Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

5 - At Home

1.3K 26 5
By BlueRigel

Chapter 5

At Home

Kapapasok ko lang ng gate namin, hinahanap ko na sa bag ko ‘yung susi nang bigla akong napatingin sa pinto… “Bakit wala ‘yung kandado?” Mas nauna pang umalis sa akin kaninang umaga sila mama at papa, sabi nila sa akin gabi na sila uuwi. Ala-una pa lang ha? At wala pa naman ‘yung kotse.

May narinig akong kumalampag. Ayayay, wag naman sana!

Hinablot ko ‘yung yantok sa may garahe, at dahan-dahan akong dumaang nakayuko sa gilid ng bahay. Doon na lang ako dadaan sa may bintana ng kwarto ko. Wala naman kasing rehas ‘yung bintana ko, tsaka itataas ko lang.

“Tss.” Ayan, nakabukas na. Initsa ko ‘yung armas ko, este yantok sa kama ko. Iniwan ko muna ‘yung back pack ko sa labas. “Wooh…” Mahina kong sinabi, buti nagkasya ako, kailangan ko na talaga mag-diet.

Tinignan ko kung kumpleto pa ang gamit ko “laptop, check. Posters ng mga boyfriend ko… Ian, Zac, Shinee, at Naruto, complete.” Buti na lang kumpleto pa sila.

“Ok game.” Pangarap kong maging secret agent nung bata ako, ang cute siguro ng itsura ko ngayon kung bata pa ako kaso ang laki-laki ko na… Laki lang pala, hindi naman ako matangkad.

Slowly but surely akong lumabas ng kwarto ko. Nakasara ‘yung pinto sa entertainment room at wala namang tao sa banyo sa may kaliwa ko. Hawak-hawak ng dalawang flawless hands ko ang yantok. Mga ilang hakbang sa may kanan ko, kwarto na nila ma-pa, nakabukas ‘yung pinto nila. Look to the left, and look to right, “all clear.” Sabay takbo with my quiet footsteps. Ang cute ko talaga.

Papasok na ako sa kwarto nila. Konting bend ng ulo Caroline, silip-silip din. “Negative,” wala namang tao.

“HUY!”

“AY PALAKANG DAN-DE-DI-” Napapikit ako sa gulat at nabitawan ko ‘yung yantok nang may tumusok sa likod ko, hala, baril ba ‘to? Unti-unti kong binuksan ‘yung kanang mata ko, bahala na. “Do…” parang hindi naman baril, masyadong maliit.

“Dung?” Biro ng boses lalaki sa likod ko. Teka, tawa ba ‘yung naririnig ko? Humarap ako. Nung makita ko siya, matic, hinampas ko siya sa braso.“Pusang gala ka Dudung!” Si Daryl pala, epal. Sige lang, tawa pa.

“Kamusta little sister?” Ang so refreshing killer smile niya na unang nagpasagot ng “oo” sa best friend kong si Kate. Tama, nauna pang magka-boyfriend si Kate sa akin, 16 lang ‘yun nung naging sila nung April.

“Kung maka-little sister ka diyan akala mo naman kung anong tinangkad mo. Kapal. Tss.” Ang totoo, mas matangkad pa ata siya ngayon kesa nung huli ko siyang makita last year. Para ngang mas matangkad na siya kay Matt.

“Di nga?” At bigla ba namang kinurot ang rosy cheeks ko. Naku, kung hindi lang kita kinakapatid, grrrr. Bakit ba kasi ang tangkad mo at ‘di man lang kita mabatukan?

“Kaw talaga! ‘Wag mo na nga akong tatawaging Dudung. That was so 10 years ago…” With his gwapo-ever-puppy-face-look.

“Parang kailan lang may gatas pa tayo sa labi, tapos ngayon… Grabe naman ang tangkad mo na, ni hindi mo man lang ako binigyan kahit konti.” Naiimagine ko na ‘yung isasagot niya, “mag-heels ka kasi.” Tss.

“Ayaw ko nga! Eh kung binigyan kita, eh ‘di kayang-kaya mo na akong batukan. Ano ka sinuswerte?” Ang talino niya talaga, Summa Cum Laude ‘yan sa Ateneo de Manila. Kulang na lang magpick-up sticks ka sa dami ng uno niya.

“Nga pala, bakit ka andito? Sino nagbigay ng susi sa’yo?” Eh hindi pa nga dumadating sila mama.

