Chapter 2

714 43 84
                                    

Chapter 2
Inform
  
Hindi ko alam kung bakit kami nauwi sa ganitong situwasyon. All I wanted was to do something for him, pambawi man lang sa mga pang-aasar sa kaniya ng mga kasama niya. I didn't know this would happen.

Bahagyang nakayuko, my eyes keep on roaming around as I walked towards the school gates. Dumako ang mga mata ko kay Aedion. He's now on his school uniform, looking all serious and snob. Unlike me, he doesn't look nervous, as if he doesn't care if ever someone sees us walking side by side.

Well, this was his idea after all. Pagkatapos mapulot lahat ng nagkalat na bola, magpapaalam na sana ako na mauuna na, nguni't naunahan niya ako. He told me to wait a bit, dahil magbibihis pa siya at sabay na daw kami umalis. Hindi na ako umapila lalo na't madilim na.

Now that we're walking together, saka ko lang naisip ang maaaring mangyari sakaling may makakita sa amin.

Nguli kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Wala na masyadong tao sa paligid, most of them are professors, mga papauwi na rin. Unti-unti akong umayos ng pagkakatayo. Kung sa bagay, mukhang wala nang makakakita o manunukso sa amin ngayon.

When we reached the school gates, I realized how late it was already. Madilim na ang kalangitan, at puno na halos lahat ng dyip na dumadaan. Sarado na din ang mga katapat na karinderya. I checked my cellphone and saw a text from my driver, sinasabing malapit na daw siya. I replied, telling him to be careful on the road.

Nang mailagay sa loob ng bag ang cellphone, pasimple kong sinulyapan si Aedion na nakatayo sa aking tabi. He was looking at our left, tinitignan ang mga paparating na sasakyan. Akala ko'y naghihintay ng pagkakataon para makatawid sa kabila nguni't dumaan ang halos dalawang minuto na walang dumaang sasakyan, hindi naman siya tumawid. Nanatili lang na nakatingin sa aming kaliwa, his arms are crossed and brows a bit furrowed.

Not that I'm paying attention to him, but I do know that his way home is on the opposite direction, kaya inaasahan kong tatawid siya. Bumaling ako sa kabilang side ng kalsada. Maybe because there's no jeep yet?

And just as I was thinking about it, my brows shot up when I saw a jeep stopped on the other side. Marami ang agad na sumakay doon. Ayan, meron na!

Nilingon ko si Aedion, lumingon din siya sa 'kin. I thought he's going to inform me that he's leaving so, I was a bit confused when he stepped back and gestured his hand, telling me to do the same. Sinunod ko ang kaniyang gusto nguni't kumunot ang noo ko.

"Hindi ka pa ba tatawid? Baka umalis na 'yong dyip..." I said, worried that there might be no more space for him inside. Natigilan lang nang may humintong itim na SUV sa aming harapan.

Bumukas ang pinto sa may driver's seat. Nang makita ko ang driver namin na nagmamadaling umikot upang buksan ang pinto sa shotgun seat para sa 'kin, doon ko lang napagtanto na sundo ko pala 'yon!

Our driver smiled apologetically. "Pasensiya na po, Miss, natagalan. Sakay na po kayo,"

I turned back to Aedion. With his usual serious face, tipid siyang tumango sa akin, as if encouraging me to go. I nodded back before stepping inside the SUV.

Lumingon ako sa kaniya nang masara na ng driver ko ang pinto. He remained standing on his place, tinitignan ang sasakyan namin. The windows are heavily tinted. I wanted to tell him to cross the street lalo na't nang linungin ko ang dyip, mukhang malapit nang mapuno. I clicked the button to roll down the window beside me, however, my driver already started to maneuver the SUV.

When we're on the other side of the street, nilingon ko si Aedion. Napatuwid ako ng upo nang makita ang paglingon niya sa kaliwa't kanan bago mabilis na tumawid. I shifted on my seat as the SUV starts to move, gustong makita kung nakasakay na ba siya. I saw him crouched a bit as he stepped inside the jeep. I sighed in relief.

Orphic LoveWhere stories live. Discover now