Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Background Check

12.6K 492 35
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 11
Background Check

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone alarm ko. Agad akong umupo at pinatay iyon.

"Eto na naman tayo," Buntong hininga ko.

Kinusot ko ang inaantok ko pang mga mata at tiningnan ang family picture namin na nakalagay sa table katabi ng higaan ko.

"Ilang taon na rin pala," Bulong ko sa sarili ko. Ang tagal na noong huli kong nakasama sila Mama at Papa. Ilang taon na rin pala akong namumuhay mag-isa.

Parang may tumusok sa puso ko nang maalala kung anong meron sa araw na ito. Dati inaabangan ko pa ang June 21, pero ngayon hinahayaan ko na lang itong lumipas na para bang normal na araw lang ito.

"Sabagay, normal na araw lang naman talaga ito. Wala namang nakaka-alala." Tumayo na ako at nag-ayos para sa pagpasok.

Mabilis lang ang kilos ko at tinapay at kape lang ang agahan ko. Gusto ko sanang maiyak sa katahimikan ng apartment ko pero wala nang silbi ang mga luha ko. Dapat masaya ako ngayon, kahit ngayon lang.

Umalis na ako ng apartment ko at pumasok ng school. Hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga estudyante at dumiretso sa classroom ko. Doon ay naabutan kong tahimik ang lahat dahil ang henyong si Alec ay natutulog na naman sa upuan niya.

Naupo na ako sa upuan ko at nagbasa na lang ng notes ko. Pero kahit focused ako sa binabasa ko ay parang lumilipad naman ang isipan ko sa nakaraan. Napabuntong hininga na lang ako at sinara ang notebook ko.

May humikab sa likuran at nang lingunin ko ito ay nakita kong gising na si Alec. Nakita niya akong tumingin at saglit kaming nagkatitigan.

Umiwas na ako ng tingin kasi baka pagtripan na naman niya ako and honestly, bad mood na ako. Ayoko nang dagdagan.

Dumating na ang professor namin at nagsimulang mag-attendance. Wala si Chang ngayon kaya wala akong katabi. Pero kung iisipin noon pa lang first day ay parang wala na talaga akong katabi. Dahil sa takot nila kay Alec ay walang kumakausap sa akin. Ang bandang Proof Rock lang talaga ang mga kaibigan ko dito sa school.

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko at nakita kong lumipat sa tabi ko si Alec.

"Hey," Bati niya.

"Uhm... Hi?" Nagaalangan kong bati.

"You okay?" Tanong niya.

"Yeah, I'm fine."

"Are you sure?"

Tiningnan ko lang si Alec. "May kailangan ka ba?"

Umiling siya at hinarap na ang professor namin.

Sinubukan kong magfocus sa lecture sa pamamagitan ng pagsulat ng notes. Si Alec naman nakita kong may binabasa lang sa cellphone niya.

Nang matapos ang klase ay inayos ko na ang gamit ko.

"Sophie," Tawag ni Alec.

"Bakit?"

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya ulit. Naninigurado ang mga violet eyes niya at hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Hindi naman siguro niya alam? Wala akong pinagsabihan tungkol sa araw na ito.

"Okay lang ako."

Tumango siya at lumabas na kami ng classroom. Since magkaklase ulit kami sa susunod na klase ay sumabay siya sa'kin. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Sophie, oy, mamansin ka naman." Tawag ni Alec sa akin nang paakyat na kami ng hagdan.

"Bakit na naman ba, Alec?"

"Ang tahimik mo eh."

"Matagal na akong tahimik."

"Ang sungit mo ngayon, alam mo yun?" Puna niya.

"Bad mood lang ako ngayon kaya please, wag mo na akong badtripin pa." Sagot ko sa kanya.

"Di naman kita babadtripin."

"Eh di wag mo akong pagtripan ngayon. Maghanap ka ng ibang kausap." Pumasok na ako ng classroom namin at agad na tinungo ang upuan ko.

"Eh pano kung ikaw gusto kong kausap?"

"Bakit ba trip na trip mo ako ha?" Halos pasigaw na ang boses ko. "Utang na loob, Alec. Panalo ka na eh. Ano pa bang gusto mong patunayan?"