“Para namang hindi mo ko kababata.” Aside from kinakapatid, kababata ko rin siya. Nasa iisang street lang ang bahay namin, ni Kate at ni Daryl sa Quezon City hanggang sa lumipat kami dito sa Marikina five years ago. “Siyempre, I called ninong, tinanong ko kung may hidden key sila somewhere outside the house. Ayun. Sabi ko gusto lang kita surpresahin.”

“Surpresahin? Baka gulatin! BV ka.” Binigyan ko nga siya ng bonggang irap sabay walk-out ko sa front door ng bahay.

“Oh, saan ka naman pupunta? Andito nga ako para –“ Hindi ko na siya pinatapos magsalita, part of my inis acting ng makonsensya naman si pogi. “Kukunin ko ‘yung bag ko, iniwan ko sa likod. Nang dahil sa’yo dumaan pa tuloy ako sa bintana, akala ko magnanakaw ‘yung nangalampag kanina.” Sige lang Daryl, tawa pa. Akala mo naman nakakatuwa ‘yung ginawa mo.

“Snowy! ‘Wag naman ang bag ko please… Janport ‘yan.” Kahit hindi original at least class A ‘yan.

Ito talagang pagkataba-taba kong pusakal na puti, inaakyat ‘yung bag ko. “Halika nga dito, puss, puss, Snowy.” Kahit pasaway, ang cute niya talaga at matalino pa. Marunong siyang magpakarga. Itinaas na niya ‘yung katawan niya at inaabot ang bewang ko kaya kinarga ko na ang baby ko. “Huwag mo ng uulitin ‘yun ha, tara pakainin na kita.” Sinuot ko sa isang balikat ko ‘yung strap ng back pack at pumasok na kami sa loob.

“Hi Snowy!” Kilala niya si Snowy at mahilig din siya sa hayop. “Tara pakainin natin, asan ‘yung pagkain niya?”

“Andiyan sa may pangalawang cabinet,” tinuro ko ‘yung cabinet sa taas ng lababo habang kinu-cuddle ko ‘tong si Snowy.

“Bakit ang late mo umuwi? Sabi nila ninong 11:30 daw ang labas mo. Gumala ka pa noh?” Nilagay niya na ‘yung pagkain sa bowl ni Snowy.

“Muntik na, pinipilit nila akong mag-yellow cab kaya ang tagal kong nakaalis ng school at medyo traffic kasi may bungguan sa may Concepcion.” Nung makarinig siya ng yellow cab akala mo naman ipinagbabawal kumain dun. Matipid kasi ‘yang taong ‘yan, kay Kate lang siya hindi nagtitipid, pinag-iipunan pa lalo na kapag monthsary nila. “Sayang naman! Bakit hindi ka sumama, wala kang pera noh?”

Gusto ko sanang patulan ‘tong mokong na ‘to, pasalamat siya gusto ko na talagang magpahinga. “Daryl, mamaya na lang ha, pagod kasi ako.”

Hindi ko na kailangan pang sabihin “feel at home” kasi parang second home niya na talaga ‘to. Hindi lalagpas ang dalawang buwan na hindi siya pumupunta dito, masyado na siyang na-attach sa pamilya namin since tita niya lang ang nagpapalaki sa kanya dahil nasa abroad pareho ang mga magulang niya. “Aw, okay. Pahinga ka maigi.” Kita ko sa mukha niya na nalungkot siya.

Pumasok na ako ng kwarto, binuksan ang electric fan at nagbihis ng pambahay kong mini-shorts at dilaw na tee.

Great. Ang sarap ng feeling mahiga dito sa kulay berde kong bed sheet. At napakasarap sa mata ng asul kong kwarto – my fave color. Let’s start my muni-muni session. Hingang malalim…

Bakit ba Caroline? Napakahirap bang sabihin sa mga kaibigan mo na nililigawan ka ng kaibigan niyo? Iiiiiiihhhh!! Ang awkward kaya. Kaso, kawawa naman si Nick. Paano siya manliligaw ng maayos o freely kung hindi namin sasabihin? Dapat kasi siya na lang ang magsabi sa kanila, kaya naman niya siguro ‘yun di ba?

“Cee, movie marathon tayo please? Hindi mo naman kailangan gumalaw e, higa lang tayo sa sofa.” Gusto niya talagang mag-bonding kami. Ako rin naman eh, kaso gusto ko pang magmuni-muni. Okay, ayan na ang puppy face niya. Bakit ba napaka-effective niyan?

