Epilogue

888 40 222
                                    

This is the final part of this story. Thank you for supporting Orphic Love. Please do look forward for the next series: Ineffable Love. Maraming salamat!

Epilogue

I never understood why my classmates looked so happy whenever it was time to go home.

Pinagmasdan ko sila na tuwang-tuwa na sinasalubong ang kani-kanilang magulang na sinundo sila. They looked so happy as they told their parents about their day at school, ganoon din ang kanilang mga magulang na mataman silang pinakikinggan.

Ngumuso ako. Binagsak ko ang tingin sa aking notebook at nagpatuloy na lamang sa ginagawa.

"Aedion, hindi ka pa ba uuwi?"

Nag-angat ako ng tingin. It was our homeroom teacher. Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na narito. Wala nang tao sa classroom bukod sa akin at mukhang papalubog na rin ang araw dahil nagsisimula nang dumilim ang kalangitan.

She went near me. Bumagsak ang mga mata niya sa ginagawa ko. Agad kong sinara ang notebook ko dahilan nang pag-angat ng tingin niya sa akin. Mapait siyang ngumiti.

"Bakit dito ka gumagawa ng homework mo?" marahan niyang tanong.

"Uuwi na po ako," I said and quickly gathered my things.

Hindi gano'n kalayo ang eskuwelahan sa bahay namin pero dahil sinasadyang bagalan ang paglalakad, medyo ginabi ako nang makauwi.

Once I caught a glimpse of our house, I silently prayed that Papa wasn't there. Sana isa nalang ito sa mga gabi na hindi siya makakauwi. Pero agad akong nabigo dahil hindi pa man nakakalapit, dinig ko na ang galit niyang boses.

I blame his loud angry screams as the reason why we were always the topic of our nosy neighbors and how they would always use us as a bad example of a family. It makes me feel bad for myself, especially for Mama.

Nakatayo na ako sa harap ng pintuan namin. Hindi ko alam kung papasok ba ako o ano lalo na't dinig na dinig ko na ang sigawan sa loob.

I flinched when the wooden door suddenly opened. Niluwa no'n si Papa. He looked so angry, his face was red. When he turned to me, I almost cried in fear.

"Isa ka pa! Wala na nga tayong pera, pumapasok ka pa! Maghanap ka ng trabaho para may pakinabang naman sa'yo! Buwiset na bata, tumabi ka nga!" bulyaw niya.

He pushed me as he walked away. Napayuko ako nang makita ang ilang kapitbahay namin na nakatingin mula sa kanilang bahay. Parang namamanhid ang buong katawan ko sa kahihiyan at wala akong maisip kundi ang sinabi ni Papa.

"Aedion!" si Mama na agad akong hinila papasok ng bahay.

I cried as Mama hugged me tightly. I didn't know if she was also crying, but her shoulders were shaking while she tries to calm me down. Pauli-ulit niyang hinahaplos ang likuran ko.

"It's alright. Huwag mo nang pansinin ang sinabi ng Papa mo, galit lang 'yon,"

She pushed me away just enough to look at my face. Nguling nangilid ang luha sa aking mata nang makita ang namumulang pisngi ni Mama at ang maliit na pasa sa kaniyang braso.

I hugged her again and this time, I cried for her.

That was the most peaceful night that I could remember in our house. Hindi umuwi si Papa, siguro'y nakipag lasingan sa mga kaibigan sa kabilang kanto at doon na rin nakatulog kaya naiwan kaming dalawa ni Mama sa bahay.

We ate dinner quietly. After that, she helped me finish my homework. I was so happy that time na bago kami matulog, hiniling ko na sana... gano'n nalang palagi. Kami lang ni Mama at wala si Papa.

Orphic LoveWhere stories live. Discover now