"Panalo? Anong panalo? Naglalaro ba tayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag kang pilosopo."

Magkatabi kami ng upuan pero tinalikuran ko siya. Naiirita ako sa maganda niyang mukha ngayon.

"Sophie," Tawag niya ulit pero hindi ko na siya pinansin. Gusto ko lang ng katahimikan ngayong araw. Kahit ngayon lang, please.

"Sophie, three questions and then tatantanan na kita." Sabi ni Alec sa likuran ko. "Promise, di na kita kukulitin."

Naluluha na ako kasi gusto ko na matapos 'tong araw na 'to pero sige, para sa ikatatahimik ko, hinarap ko si Alec. "Ano ba yun?"

"Anong favorite color mo?" Poker face na tanong ni Alec.

Natigilan ako sa randomness ng question niya.

"Violet ba?" Turo niya sa bracelet ko.

Napatingin ako sa suot kong bracelet. Isa ito sa mga huling regalo sa akin ni Mama at simula noong pumanaw siya ay hindi na ako lumalabas ng bahay na hindi ko ito suot.

Tiningnan ko si Alec at marahang tumango. Hindi ko na lang pinansin na violet din ang mga mata niya.

"Vanilla or chocolate?" Karagdagang tanong niya.

"Alec, para saan ba yang tanong mo?"

"Pangalawang tanong ko na 'to. Sagutin mo na lang." Pautos niyang sabi.

Napabuntong hininga ulit ako. Sakyan ko na lang muna ang trip niya, titigil din 'to. "Chocolate."

"Lastly, give me a number." Tanong niya. "First number that comes to mind?"

"Twenty."

Ngumiti si Alec, yung ngiting nagpapalabas sa mga pangil niya at tumayo. Tinapik niya ako sa ulo at saka umalis.

"Hoy, san ka pupunta?" Tanong ko kasi parating na din ang professor namin.

"Aalis. Diba gusto mo ng katahimikan?"

Pinanuod ko lang siyang lumabas ng classroom. Anong trip niya? Wala naman akong sinabing umalis siya.

Dumating na nga ang professor namin at wala na akong nagawa kundi kalimutan ang biglaang pag-alis ni Alec.

Pagdating ng lunch break ay sa labas kami kumain nila Louisse. Gusto kasi mag-pizza ni Leone ngayon. Gusto ko sanang umayaw kasi hindi ko naman afford ang pizza pero sabi ni Leone sagot na daw niya yung lunch ngayon kasi siya naman ang nag-aya.

"Oy, Sophie, kanina ka pa walang imik jan." Puna ni Ron sa'kin.

"Ang tahimik mo," Dagdag ni Ed.

"Wala naman kasi akong sasabihin, ba't ako magsasalita?" Sagot ko sa kanila.

"Hayaan niyo muna, Ed." Singit ni Leone. "Badmood si Sophie ngayon."

Nginitian ko na lang si Leone.

Tinapik lang ako sa balikat ni Louisse at binigyan pa ng isang pizza. "Okay lang yan, Sophie. Kain ka lang. Kami bahala sa'yo."

Sino ba ako para tumanggi sa libre? Kanina pa naman ako badtrip, baka ito na yung ikasaya ng araw ko. Minsan lang ako maka-kain ng pizza.

Pagbalik namin sa school, hinatid nila ako sa susunod kong klase. Siguro dahil badtrip ako kaya ang thoughtful nila sa akin ngayon.

"Sophie, smile ka na ha?" Paalam ni Leone sa akin. "Mas maganda ka pag nakangiti ka."

"Oo nga, Sophie." Dagdag ni Louisse at hinawakan pa ang kamay ko. "Wag na sumimangot ha?"

Pilit akong ngumiti sa kanila at nagpaalam na.

Mabilis na lang ang takbo ng oras at uwian ko na. Tahimik akong naglakad pauwi sa apartment ko para makapagpahinga at mamayang gabi ay may trabaho na naman ako.

Pagkasara ko ng pinto ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Paano nga ba ako nakarating sa ganito? Dati naman masayahin ako. Kahit punong puno na ako ng problema ay nagagawa kong ngumiti. Pero ngayong araw, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko wala nang dahilan para ngumiti.

Namimiss ko na sila Mama at Papa.