“O sige na, libre mo muna foodtrip natin?” Ako naman mag-puss-in-boots paawa face, tignan natin kung makatanggi ka. “Alright.” Effective! “I’ll be back in a few minutes. Lock mo ‘yung mga pinto.” Kuyang-kuya ang dating, sabagay, tatlong taon din naman ang tanda niya sa akin. Kahit ganun, sinanay niya akong hindi kuya ang itawag ko sa kanya.

Alas dos na pala, nag-eenjoy siguro sila ngayon sa pagkain ng pizza, kanino kaya napunta ‘yung parte ko. Hindi na ako magtataka kung kay kuya or kay Kate ‘yun.

Inabot rin siya ng kulang-kulang 20 minutes sa pagbili ng pagkain namin. “Wow!” Nanlaki ‘yung mata ko sa saya. “Ice cream and cake, HEAVEN!” Sosyal talaga ‘tong si Daryl. Sabagay, may work naman na ‘yan, isang napakagaling na engineer.

“Ang init kasi ng panahon kapag tanghali, iba na talaga ang panahon ngayon. Kahit December mainit. Karamihan kasi ng mga tao ngayon hindi marunong mangalaga sa kalikasan. Huwag na huwag gagaya sa kanila ha!” Ta-da! Ayan na, lumalabas na ang pagka-earth saver niya. “Anong dala mong DVD?” Sana romance… “The Amazing Spider-Man,” yown! Magkasundo talaga kami, romance sa akin, action sa kanya. “Nice choice!”

Halos nasa kalahati na kami ng movie, ang kalat talaga namin. Nasa coffee table lang ‘yung hindi namin maubos-ubos na cake habang sinisimulan na namin kainin ‘yung ice cream nang biglang tumunog ‘yung door bell. “May inaasahan ka bang dadating?” Tanong sa akin ni Daryl, “wala, pause mo muna.” Naman oh, doon pa sa nakakakilig na scene, epal naman.

Nang dumungaw ako sa bintana, si kuya Dan ba ‘yun? Nakita niya ata ako at sumigaw siya “Caroline, heheramin ko sana ‘yung libro mo sa Filipino. Report namin ni Nick bukas, hindi pa ako nakakabili ng libro.” Late kasi lagi bumili ng libro ‘yang si kuya.

Sa Antipolo lang siya nakatira kaya hindi na niya kailangan pang mag-alangan sa pamasahe kung may kailangan siya sa akin. “Oh sige, wait lang, pasok ka muna.”

“Wait lang Daryl, andiyan ‘yung kaklase ko, papasukin mo na lang. Kukunin ko lang ‘yung libro ko sa kwarto, heheramin daw niya.”

“Okay. Bilisan mo ha, may pinapanood pa tayo.” Pumunta na ako sa kwarto ko para kunin sa study table ko ‘yung libro. “Magandang hapon po, si Caroline po?” Narinig ko kaso parang iba ‘yung boses ni kuya Dan, o baka dahil sarado lang kasi ‘yung pinto kaya ganun. “Caroline!” Sigaw ni Daryl. “Oo, eto na!”

May konting pakurba ‘yung aisle mula sa mga kwarto papuntang sala namin sa may kanan.

Totoo ba ang nakikita ng mga mata ko. Hala ka, ang kalat nung sala… Tapos naka-pause pa kina Peter at Gwen, baka kung anong isipin niyaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

“Nick—“ itatanong ko na sana kung nasaan si kuya kaso bigla siyang nagsalita.

“May dala akong pizza. Dalawa kasi ‘yung binili ko eh, kaso mukhang… Full-packed pa ata kayo.” Tumingin siya dun sa coffee table, ayy naman. Iba ‘yung reaksyon niya, hindi ko ma-explain.

“Hindi naman, hindi na nga namin nabilhan sila tito kaya sakto lang ‘yang pizza mo.” Bigla mo namang nagustuhan ang yellow cab ngayon?

“Ano nga ulit pangalan mo pre?” At anong strict-brother/father ang tono mo Daryl? Waiiiitttt, baka naman umaarte lang ‘tong si Dudung??

“Dominick.” Nag-shake hands sila sabay abot ni Nick ng pizza kay Daryl na may parang nag-spark sa titigin nila. Hala siya! “Sige Caroline, alis na ako.” Agad-agad? Ito pang libro lolo, nakalimutan mo. Asan ba si kuya Dan?

“Akala ko ba may heheramin ka kay Cee?” At sa nick name ko pa talaga, ha Daryl?

