Chapter 14

513 35 45
                                    

Chapter 14
Decision

Hindi ko na ulit nakita si Aedion nang araw na 'yon, siguro'y naging masyado nang abala sa pag eensayo. Hindi na rin naman kami nagtagal pa nila Mama. Sandali lang niyang kinausap ang mga staff na kasama tungkol sa mga nakitang gusto niyang ipaayos o ipabago pagkatapos ay tinapos na ang sinagawang inspection.

While we're on our way home, I text Aedion to inform him that Mama and I are going home. Hindi siya nakapag reply agad, 'di ko rin naman inaasahan na mabilis siyang makakapag reply dahil nga abala sa training.

I giggled when I remembered what happened earlier. I expected him to be as boastful and snobbish as he is when he meets Mama. I never thought he'll get shy like that!

I couldn't stop myself from giggling again, naalala kung papaanong bigla siyang nanahimik at nag seryoso nang lapitan kami ni Mama. Ni hindi niya nga ito matitigan ng diresto sa mata!

Although I find it funny, I couldn't deny that it also made me feel at ease. Ang kaalaman na maging si Aedion ay nakakaramdam ng hiya sa situwasyon namin ay nakapag panatag ng kalooban ko at nabura ang pag-aalinlangan tungkol sa panliligaw niya.

Gaya ng inaasahan ko, habang kumakain kami ng dinner ay hindi napigilan ni Mama ang ikuwento ang naging pagkikita nila ni Aedion kanina kay Papa. I felt nervous seeing how serious Papa was while listening to Mama.

"Ang guwapo niya! He seems to be a nice boy. Mukhang mahiyain nga lang kaya wala kaming masyadong napag-usapan kanina," si Mama na tila kinikilig pa sa kinu-kuwento.

Kunot ang noo at magkasalubong ang makakapal na kilay ni Papa. He almost sneered at Mama for being too jolly about it.

Bagaman halatang hindi gusto ang naging pagkikita ni Aedion at Mama, lalo na ang giliw na pinapakita ni Mama, walang naging komento si Papa. Though his expression is showing what he really feels about Aedion courting me.

Pasado alas onse nang tumawag si Aedion sa akin gaya ng dati. Ang buong akala ko'y naka move on na ako sa nasaksihan kanina, ngunit nang marinig ang seryoso niyang boses sa kabilang linya, at ang 'di pagbanggit ng naging pagkikita nila ni Mama, ay para akong sasabog at matatawa.

I kept on biting my lower lips, trying my hardest not to laugh. Lalo na nang banggitin ko ang ginawa namin ni Mama kanina at wala siyang komento na kahit na ano. Instead, he swiftly changed the topic.

"What are your plans for tomorrow?" he asked in a serious tone. Kung hindi pa ako nasanay sa kaniya'y iisipin kong galit siya.

I covered my mouth using my hand. I bit my lower lips and shook my head. Tumikhim ako at nangingiting sumagot.

"Hmm... wala naman, baka bumisita nalang ako ulit sa school," I tried to sound normal.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap, hindi ko maiwasang maisip kung papaanong mabilis nagbago ang isip ko. Kung noon ay halos pigain ko na ang ulo ko makapag-isip lang ng excuse para 'di kami magkita. Ngayon, ako pa ang nagsabi na bibisita. Maybe because my doubts about his intentions are lessened now.

Iyon ang pinagkaabalahan ko sa mga sumunod na araw. I also brought food for all the players since I always visit them during lunch time. Ayoko rin kasing makaistorbo sa training nila. Noong unang beses ko kasing bumisita ng maaga, hindi pinasama ng kanilang coach si Aedion sa pag jo-jogging nila dahil maiiwan akong mag-isa sa gymnasium.

Alas onse na ng tanghali nang makarating ako ng school. I stepped out of our SUV and went inside the school grounds. Sa likod ko ay nakasunod si Mang Alfred na siyang may bitbit ng mga pagkain na pina-prepare ko sa aming cook kanina.

Sinulyapan ko iyon at napailing. Masyado iyong marami kaysa sa mga nauna kong dinala. Paano, nang marinig ni Mama na nagpapaluto ako, nagpilit siyang tumulong and even added a few more dishes to what I've asked our cook to prepare.

Orphic LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