Prologue
At first, all I wanted was to fit in.
Sitting alone in our classroom, the voices of the other students echoed on the almost empty corridors, na siyang naghahari sa aking pandinig.
The humid afternoon air made its way inside the classroom, making the white curtains sway weakly. Pumapasok ang sikat ng papalubog nang araw sa loob, at halos maabutan na ang kinauupuan ko. I watched a few students as they ran with huge smiles painted on their lips.
Bumuntong hininga ako bago nguling ibagsak ang tingin sa aking mga kamay na kanina ko pa pinagmamasdan simula nang matapos ang klase at maiwan ditong mag-isa. Maganda ang pagkakagawa ng mga kaibigan ko, my nails do look like strawberries now. It glimmers when I move my hands a bit.
I must say, it does look cute and pleasing to the eyes. Though, I'm not really into things like this. Cute things aren't my cup of tea. I prefer my nails cut short unlike how long it is now. Pero ang sabi ng mga kaibigan ko, hindi magandang lagyan ng design kung maikli kaya pinahaba ko.
I sighed once more. Kahit ano talagang pilit kong sabihin na cute siya, hindi ko pa rin talaga gustong ganito ang mga kuko ko.
A few moments have passed before I decided to just let it be. Sayang din naman kung aalisan ko agad, pinaghirapan itong gawin ng mga kaibigan ko. I should just let it be until it fades on its own.
Tumayo ako at nagsimula nang iligpit ang aking mga gamit na nakakalat pa sa desk ko. I was almost done with what I was doing when I heard some footsteps coming towards me. Lumingon ako at agad ngumiti nang makita ang mga kaibigan na nakatayo sa may pintuan ng classroom namin.
"Yuri! Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka pa rin pala," si Rebecca na agad lumapit sa akin. Behind her was Mary and Erza, our other friends.
Luminga-linga si Mary bago ituon ang tingin sa 'kin. "Mukhang malinis naman na ang room, iwan mo na 'to,"
"Hmm, I was just getting my things," I smiled.
"Gano'n ba?" si Rebecca na nakalapit na sa 'kin.
She looked down at my desk where my things are. Mabilis niyang pinulot ang mga 'yon at agad pinasok sa bag ko. Umuwang ang aking labi, bahagyang natigilan sa ginawa niya. I was trying to pack my things properly. She grinned at me.
"Bilisan na natin at baka wala na tayong maabutan sa game!" aniya.
"Huh?"
Nagkatinginan si Erza at Mary bago sabay na natawa. Siguro'y dahil sa naging reaksyon ko. Erza slapped my arm playfully. Medyo napalakas siya sa ginawa kaya bahagya akong napaatras, nasaktan ng kaunti.
"May laro sila ngayon, ano ka ba!"
Marahan akong tumango. But when I saw the malicious smirk on their lips, kumurap-kurap ako at sinadyang palakihin ang mga mata. They chuckled because of what I did.
"Ayan, okay na!" Rebecca declared, nang matapos ipasok sa bag lahat ng gamit ko. "Tara na!"
Sabay-sabay silang tatlo na tumakbo palabas, leaving me. My eyes widened, for real this time. Nagmamadali kong sinukbit ang bag sa aking balikat bago sila sinundan. They laughed as they looked back at me.
I stared at them as I followed. Rebecca is very pretty with her straight long black hair. Magaling din siya manamit kaya marami sa school ang hinahangaan siya, she's even the role model of some. Erza's the tallest of the four of us, maganda ang tindig at maganda din ang kurba ng kaniyang katawan. Palagi siyang sumasali sa mga beauty contests at palagi din namang nananalo, so she's also very popular, sa loob o labas man ng eskuwelahan. Meanwhile, Mary is the most conservative and girly, kaya marami ang nagkakagusto sa kaniya. She has suitors even from other schools.
Ibang-iba ako sa kanila. I'm not into fashion like Rebecca, I'm also not confident like Erza, at lalong hindi ako mahinhin tulad ni Mary. I was more of a boyish type, ayon sa kanila—for I like to wear loose clothes more than the tight ones. I also don't like wearing skirts cuz I feel too exposed. Hindi ako marunong mag make up, not even interested with it. Gano'n din pag dating sa mga jewerlies.
I look too out of place when I am with them. But still, they accepted me for who I am, kahit na iba ako sa kanila. They still befriended me. So, even if I feel uncomfortable with them sometimes, masaya ako na kaibigan ko sila.
The other students were cheering wildly when we arrived at the gymnasium. Agad kong sinundan sila Rebecca nang sumiksik sila sa gitna ng mga naghihiyawang estudyante.
My arms hurt as I squeezed myself in between the wild crowd. I took a deep breath nang sa wakas ay makalabas na sa gitna ng siksikang daan. I looked around and saw my friends near the substitute players. Lumapit ako sa kanila.
They were sitting behind the players so I tried to look around to find an empty seat, nguni't bigo akong makahanap. Napansin ko na lahat ay nakatayo naman, siguro'y binigyan lang sila ng upuan ng mga players. Hindi katakataka iyon dahil tipo sila ng mga ito, at isa sa mga ito ay manliligaw ni Mary.
Nanatili na lamang akong nakatayo sa kanilang tabi. Dumako ang mga mata ko sa court nang malakas na maghiyawan ang mga nanonood.
It was a game between our school's players from the college department. Hinati sila sa dalawang teams, red and blue. They're all sweating hard, and breathing heavily. I looked at the score board and realized why. Fourth quarter na at dalawang minuto na lamang ang natitira. Dikit ang scores, at mukhang makakahabol pa ang blue team dahil may nakapag three points sa kanila.
Umusbong ang matinding kaba sa aking sistema nang makita ang dahilan nang malakas na hiyawan ng mga nanonood.
Tulad nang ibang naglalaro, he's also sweating hard and breathing heavily. A few drops of sweat from his clean-cut black hair traveled on the side of his face, down to his tight jaw. He was walking backwards, and when his teammates reached him, he tapped his glasses using his middle finger and turned around to run at the same pace as them. I saw the name 'Siervo' embedded on the back of his jersey when he turned.
"Tindi talaga sa three points nitong si Aedion! Nakahabol na sila, oh!" dinig kong komento ng isa sa mga substitute player.
"What do you expect? Hindi ba't siya din ang dahilan kaya nanalo tayo doon sa friendly match natin laban sa mga taga St. Joseph?"
From my peripheral vision, I saw how they glanced at me before whispering something to each other that made them laugh. Nagkunwari na lamang akong hindi napansin iyon.
Ang blue team naman ngayon ang nakadipensa. Nguling naghiyawan ang lahat nang mabilis na naagaw ng isang taga blue team ang bola sa kalaban. I wasn't into basketball but even I got nervous and excited for what's happening.
My mouth formed a gap as I watched how fast Aedion ran back to the other side of the court. May kung anong sinigaw ang kakampi niyang nakaagaw ng bola na hindi ko na narinig sa lakas ng hiyawan. He then tossed the ball to him.
Mas lalong lumakas ang hiyawan nang masalo 'yon ni Aedion. Before he could reach the other side, may nakahabol na sa kaniya at agad siyang hinarangan.
He was still a few steps away from the three-point line kaya laking gulat ko nang huminto siya doon. I could also hear the loud gasps and wild cheer from the other students na mukhang alam ang balak niyang gawin.
In a quick move, Aedion switched to his shooting stance. His well-proportioned biceps clenched cuz of his fast movements.
The oppenent ran and jumped in front of him, as he tried to block him. Despite that, tinuloy niya pa rin ang pagtira ng bola. He moved away before completely shooting the ball.
It was a fadeaway three point shot that silenced the crowd.
The sound of the buzzer echoed inside the gymnasium, signaling the end of the game. But everyone was still focused on the ball. And as if on cue, when the sound of the buzzer stopped, the ball went in the ring.
The students jumped and screamed in unison. Samantalang napatayo naman ang mga ka team niyang nasa harapan namin. Nag high five ang iba, samantalang pumasok na agad ng court ang ilan upang salubungin ang mga ka teammates nila.
The players all went to Aedion and congratulate him. They circled on that part of the court, tila may pinag-uusapan pa habang nagkakasiyahan.
I quickly shut my mouth. Ngayon lang napansin na nakanganga na pala habang nanonood kanina. Nahuli nang paningin ko ang malisyosong ngisi sa akin ni Rebecca. I looked away, kunwari hindi siya napansin.
Nguling sumilay ang kaba sa aking sistema nang tumayo si Rebecca at lumapit sa akin. She bumped her arm on mine purposely, so I had no choice but to turn and face her. The malicious smirk on her lips showed again.
"May inumin ka diyan, 'di ba?" she asked meaningfully.
Napalunok ako at marahang umiling. Bahagyang nagkasalubong ang mga kilay niya.
"Meron, e! Nakita ko kanina!"
Hindi na ako nakasagot.
