaya ako kasi mas mapapabilis nito ang pag-iipon ko pero nang sabihin sa akin na nasa watch list ako, nakakutob na akong may nag-tip na nagtutulak ako. Takot na takot rin ako, alam mo ba iyon? Ayoko rin mauwi sa puntong kapag nahuli ako, isipin ng mga tao na kasama ka sa pagtutulak ko. Ayoko namang masira ang buhay mo nang dahil sa akin.

"And please, huwag ka magalit kina Gavin at Axel dahil ipinaalam ko ang mga problema ko sa kanila kasi wala na akong matakbuhan. Nakiusap ako sa kanila na huwag sabihin sa barkada, lalong-lalo na sa iyo. Kating-kati man ako ipaalam ito sa iniyo, lalo na sa iyo pero hindi ko magawa. Hindi ko sinasabi sa iyo kasi natatakot ako sa iisipin mo. Natatakot akong ikahiya mo ako o hiwalayan. Alam kong malabo mangyari iyon dahil kilala kita pero sa dami ng nangyayari, hindi ko maiwasang isipin na aabot ka sa puntong iyon.

"The day rin na iniwan kita ng biglaan sa mall? May nakita akong mga pulis kaya pinangunahan ako ng takot. Ganuon na ako katakot, ka-paranoid na kapag may nakikita akong police, unang pumapasok sa isip ko na huhulihin nila ako.

"Ngayon, kung kailangan ko talaga bawasan ang hawak ko para sa kaligtasan natin, gagawin ko kasi ayokong idamay ka talaga sa mga kagaguhang pinasok ko. I'm sorry kung sobrang selfish ng mga pinagsasasabi ko kanina. Please understand na ang tagal ko nang nahiwalay sa pamilya ko kaya nang magkaroon ako ng way para makita ulit sila, hindi na ako nakapag-isip ng tama. And thank you for smacking some senses into me.

Hinawakan niya ako sa mukha gamit ang magkabilang kamay niya saka pinunasan ang pisngi ko. He's also crying while telling me his story pero hindi niya man lang inabala ang sarili para punasan ang magkaiblang pisngi niya "Please, Bao Bei. Please, don't break up with me."

Marahan kong iniangat ang mga kamay niya saka ko kinuha ang cell phone niya bago ko ito inilagay sa palad niya. "You know what to do."

Tumango siya't suminghot bago tumayo tapos ibinulsa niya ang cell phone niya saka ako hinila patayo. "Ihahatid na kita. Get some rest. Babalitaan kita pagkagising mo."

Tumango ako't binigyan siya ng maliit na ngiti. Hawak kamay kaming lumabas ng kwarto hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko. Hindi muna ako pumasok at pumihit paharap sa kaniya saka ko siya niyakap at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. "Please fix this mess. Ayokong may mangyaring masama sa iyo."

Unti-unting pumulupot ang mga braso niya sa bewang saka ko naramdaman ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "I will. I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

159K 1.5K 43
This story is all about the revenge of a nerd that has a deepest secret that everyone never know except her family. And If you want to know it please...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
109K 2.4K 91
Si Raquel na minsan nang namuhay ng marangya ay nalugmok sa hirap matapos sa di inaasahang pagkamatay ng kaniyang mga magulang sa isang sunog. Dahil...