Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

Prologue

11.8K 73 17
By BlueRigel

Prologue

July 2012

Manila, PH

Ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Sa kataasan nito ay napapataas na rin ang kilay ko. Hagardo Versoza na ang peg ng beauty ko rito sa gilid ng Pylon. Hindi naman ako makapagbukas ng payong dahil sardinas ang pagkakapila naming mga papasok sa sintang paaralan.

Kanina ko pa naman suot ang ID ko ngunit pinansin pa rin ako ni Lady Gaguard at pinatabi sa gilid.

Nakakasira ng umaga ha. Buti pa ‘yung ibang guard, salamat sa kanila at kadalasan ay sa lace lamang tumitingin. Kaso heto at minalas ako dahil siya ang naka-duty sa main gate. Noong minsang isang buwan siyang nadestino sa 6th floor ay halos magpapansit na kaming lahat dahil hayahay lamang ang pagpasok sa gate. Malimutan mo mang isuot ang iyong ID ay wala namang kaakibat na sermon. E kasama na kasi sa package niya ang panenermon, ‘no ID, free preaching’ sabi nga namin.

Ang kaklase kong si Hasmin ang nagpausong tawagin siya sa ganoong ngalan. Sa lahat ng lady guards dito, ang personality niya lang ang panigurong tatatak sa bawat iskolar ng bayan. Super strict niya kasi. Daig pa niya ang pinagsamang terror na prof at ang masusungit na magulang sa mundo. Minsan ng nag-preach ‘yan sa klase namin dahil lang sa naglalaro ang mga kaklase ko ng Yu-Gi-Oh, akala niya ay kung anong baraha na. Pakiramdam ko nga noon ay may pinagdadaanan si ate, ang dami niya kasing nasabi.

Pinaalis niya sa akin ang litrato ni Andrew Garfield na nakapatong sa ID ko. Inuto pa ako na mas maganda raw na mukha ko ang nakikita kaysa ang boyfriend ko. Tss! Ayaw ko talaga inihaharap ang ID ko lalo na’t nakafish-eye effect ito. Tsk.

Mabuti na lamang at may nagbura agad ng mantsa sa umaga ko. Natatanaw ko na kasi ang aking best friend, si Kate. Siya lang naman ang nagpauso na ilagay ang pictures ng celebrity crushes namin sa ID holder. Nakaupo siya doon sa gilid ng open court. Madalas ay doon ang hintayan namin bago pumasok sa klase, isang tambling lang kasi mula sa gate. Kakaiba nga lang ngayon at nakaharap siya sa open court. Mukhang may naglalaro na kahit mag-aalas otso pa lamang.

Anong mayro’n?” May kahalong pagtataka kong tanong sa kanya. Humarap naman siya sa akin at napatayo.

Oh my, bes! Ang ganda ng damit mo ngayon. Bakit ba alam mo kung kailan dapat pumorma?” Ha? Napatingin naman ako sa aking sarili. Usual clothes naman ang suot ko ngayon. Semi-fit black and gray striped long tee at black leggings tapos doll shoes. Ano’ng bago dito, parang wala naman? Halos every other week ko naman itong isinusuot.

Siya rin naman a, suot-suot niya ang paborito niyang three fourths na white and crimson tee katambal ang kanyang maong na pantalon. Ganito naman talaga madalas ang outfit namin since twice a week lang ang uniform sa college namin.

You look stunning!” Hala, may ganun pang nalalaman? Siya nga itong kahit anong damit ang ipasuot mo, jeans, shorts, or dress, ay lilitaw pa rin ang kagandahan niya.

Simple lang ang bes ko pero she’s super maganda inside and out. Mahal na mahal ko ata ‘yan! Lugi nga lang ako kapag nagyayakapan kami. E paanong hindi, malaunan niyang natatamasa ang chubby size ko habang siya naman ay petite.

Nasisinagan na naman ng araw ang kanyang buhok kaya nama’y lumilitaw ang pagka-brown nito. Naka-layer ang mahabang buhok niya kaya may tumatama ito sa pakurba niyang oval tanned face. At sinong hindi mabibighani sa inosente niyang brown eyes na may kislap na nagsasabing isa siyang anghel na nagkatawang-tao lamang. May mga anghel namang kayumanggi. Halos pareho lang kami ng skin tone, lamang lang ako ng kaunting brightness.

Look who’s playing.” Nag-pout siya at nasilayan ko nang bahagya ang hunter face niya. Siguradong may gwapo sa mga naglalaro kaya nanonood ang diyosang ito.

Napatingin naman ako sa direksyon ng tinitignan niya. Mga pawis na pawis na manlalaro lang naman ang nakikita ko. “Wala naman akong kakilala diyan e.

Siguro kailangan mo ng mag-pacheck up sa doktor mo, bes. Baka kailangan ng itaas ang grado niyang salamin mo. Look closer.” Siyempre naghanap naman ako ng gwapo. Mayroon naman pero hindi ganoong gwapo ang type ni bes.