Inakbayan niya ako. Nagkalapit ang mga mukha namin kaya naman madali na lang niya akong nabulungan, even with the wild crowd around us.
"Bigay mo kay Aedion," bulong niya.
Napalingon ako sa kaniya. Ngumisi siya sa akin.
"Dali, oh! Papunta na sila dito!"
Bumaling ako sa court at nakitang pabalik na ang mga players sa bench sa harap lang ng kinatatayuan namin, nagtatawanan pa ang iba.
I swallowed hard when my eyes drifted to Aedion. Tahimik lang na naglalakad sa bandang likod. May tumapik sa kaniya kaya napabaling siya rito at nakipag-usap.
"I-congratulate mo siya tapos ibigay mo yung inumin, dali!" bulong pa ni Rebecca.
Hinarap ko siya at nguling umiling.
"N-Nahihiya ako, Rebecca," I said nervously.
Ngumiwi si Rebecca. "Ano ka ba? Iaabot mo lang naman. 'Tsaka ayaw mo 'yon? Makakapag papansin ka na sa kaniya! You can even add a little comment about his fancy three point shot a while ago, para naman malaman niyang pinapanood mo talaga siya,"
Umiling ulit ako.
I can't do it! Nakakahiya lalo na't ang daming tao sa paligid. Paano kung tanggihan niya ang iaabot ko? Isa pa, ayos lang naman sa 'kin kahit hindi niya ako napapansin, e. I'm fine with just watching him from a far. Actually, I never wanted him to notice me. But I can't tell that to Rebecca.
"Ang daming tao," tangi kong nasabi.
"E 'di mas maganda! Mas lalo niyang tatanggapin ang ibibigay mo! Dali na!"
She tapped me hard on the back, pushing me to move forward. Nakita kong nakatingin na rin sa akin sila Erza at Mary na parehong nakangisi. Mukhang alam din nila kung ano ang pinapagawa sa akin ni Rebecca.
Halos magwala na ang puso ko sa lakas at bilis ng tibok nito. I swallowed hard twice. Aedion and his teammates are on the bench now. Nguni't 'di gaya ng mga kasama niya, nanatili siyang nakatayo. A white towel was hanging on his shoulder.
Nilingon ko ang mga kaibigan at umiling. Pero mukhang wala na silang balak na pakinggan ako. The three of them are eagerly encouraging me to go and talk to Aedion.
My chest is moving up and down dahil sa sunod-sunod na malalalim na paghinga na ginagawa. Tila naninigas ang mga binti ko nang umapak palapit sa bench.
Lalo lang lumala ang kabang nararamdaman ko nang marinig ang bulong-bulongan sa paligid.
"Uy, si Falcutila lalapit sa mga players,"
"Kay Siervo lalapit 'yan! Crush niya 'di ba? Baka magtatapat na!"
Some of them cheered by that thought. Ang ibang babae namang nakakasaksi ay umasim ang mga mukha.
"Rochelle, lalapitan si Aedion! Unahan mo na!" ani ng isang babae.
"Tanga ka ba? Si Yuri Falcutila 'yan! Hayaan mo nang mauna! Hindi naman papansinin ni Siervo 'yan!"
Sandaling naagaw ang atensyon ko ng mga komento nila, hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nakalapit sa bench, at tinitignan na ng mga players.
My cheeks heated rapidly. I looked down out of reflex.
"Oy, si Falcutila, Aedion,"
Uminit lalo ang pisngi ko nang agad tawagin ng ibang players si Aedion. Oh my! Just how many of them knows that I like Aedion? Or, is there even someone who doesn't know yet?
Heart still pounding hard, I slowly lifted my eyes. Muntik na akong maudlot sa kinatatayuan nang ang unang madapuan ng aking mga mata ay si Aedion. His eyebrows were furrowed and lips in a thin line as he looked at me.
I cleared my throat. Hiyang-hiya na ako ngayong mukhang nasa amin na ang atensyon ng karamihan. Some of the players sitting on the bench even moved a bit for me.
Hindi na makapag-isip nang maayos sa sobrang kahihiyan, I ended up saying what Rebecca told me.
"C-Congrats," I said which almost turned into a whisper, sa sobrang hina nang pagkakasabi ko.
Ngumisi ang ilang teammates niya. I waited for his answer but nothing came. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, lalo lang nagkasalubong ang makakapal na kilay.
"Uh, heto—" huminto ako nang matanto na, hindi ko pa nailalabas ang inumin na ibibigay!
