Chapter 30

570 33 31
                                    

Chapter 30
Mahal

"Umalis na po, Ma'am. May problema po ba?"

Tila hindi sapat ang sagot ng tauhan, I pursed my lips and turned around to where the entrance was, kung saan bahagyang nakikita ang maliit na parking area sa harap ng store. I checked if his car was still there. At nang makitang wala na ito, saka palang ako naniwala sa sinabi niya.

"Tatawagan ko po ba si Sir?" Shiela inquired.

My shoulders slumped. Bumaling ako sa kaniya at marahang umiling.

"Hindi na. Akyat na 'ko…" I said weakly before doing what I said and went upstairs.

Nang makabalik sa aking opisina, naupo ako sa swivel chair. Tinukod ko ang magkabilang siko sa lamesa na nasa harapan ko, saka sinapo ang magkabilang side ng ulo at pumikit ng mariin. Animo'y may iniisip na malaking problema.

Sising-sisi ako sa nagawa. It was wrong. I didn't have any valid reasons to hurt him like that. Yes, he touched me, but it did not make me feel uncomfortable or anything. Masyado lang talaga akong nadala ng iritasyon dahil sa mga naiisip ko kanina.

The first thing I thought once I calm myself was to apologize to him. Pero nakaalis na siya. Hindi naman ako gaanong nagtagal nang iwan ko siya sa fitting room, pero siguro nga, nagalit siya sa ginawa ko kaya umalis na kaagad.

"Damn it," I muttered to myself frustratedly.

Gustong-gusto kong mag-isip ng ibang dahilan sa mga kinikilos at mga salitang binibitawan niya. I mean, he has a girlfriend! And from the way it looks, mukhang malapit na silang ikasal. Kaya nga siya nagpapagawa ng bahay at bumili ng damit pang kasal, hindi ba?

Ngunit kahit na gaano ko isiksik iyon sa isipan ko, hindi ko maipagkakaila na naaapektuhan pa rin niya ako. Na kahit na anong klaseng pangkukumbinsi pa ang gawin ko sa sarili na imposible, there's still a part of me that's whispering inside my head na… baka tama sila. Baka totoo ang sinabi ni Nicole.

It's frustrating! No matter how many times I tell myself how ridiculous it is, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko iyon. Hindi lang dahil sa mga kinikilos at salita niya na tila may ibang pinahihiwatig. Dahil alam kong kahit na anong tanggi ko pa sa sarili ko, alam kong umaasa pa rin ako.

There, I said it!

I exhaled through my mouth. Nanatili sa ganoong ayos, bahagya akong yumuko. Ang paningin ko'y unti-unting lumalabo dahil sa luhang namumuo sa aking mga mata.

Pisikal na kirot sa aking dibdib ang naramdaman matapos ang pag-amin sa sarili. Ngunit kasabay no'n ay ramdam ko rin ang pag gaan nito, tila ba may matagal nang nakadagan na ngayon lang naalis.

Pareho lang kami. Parehong walang nagbago. If he's still as boastful and confident as he was back then, I'm still dumb and stupid like before.

Pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko noon, but here I am now, doing the same damn thing!

Totoong nag-aalala ako para sa aking pamilya kaya pinili kong ilihim sa kanila ang tungkol sa pagbabalik ni Aedion. Pero bukod doon, I decided to face him by myself because I was hoping… he came back for me.

Umaasa ako na bumalik siya dahil sa akin. At ngayong inamin ko na ang mga ito sa aking sarili, I realized just how long I've been hoping. I don't think there was even a time where I stopped hoping he'd come back to me.

During those times when I would lock myself inside my room and cry till I fall asleep. During those times when I would blame him for everything that's happening to me and my family. Even on those times when I feel like I hate him to the core, deep inside, I was hoping he'd suddenly show up just like how he did at school back then.

Orphic LoveWhere stories live. Discover now