Lahat naman ng players natitigan ko na pwera lang ‘yung narito sa side namin since nakatalikod pa silang lahat sa amin dahil may rally na nangyayari. Ang ganda ng laro. Ang tagal mamatay ng bola. “Nasaan ba?

Sabi nga ni Lord, ‘Seek and you will find!’” nilaliman pa niya ang boses niya at nag-boses lalaki kaya natawa ako nang bahagya sa kanyang pagkakasabi. Naman e! Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin? May pa-misteryosa effect pang nalalaman. “Kaunting faith naman diyan ‘te.

Kahit anong kulit ko sa kanya na sabihin kung sino ang tinutukoy niya ay ayaw pa rin niyang sabihin sa akin. Ikahiya ko pa raw dahil hindi ko makita ang nakikita niya.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa kanyang tinutukoy. Kaunting ctrl+F pa at nakita ko rin. May lalaking hindi katangkaran ang sumalo ng bola at mag-seserve. Nakayuko siya pero hindi ako maaaring magkamali sa buhok na ‘yun. “Bes, si kuya K-Pop.” bulong ko sa kanya at sumigaw naman ako,“go kuya!” Hindi ko na napigilan pa, ang gwapo, grabe.

Initsa niya ang bola, tumalon ng mataas at tsaka pinalo iyon. Ace! Ang astig talaga niya. Gwapo na, ang galing pa sa sports – small but terribly handsome and awesome.

Ang curly mohawk na hairstyle niya ang naging dahilan kung bakit tinawag namin siyang kuya K-Pop. Isa pa, hindi namin alam ang pangalan niya kaya ‘yun na lamang ang itinawag namin sa kanya. Basta makakita kami ni bes ng gwapo, binibigyan namin agad ng code name. Katulad nila kuya elevator, kuya lagoon, at kuya OC as in Open Court na pinangalanan namin base sa kung saan namin sila unang nakita. Sa laki ng populasyon ng university namin ay minsan lang namin nakikita ang mga crushes namin. Lalo na si kuya elevator, brownout kasi sa elevator lately.

Si kuya K-Pop lang ang madalas naming nakikita dahil lagi siyang naglalaro sa may tennis court. Varsity player kasi siya. Kaya ganoon na lamang ako ka-slow kanina at natagalan akong makita siya dahil mas sanay akong nakikita siyang humahampas ng bola gamit ang raketa kaysa hampasin ito gamit ang kamay.

Tumitili na ‘yung puso ko, bes!” Nakahawak ako sa dalawang balikat niya. Nakaupo na ulit siya at humarap pa sa court. Nakalaylay ang kanyang mga paa at iginalaw-galaw pa ‘yun sa kilig. Kung kiligin naman ito, akala mo walang boyfriend. Sumbong kita sa Dy mo e, harot!

Nag-time out ang kalaban at may pinalit na bagong player. Sa lakas ng spike, hindi na ako nagtakang si kuya Dan ang bagong pasok na player. Ang aga-aga, gusto niyang magpapawis? Nagulat pa ako, e makakita lang ng bola ‘yan ay agad-agad na mag-iinit ang kagustuhan niyang maglaro. Marami ring sports ‘yang si kuya.

Kuya ang tawag namin sa kanya dahil tatlong taon ang tanda niya sa amin pero second year din siya. Magkakaklase rin kami noong first year kaya kilala na namin ang isa’t isa. Forever block section sa course namin kaya nama’y kami-kami rin ang magkakasama hanggang sa graduation.

Nasaan na raw si Matt?” tanong ko.

Kagigising lang daw niya at…” Utay-utay naming ipinagpatuloy nang sabay ang mga sumunod na salita, “…hindi nag-alarm ang cellphone niya.

Ganoon palagi ang dahilan ni Matt kapag nahuhuli sa klase. Minsan ay dumadating sa puntong hindi na siya papasok sa isang subject. Ang lakas bumisita ng katamaran sa kanya. Ewan ba namin at ang hirap pagsabihan ng lalaking ‘yun. Sayang ang gandang lalaki niya. Malakas pa man din maka-Hollywood ang dating niya, half-American kasi.

Isang malakas na spike ang muling ginawa ni kuya. Sa sobrang lakas ay napayuko kami ni Kate dahil muntik ng tumama sa amin ang bola. Sa ginawa namin ay nilagpasan kami nito.

Tumalikod ako para sundan ng tingin ang bola. Nawalan ito ng talbog hanggang sa gumulong patungo sa kabilang catwallk. Sa dami ng dumadaan sa kabila ay wala man lang may balak kumuha ng bola. Tss. Kunwari wala silang nakikita.

Sumisigaw na nga ang katabi ni Kate na pakipulot ang bola pero wala pa ring pumapansin.