Napalunok ako at sa nanginginig na mga kamay ay agad hinalughog ang bag upang kunin ang inumin. This is so embarrassing! Ni hindi ko nga sigurado kung malamig pa ang inumin kong iyon dahil kanina ko pa siya binili!
Nang makapa ang inumin, mabilis ko iyong inilabas. At dahil hindi maayos ang pagkakalagay ng mga gamit, may ilang ballpen at notebook ko ang bumagsak sa sahig. May nagtawanan dahil sa nasaksihan.
Kinagat ko ang pang ibabang labi. I contemplated whether if I pick up my things first. But doing so would only prolong the embarrassing situation I am in, kaya nagpasiya akong ituloy nalang muna ang ginagawa.
Inangat ko ang tingin kay Aedion at agad nilahad ang inumin.
"I-I got this for—" natigilan ako sa sinasabi nang makitang nakatalikod na siya sa akin, kinakausap na ang tingin ko'y coach nila.
I flushed when I heard a loud bark of laughter somewhere behind me. Agad iyon nasundan ng ilan pang tumawa ng malakas. The girls who were giving me bitter stares earlier are all smirking at me, murmuring something to each other.
"Nakakahiya," someone commented.
I flushed. Tila namanhid na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan na natamo. Nagmamadali akong yumuko upang pulutin ang mga nalaglag na gamit. Medyo natagal pa dahil nanginginig ang mga kamay.
When I stood back up, Aedion turned back to me. Pero masyado nang matindi ang kahihiyan na natamo ko upang ipagpatuloy pa ang gagawin. I never wanted to do it anyway!
I turned my heel and quickly ran away. Narinig ko sila Rebecca na tinatawag ako nguni't nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hiyang-hiya sa sarili.
Paulit-ulit kong sinabi sa sarili na, ayos lang. Hindi ko naman talaga gusto ang ginagawa ko kaya ayos lang ang nangyari. But the embarrassment was too much, na kahit anong alo sa sarili ang gawin ay hindi ko ito maalis sa sistema.
Rebecca, Erza and Mary followed me. Inalo nila akong tatlo.
"Hindi ka lang siguro narinig ni Aedion!" si Rebecca. "Masyado kasing maingay yung mga Senior High kanina, e! Kakainis!"
"Tama siya, kalimutan mo nalang 'yon, Yuri," si Mary.
While Erza was carresing my hair, and agreeing to whatever our friends are saying.
I wasn't saying anything and just kept my head held down while they try to make me feel better. Honestly, they didn't have to do this. I don't really like Aedion anyway.
I'm not sociable like my brother and cousin. Hindi rin ako maka-relate sa gusto ng mga ka-edad kong babae. In other words, I was the best example of a boring person. Sino nga ba ang gugustuhing kausapin at kaibiganin ang tulad kong walang alam sa mga gusto nila? Sa mga hilig nila? No one does.
I realized all that after spending my whole High School and Senior High life as a loner. A convenient classmate na lalapitan at kakausapin lang pag may ipapagawa o kapag kinulang na nang ka-grupo para sa mga projects o reportings.
Sinubukan kong kaibiganin sila pero palagi lang akong nabibigo. Ano nga ba ang masasabi ko para maengganyo silang kaibiganin ako? I can't even relate to their favorite songs. I'm such a boring person after all.
When I reached college, I noticed how my classmates are all very into one thing... Love. Crushes, and other things connected to it.
I don't want to spend my whole college life alone, kaya naman nang lapitan ako nila Rebecca at tanungin kung sino ang gusto ko, I blurted out Aedion Siervo's name.
Kilala si Aedion hindi lang sa buong college department, maging sa Senior High hanggang High School ay marami siyang tagahanga. He's a consistent dean lister, at sikat din dahil parte siya ng basketball team ng school namin.
But I didn't choose him because of those. Siya ang naisip ko dahil bukod sa mga iyon, kilala din siya bilang masyadong seryoso at masungit. I heard he already has a list of girls that he turned down, hindi pa man natatapos ang unang sem. I thought, kung pipili ako ng kunwaring crush, ang pipiliin ko ay 'yong wala akong pag-asa, 'yong walang interes na pumasok sa isang relasyon. And he was the perfect choice.
I don't know if Rebecca, Erza and Mary will still consider me as their friend if I told them the truth that time, na wala naman akong crush. Kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka relate sa ibang pinag-uusapan nila. Tanging tungkol sa crush lang.
Minsan nga naiisip ko, pag nag confess kaya ako at tanggihan ni Aedion, will they still be friends with me? I really hope so, because after what happened, tingin ko, talagang wala akong pag-asa sa kaniya.