Nahiga na lang ako sa kama ko at dalawang oras na nakatitig lang sa kisame hanggang sa tumunog muli ang alarm ko at  nag-ayos na ako para sa trabaho ko.

Paglabas ko ng apartment ko ay madilim na. Kumain lang ako sa karinderya sa may kanto at dumirecho na sa fast food kung saan ako nagtatrabaho. Kahit tinatamad ako ay inayos ko naman ang performance ko kasi ayokong magkamali at mapagalitan ng manager namin.

"Sophie,"

Natigilan ako nang makita kung sino ang susunod sa pila.

"G-good evening, ano pong order nila?" Tanong ko kay Alec.

"Cheeseburger and fries lang." Sagot niya na sa akin lang nakatingin.

"Ano pong drinks nila?" Tanong ko pa at umiwas ng tingin. Masyadong intense ang mga mata niya ngayong gabi.

"What do you have?"

"May coke, Sprite, Sarsi, orange juice or iced tea po kami."

"Ice tea na lang." Sagot niya, nakatitig pa rin sa akin.

Nagbayad na siya at sinuklian ko iyon bago kinuha ang order niya. Pagkakuha ko ng cheeseburger ay sinilip ko si Alec at nakitang nakasunod ang tingin niya sa akin. Parang may iba sa mga mata niya at hindi ko maiwasang isipin na para ngang bampira 'tong babaeng 'to. Kaninang umaga naman ay hindi siya ganiyan.

Pagkabigay ko ng order niya ay naupo si Alec sa may bintana. Saglit lang siya at umalis na din kaagad.

Ako naman ay may ilang oras pa bago natapos ang shift.

Gabing gabi na nang maglakad ako pauwi kaya't parang nagmamadali na ako. Hindi lang dahil ayokong may masamang mangyari kundi dahil gusto ko na rin mahiga at matulog para matapos na itong araw na ito.

Pagkarating ko sa apartment ko ay nakita kong nakabukas ang ilaw sa loob.

"Naiwan ko ba yung ilaw kanina?" Tanong ko sa sarili ko at inilabas ang susi ko. Pero tanda kong pinatay ko iyon kanina. Wala sa'kin ang pagsasayang ng kuryente.

O baka naman dahil sa pagkawala ko sa sarili ay nalimutan kong patayin yun?

Binuksan ko na ang pinto at nagulat sa nakita ko.

May taong nakatayo sa may kitchen ko at base sa gulo ng buhok niya at ayos ng tayo niya ay si Alec iyon. Sinara ko ang pinto at natigilan nang makita kung anong nasa lamesa.

"Sophie," Hinarap ako ni Alec at sa kamay niya ay may hawak siyang isang tumbler ng chocolate ice cream. "Anjan ka na pala."

"P-pano mo nalaman?" Nanginginig kong tanong sa kanya, titig na titig sa chocolate cake sa table.

"Background check." Sagot ni Alec at ibinaba yung ice cream sa table. "Binasa ko yung school records mo nung first week pa."

Sinindihan niya yung maliit na kandila sa cake at lumapit sa akin.

Tiningnan ko lang ang mga violet eyes niya na naliliwanagan ng kandila.

Ngumiti si Alec. "Alam ko yung feeling ng magcelebrate ng birthday mag-isa. Aasarin dapat kita kanina pero nakita kong hindi mo na rin cinecelebrate 'tong birthday mo."

Pinunasan ko yung luha ko. "Hindi ka na rin nagcecelebrate?"

"Death anniversary ni Mama ang birthday ko. Ayoko na din ng araw na iyon."

Napangiti ako. "Mas malala ka pa pala sa'kin."

"Oo, kaya magwish ka na."

Pinikit ko ang mga mata ko at nagpasalamat na kahit ang sama sama ng pakiramdam ko kaninang umaga pa ay napagaan naman ito kaunti ni Alec. Hinipan ko ang kandila at namatay ang apoy nito.

"Kain na tayo," Ngiti ni Alec at ibinaba ang cake sa table. Hiniwa niya iyon at nilagyan ang parehong platito namin.

"Alec, pano ka nakapasok dito?" Tanong ko habang pinapanuod siyang maglagay ng ice cream sa cake niya.

"Sinungkit ko yung doorknob mo."