“Wait lang, ito na ‘yung libro. Hatid na kita sa may labasan.” Inabot ko sa kanya ‘yung libro sabay sabat na naman ‘tong isa.”Kaya na niya ‘yan, di pa tapos ‘tong pinapanood natin oh. Scene na nila Gwen at Peter. Kinikilig ka nga ‘di ba?” Napalunok ako, at lalo mo pang pinapalala ang sitwasyon. Kontrabida much? Waaaaaaaa, ‘yung mukha ni Nick biglang naging Biyernesanto.

“I insist,” to the rescue naman ako. Sige Daryl, makuha ka sa tingin ko!

Lumabas na kami ni Nick ng gate at naglalakad na kami patungo sa gate ng subdivision. “Huy! Bakit ganyan ang mukha mo? Malayo pa mahal na araw.” Hindi siya sumasagot kaya operation: daldal naman si ako. “Pasensya ka na nga pala kay Daryl—“

“Sino ba siya? …sino ba siya sa buhay mo?” SA BUHAY KO RAAAWWW!!? MAMAAAAA, HEEELP! “Ha?” Pabulong pa ng onti with the sad face. Tsk. Seloso rin pala ‘tong si Nick. Gusto ko ng matawa, ang cute niyang magselos.

In this very moment, hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang ginrab ‘yung kamay niya. “Kapatid ko.” *evil grin*pagselosin pa natin ng onti… Aba! Binitawan ang kamay ko. “Unica hija ka, ‘wag ka ngang magbiro ng ganyan. Mas lalo mo akong—“

“Pinagseselos?” Pang-asar kong tanong. “Pinapakaba! Para cake at ice cream lang? Walang sinabi ‘yun sa yellow cab ko noh. Tapos movie sa bahay, tara manood tayo ng 3D!” Hala, 3D daw, ano panunuorin natin, Finding Nemo?

Time to get serious, nagsasalubong na ‘yung kilay niya eh, sayang ang kagwapuhan. “Relax ka lang nga. Hindi ka na mabiro, KINA-kapatid at kababata ko po si Daryl, tatlong taon ang tanda niya sa akin. Kuya lang ang turing ko sa kanya, wala ng mas hihigit pa. Okay?”

“First place pa rin ako?” Ano raw? “Ha? Anong first flace?” Tinusok niya ‘yung dalawang daliri niya may taas ng dibdib ko. “Diyan sa puso mo?” Kahit parang biro ‘yung dating, ang sersyoso niyang tinanong sa akin. “Oo, naman… Pero siyempre, sina mama at papa muna noh!”

Bigla niyang nilapit ‘yung ulo niya sa akin. Within a blink of an eye, bigla ko na lang naramdam ang dampi ng mga labi niya sa aking noo. Hala! Naka-first base agad?! Ligaw pa lang aaaaaaaa! Ganyan na ba talaga uso ngayon?? Magnanakaw, tss! Parang naninigas ata’yung buong katawan ko sa lamig, hindi ako maka-kilos. Lord, paki-press Po ‘yung play button!

“Huwag mo ng alalahanin ‘yung pagiging awkward natin sa harap nila. Nasabi ko na sa kanila kanina.” Ibubukas ko na ‘yung mga labi ko sabay nilagay niya ‘yung hintuturo niya sa labi ko. “Don’t you worry, nakauwi na si Kate nung sinabi ko kina Matt at Dan. So, ikaw ng bahala sa best friend mo ha.” Nasa may gate na pala kami ng subdivision… “Love you!” Ano raw? Paki-auto-repeat nga po, ten times!

Para akong robot na umikot ng 180 degrees at nasa buwan akong naglalakad papauwi. “Salamat sa libro Caroline!” Tinaas ko na lang ‘yung kamay ko, alam kong boses ni kuya Dan ‘yun.

Left, left, left, right, left… Buksan ang gate, lakad ng onti, buksan ang pinto… Hakbang, hakbang… “Caroline, may manliligaw ka pala ha!” Biglang bungad sa akin ni Daryl, napalunok ako… “Matutulog na ako…” Wala pa rin sa katinuan ‘yung buong katawan ko.

“At iiwan mo ako dito, ganun? Sabihin ko kaya kay ninong ‘yun?” Tinamaan ka nga naman ng asteroid sa ulo Daryl! GRRRRRR! “WAAAAAG!!!! Sige na sasamahan na kita!” Nanood akong nakatulala sa…remote?

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...