Nauna silang umuwi sa akin, pare-parehong may mga lakad pa, samantalang si Mary naman ay natural nang maagang umuwi dahil strict ang parents.
Patungo na sa gate, nagpasiya akong huminto muna sa isang concrete table na nadaanan upang ayusin ang mga gamit ko.
Nakaramdam ako ng kaunting kahihiyan nang makita ang inumin na ibibigay sana kanina. I shook my head and sighed. Walang kaso sa 'kin na tinalikuran niya ako, pero nakakahiya lang talaga na marami ang nakakita. I can already feel like it will be the other students' topic for the next few days.
Hindi ko na nilagay sa loob nang bag ang inumin. I thought if I brought it back home, mas lalo lang akong 'di lulubayan ng nakakahiyang pangyayari na iyon. So, I decided to just throw it away.
Luminga-linga ako, naghanap ng basurahan. My eyebrows shot up. Agad akong lumapit sa nakitang basurahan sa malayong gilid.
Only a few steps away from the trash can, I glanced to the door close to where it was nang bumukas ito. Balak ko nalang sanang huwag pansinin nguni't hindi ko nagawa, lalo na nang matantong si Aedion ang lumabas mula doon!
Sa gulat, napahinto ako. He also stopped his tracks when he saw me. Nagkatitigan kami.
I didn't know what to do. It feels so awkward to bumped into him after what happened earlier.
He was in his regular uniform now. Maayos ang pagkakasuot niya no'n, at halos wala rin itong gusot. Napansin ko ang pagbagsak ng mga mata niya sa kamay ko.
Namilog ang mga mata ko nang matandaan kung ano ang hawak. Nagmamadali ko 'yong tinago sa aking likuran at nag-iwas ng tingin.
Sumulyap ako sa kaniya nang maramdaman ko siyang gumalaw. Tuluyan na akong napabaling sa kaniya nang makitang nila-lock niya ang pinto ng nilabasan niya kanina.
I looked at the small room and realized, it was the basketball player's locker room.
Nguli akong nag-iwas ng tingin nang humarap ulit siya sa aking gawi. I wanted so much to go and leave but if I do, baka mauwi ko pa itong inumin. And I don't want that.
When he started walking, I thought, that's it! I'll just wait for him to leave then I can throw this drink in the trash at makakauwi na din ako.
Nguni't agad din naglaho ang iniisip kong iyon nang imbes na papaalis, he walked towards me. I gulped, suddenly feeling nervous.
Halos ipako ko na ang tingin sa kawalan para lang hindi siya tignan, lalo na nang maramdaman kong nakatayo na siya sa harapan ko.
"Sorry about earlier. The other students were loud, I didn't hear what you were saying," with his baritone voice, he said those words fluently.
Lumunok ako at dahan-dahan siyang nilingon. He was looking straight to me, and although I heard the sincerity in his voice, his face was plain serious.
Hindi pa man nakakapagsalita, he tore his eyes off mine and looked down to the drink that I was holding.
"My teammate told me you wanted to give me that. I'll accept it." aniya at inilahad ang kaniyang kamay.
It felt like a lighting strike me. I couldn't say a word, all I did was stare at him in awe. Totoo ba 'to?
Aedion nodded and slowly lowered his hand. "I understand if you don't want to—"
Namilog ang mga mata ko. Tila biglang nagising sa sinabi niya, I quickly handed him the drink.
"H-Heto," nagmamadali kong sinabi.
Saglit niya akong tinignan, siguro'y nagulat sa ginawa ko. He fixed his eye glasses into place before accepting the drink that I was giving him.
"Kanina pa 'yan kaya... hindi na malamig," I said, nagdadalawang isip na ibigay sa kaniya iyon.
"It's alright. Thank you for this,"
Napakurap-kurap ako. He really sounds serious even when he's thanking me.
"Sorry again for what happened,"
Nakayuko akong umiling. "Ayos lang,"
Sandali kaming nabalot ng katahimikan bago siya muling nagsalita.
"I'll go ahead."
Mabilis akong tumango. From the corner of my vision, I saw him nodded too. Then he started walking away.
Nanatili ako sa ganoong puwesto ng ilang segundo. Nang masigurong wala na siya ay saka ako lumingon.
I let out a deep sigh. Pinakalma ko muna ang sarili ko, at para na rin 'di kami magpangabot sa gate ay nanatili pa ako nang ilang minuto doon bago nagpasiyang umuwi na.