"Panong sinungkit?"

"Hair pin."

Tumango ako at inalalang dapat ko palang dagdagan yung lock ko. Kung si Alec kayang kaya buksan yung pintuan ko, pano pa kaya yung ibang magnanakaw?

"Wag ka mag-alala, walang nakakita sa ginawa ko. Mahirap buksan yang lock mo." Paninigurado ni Alec sa akin.

Tahimik lang kaming kumain. Maya maya ay may inabot siya sa aking teddy bear na may kulay violet na ribbon. Napangiti ako kasi parang hiyang hiya siya sa pag-abot n'on sakin.

"Wala akong maisip na ireregalo sayo kaya ganyan lang."

"Salamat," Tiningnan ko yung teddy bear at hinawakan yung ribbon.

"Para di ka na nag-iisa. Kausapin mo yan pag nalulungkot ka."

Napakunot ang noo ko. "May teddy bear ka din na kinakausap?"

"Ha? Wala ah!" Tanggi niya. "Baka lang kasi nalulungkot ka't wala na yung magulang mo."

"Salamat talaga," Niyakap ko yung teddy bear at inamoy pa ito. Bakit amoy Alec? Pinabanguhan ba niya 'to?

Gusto ko sana tanungin si Alec pero baka maasar siya. Baka dumikit lang yung amoy niya sa teddy bear. Pwede naman 'yun eh.

Matapos namin maubos ang ice cream ay nagpaalam na siya.

"Happy 20th Birthday, Sophie." Ngiti niya sa akin.

"Salamat,"

Lumabas na siya pero ilang hakbang pa lang ay bumalik siya.

"May nakalimutan ka?"

Hinawi niya ang bangs ko at hinalikan ako sa noo. "Wag ka nang iiyak ulit ha?"

Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Mahirap pero kayanin mo." Dagdag niya.

Tumalikod na siya at naglakad papalayo. Ilang segundo pa ang inabot bago ako matauhan at hinabol si Alec.

"Alec!" Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Tigil niya at nilingon ako.

"Kailan birthday mo? Babawi ako."

Ngumiti si Alec. "Alala mo yung nangyari sa elevator?"

Napalunok ako at tumango. Hindi ko makakalimutan iyong araw na nakulong kami sa elevator at nalaman kong takot siya sa dilim at sa maliliit na espasyo.

"Hindi mo na kailangan bumawi, Sophie. Tinulungan mo na ako."

"Birthday mo yun?"

Ngumiti lang siya sa akin.

Mas malala nga pala talaga ang kalagayan niya. Kung anong kaastigan o kalakasan ang pinapakita niya sa lahat ay siyang kabaligtaran ng kung ano ba talaga ang nararanasan niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Natigilan siya sa ginawa ko pero matapos ang ilang saglit ay niyakap niya din ako pabalik.

"Sige na, Sophie. Balik ka na dun."

Bumitaw na ako sa kanya at tinapik niya ulit ako sa ulo. "Sige na, uwi ka na. Gabi na oh."

"Ingat ka ha?"

"Oo,"

Naglakad na ako pabalik sa apartment ko at nilingon si Alec.  Nakatayo pa rin siya sa pwesto niya kanina at nang makitang hindi pa ako pumapasok ay kumaway siya.

"Belated Happy Birthday, Alec." Bulong ko sa hangin nang maglakad na siya palayo.

------------------------------------

A/N:

Aww kindred spirits talaga 'tong dalawang 'to kung hindi dahil sa pangtitrip ni Alec eh. HAHAHA

Nagkakapalagayan na sila ng loob! Sa'kin kaya, kelan kami magkakapalagayan ng loob ng subjects ko? Kasi kahit anong aral ko feeling ko pinapahirapan niya ako lalo HAHAHAHA Unrequited love tuloy ang peg ko. Mahal ko si subject pero ayaw niya sakin T___T wala talagang forever HAHAHA

Ayan na, nag-update na ako. Padala na nga kayo ng pizza sakin para mabilis akong magsulat ulit ng update HAHAHA Isang box, isang chapter HAHAHAH JOKE!

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 58.4K 50
Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt...
1.4M 44.6K 67
Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal ni Zoe ay maging magaling na player at...
515K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
735K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...