Sa lakas ng aking konsensya ay inumpisahan ko ng maglakad para kunin ang bola. Pinulot ko ito at tumalikod para bumalik.

Dahan-dahan kong nakita ang mga sumunod na pangyayari. Itinungkod niya ang dalawang kamay niya sa simento at tsaka tumalon na parang nag-parkour lang. Sa liit niyang ‘yun ay madali niya lamang natalon ang mataas na semento. Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak ng magkabilang kamay ko ang bola.

Si kuya K-Pop, papalapit sa akin. “Ate, pwede ko na bang kunin?” Wa! Bakit ate? Mukha na ba akong lola? Nakakabasag puso naman ‘yung bungad ni kuya K-Pop pero agad nitong binuo ang umaatungal kong puso nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

Gosh! Ang puso ko, nasaan na?  Wait lang, mga five seconds muna kuya bago ko bitawan ang kamay mo, este ‘yung bola.

Kung hindi ko nararamdaman ngayon ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay iisipin ko sigurong na-dettach na ang puso ko kakatalon. ‘Stick ka lang diyan heart. Kinikilig pa ako.’ sabi ng harot kong pag-iisip.

Okay ka lang miss? Namumula ka?” E bakit kasi mas gwapo ka kapag malapitan?

Sakto pa ‘yung height namin, hindi ko na kailangan pang tumingala sa kanya. Naman e. Lord, pause Mo po please?

Ha? Hindi a.” Hala, sinabi ko bang hindi ako okay? Baka kung anong isipin niya. Pero hindi naman talaga ako okay, parang mahihimatay  na ata ako. Water please, ‘yung pinagsamang dalawang hydrogen at isang oxygen? “I mean okay lang ako at hindi ako namumula. Blush on lang ‘yan. E-he-he-he. Ito na ‘yung bola mo—niyo kuya.

Ang epic fail naman. Ano bang pinagsasasabi ko?! Tss. College na nga ako pero kung kiligin ako ay daig ko pa ang trese anyos na pumo-forever sa text. Masisisi ko bang mabuhayan ang kilig cells ko, e nahawakan niya lang naman ang kamay ko. Nagdikit ang mga kamay namin ni kuya K-Pop, not one but two—two hands. Oh my, para dito pala ‘yung kantang ‘I Have Two Hands, The Left and the Right’. Natatawa pa ako sa kababawan ng utak ko nang makita kong ngumunguso si bes sa mga kamay ko kaya agad ko naman itong ibinababa.

Patawid na ako, naglalakad pabalik kay Kate. Oh my bes, nakita mo ba ‘yun? Grabe lang. Grabecious talaga. Gr—

Ang bilis ng pangyayari, muntik na akong masagasaan ng pedicab na kalalagpas lamang ng gate. Hindi ko siguro napansin sa sobrang kilig. Masama rin palang masyadong kiligin? Pero bakit parang nadoble ang kilig ko kanina?

May humila sa akin, nawalan ako ng balanse at natumba paharap sa kanya, “thank you.” Napakurba ang mga kilay ko at ramdam kong nagpapa-cute ito mag-isa.

Narinig ata ni Lord ang hiling ko kanina na i-pause ang paligid. Nakatingala at nakatitig ako ngayon sa isang matangkad na binata. Anak ba siya ni Adonis para maging ganyan ka-gwapo? Pinsan niya ba si Mario Maurer o kakambal niya?

Lalong umitim ang hindi kahabaang buhok niya dahil sa perpektong pagbagay nito sa katamtamang puti ng kutis niya. Ni isang pimple, wala akong mahanap. Ang taray ni kuya, pimple cannot be found. Hindi katulad nung sa isa naming kaklase, pen na lang at pwede ka ng mag-connect the dots.

Mamula-mulang kulay ng caramel ang sa kanyang mga labi’y nangingibabaw sa maputi niyang mukha. Ang makapal niyang kilay ang nagbibigay ng panagdag kilig sa mga mata niyang tila sintamis ng dark chocolate. Sa kay gandang mga matang iyon, pumagitna naman ang matangos niyang ilong. Nahiya naman ang salamin kong cheeks lamang ang sumasalo.

May bago na naman ata akong crush? Anong itatawag ko sa kanya, kuya gate o kuya pedicab? Parang hindi naman bagay sa gwapo niya ang mga ganitong code name.

Kumunot naman ang noo niya kaya nabaliko ang makapal niyang kilay. “Okay ka lang miss?” Nagtatagalog si Mario Maurer, nagtatagalog!

Kupido, ang cute mo, perfect ka talaga pumana! Lord, biyaya Mo po ba siya? Kine-claim ko na po. Thank You forever po!

Hala, hindi ko pa pala inialis ang pagkakahawak ko sa kamay niya? E-he-he-he. Masyado atang napalakas ang pag-apak ni Lord sa brake para huminto ng ganito katagal ang mundo ko para titigan ang kay gwapong nilalang na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...