Chapter 5

624 46 104
                                    

Chapter 5
Slow
 
I thought I was doing the right thing for the both of us. Pareho kaming nagbe-benefit sa ginagawa kong pag-iwas. No one will tease the both of us, and he won't be annoyed with my presence. Nguni't pagkatapos nang naging pag-uusap namin sa library, hindi na ako sigurado.

Akala ko ba'y naiirita siya sa presensiya ko? I mean, yes, he didn't say that vocally, but his facial expression whenever we're being teased to each other says so. 'Tsaka, hindi ba tipo niya si Alliah? Then why does he sound like he has something against me for not watching their practice like Mary does? Hindi ba dapat ay matuwa siya ngayong nilalayuan ko na siya? No one will go against him if he ever enters a relationship with Alliah now that I am out of the picture, since that's what they think I'll do.

I buried my face on my pillow and groaned. At ano naman ang ibig mong sabihin sa iniisip mo, Yuri? Na gusto ni Aedion na manood ka ulit sa practice nila? Ridiculous! Why would he want that? Ano? Naniniwala ka na talaga sa sinabi ni Kuya Azekiel?

Slowly, I turned my head to the side. I stared at my own reflection through the large mirror in my room. Aedion was just kind and plain curious kaya 'di siya umalis kahit na nandoon ako, at nagtanong. Malamang ay nahalata niya na parati akong nagmamadali tuwing nagkikita kami sa campus. Or maybe... he's really just putting up with me dahil nga anak ako ng may-ari ng eskuwelahan kung saan siya nag-aaral.

Nguli akong dumapa at binaon ang mukha sa unan. Something within me is refusing to see it that way. Kahit na alam kong maaaring 'yon nga ang dahilan sa likod ng kabaitan na pinapakita niya sa akin.

Umungol ako. Biglang nakaramdam ng inis sa mga naiisip. I stomped my feet on my bed a few times and buried my face more. This is so frustrating!

The next day, I was contemplating whether if I would go with Mary to watch the basketball team's practice or not. We were currently having lunch at the canteen. Akmang kakalabitin na si Mary para sabihin ang balak na pagsama muli, natigilan ako nang marinig ang pinag-uusapan ng mga estudyante sa kalapit na lamesa.

"I know! Kaya nga gustong-gusto ko 'yan si Alliah, e! Kita mo naman, rising star pero napaka humble pa rin,"

Sinulyapan ko ang katabi naming lamesa. Nakahilig sa lamesa ang tatlong babae mula sa education department. Seeing their empty plates on the table, looks like they were done eating lunch, nag-uusap na lang kaya narito pa.

"Biruin mo, sa ganda at bait niyang 'yon, natatakot pa rin siya na baka maagawan siya kay Aedion!"

They giggled.

"Kaya nga, e, halata namang tipo siya ni Aedion! Kahapon nga, 'di sumali sa practice game, nakaupo lang sa bench. Pa'no, nakapuwesto si Alliah malapit doon. Ayaw iwanan, todo bantay," one of them said maliciously which made them squeal a bit.

I swallowed hard. Bagsak ang balikat kong umayos sa pagkakaupo, hindi na tinuloy ang binabalak.

"Sila na kaya? Madalas si Alliah doon nitong mga nakaraang araw, e. Oh! And, aren't they seatmates sa isang minor subject?"

Nagkibit balikat ang isa. "Tingin ko sila na, tinatago lang kasi nga atrista si Alliah,"

"Nako! Dapat lang 'no! Tagal na nilang nali-link sa isa't isa, e. Kung 'di lang dahil kay Yuri—"

"Uy," I heard one of them butt in, stopping her friend.

From my peripheral vision, I saw them turning their heads to me before whispering something to each other. Sabay-sabay silang tumayo at 'saka tahimik na umalis.

Bumuntong hininga ako. Buo na ang desisyon na ituloy ang ginagawang pag-iwas.

I don't know why I wasn't in the mood since then. Mabuti nalang at nag desisyon ang professor namin na magkaroon kami ng presentation sa susunod na linggo. With that, my mind will be busy thinking of much important things.

Orphic LoveWhere stories live. Discover now