Chapter 9

592 38 66
                                    

Chapter 9
Mother

"'Yong totoo, Yuri. Nililigawan ka ni Aedion?"

Tinitigan ko si Rebecca na kanina pa nanlalaki ang mga mata habang iniinteroga ako. She's leaning on my table, halos idikit na ang mukha sa akin na para bang makikita niya ang sagot kung ganoon ang gagawin. Bumuntong hininga ako.

"Hindi nga," pagod kong sinabi kasabay ng marahang pagtulak sa kaniya palayo.

She did move away like what I wanted her to, but her eyes narrowed. Humalukipkip siya.

"Nagsisinungaling ka ata, e. Sabi sa 'kin no'ng ibang nakakita, magka-holding hands pa daw kayo no'ng tumawid. Tinatago mo sa 'min? Ayos ka rin 'no!"

Medyo naalerto ako sa tono ng pananalita niya. Why is she suddenly heating up? Umayos ako ng pagkakaupo upang maharap si Rebecca na tila naiirita na.

"Wala akong tinatago, Rebecca. Hindi talaga ako nililigawan ni Aedion. I don't know who told you that we were holding hands last Saturday, but we aren't." giit ko sa kalmadong paraan.

Erza and Mary were with us. Nasa bandang gilid kami ng classroom. Our first period just ended when they heard the news from whoever their source was. Kanina pa nila ako pinauulanan ng tanong. Actually, they've been asking me about this since yesterday. Mas naging kuryoso nga lang ngayon dahil usap-usapan na naman kami ni Aedion sa buong campus.

When Rebecca didn't react, nilingon ko ang dalawang kaibigan upang humingi ng tulong. Ngunit 'di pa man nakakapag simulang kumbisihin sila ay nawalan na ng pag-asa. Erza was already looking at me as if I've been proven guilty, and just trying hard to deny it. Samantalang naaaninag ko naman ang kaba at pagpa-panic sa mga mata ni Mary dahil hindi na maganda ang timpla ni Rebecca.

Nang pairap na sumulyap sa akin si Rebecca, mabilis akong humurap pabalik sa kaniya.

"Isa pa, bakit ako liligawan ni Aedion? Hindi ba si Alliah ang nababalitang gusto niya? Kaya bakit biglang ako, 'di ba? Mali lang siguro sila ng akala. Kasi kung may liligawan man si Aedion, si Alliah 'yon, hindi ako,"

She seemed convinced with what I said. Unti-unting siyang humarap sa akin, busangot pa rin ang mukha. From the corner of my vision, I saw Erza smirked in an irritated way and raised a brow at me.

"Kami nga'y huwag mong pinagloloko, Yuri. Kung totoo 'yang sinasabi mo, bakit no'ng may nagtanong kay Aedion kung nililigawan ka niya, hindi niya tinanggi?" she spat.

Napakurap-kurap ako. Sandali akong natigilan at tila na blanko ang isip sa narinig. Nang makita ko si Rebecca na mukhang naiinis na naman, I quickly think of a reason why.

"Maybe he thinks it's too ridiculous kaya maging pag tanggi ay hindi na niya ginawa! 'Tsaka kung liligawan niya ako, bakit ko naman itatago sa inyo 'yon? Kaibigan ko kayo, of course I'd tell you guys!"

I was starting to get frustrated. Mabuti nalang at nakumbinsi ko sila, though Erza doesn't look convinced for she kept on giving me suspicious stares. She just let it slide and ended our conversation about that rumor.

We went out of the classroom, upang tumungo sa susunod naming klase. Nauuna sila sa akin at kahit na hindi nila sabihin, I can feel that they still have something against me. Sa ibang pagkakataon, lalapitan ko sila at susuyuin, pero sa ngayon, hinayaan ko na lamang sila. I did nothing wrong. Besides, I don't know why they're making this such a big deal!

Nang makababa kami sa unang palapag, agad kong nakuha ang atensyon ng mga estudyanteng naroon. Mayroon kasing mga wooden benches and tables na nasa harap ng building namin kung saan napapalibutan ng mga malalaking puno, kaya marami ang pinipiling doon mag-stay habang vacant nila o lunch.

Orphic LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu