An Infinite Masterpiece

By Melpomenelow

845 313 26

A writer with his spectacular works and an avid fan reader who loves his work. They said that time heals all... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2: Mich
Chapter 3: Heather Olivar
Chapter 4: Handkerchief
Chapter 5: Ryu Evangelista
Chapter 6: Sunflower
Chapter 7: Bituin
Chapter 8: Premonition
Chapter 9: Stalker
Chapter 10: Threat
Chapter 11: Time, You and Me
Chapter 12: Culprit
Chapter 13: Reunite
Chapter 14: Hannah Olivar
Chapter 15: Conclusion
Chapter 16: Emergency
Chapter 17: Surgery
Chapter 18: Revelation
Chapter 19: Hoping
Chapter 20: Safe and Sound
Chapter 21: Lover's Fate
Epilogue

Chapter 1: Book Signing

79 16 0
By Melpomenelow

Amoy sa paligid ng shop ang bango ng samot-saring bulaklak na itinitinda namin dito sa flower shop. Rinig ko rin ang pagdaan ng mga sasakyan mula sa kinauupuan ko.

...Parang hinahaplos ng mga mata n'ya ang puso ko...

"Heather!" Aaminin kong nagulat ako sa biglaang pag tawag sa akin Jane, isa sa mga kasama ko dito sa flower shop, "Hoy, tama na yan!" Sabi n'ya sa akin habang lilinga linga sa librong hawak ko.

"Tsk, hindi ka naman excited n'yan?" Pareho kaming natawa sa sinabi n'ya. Isinara ko ang hawak na libro at saka nag ayos, kailangan ko nang tulungan si Jane dahil marami na kaming customer.

Iba't ibang bulaklak ang hawak ko para doon sa custom arrangement ng isa naming customer, mahilig raw kasi sa roses at tulips ang asawa n'ya pero kailangan ay pink at white lang kaya kailangan naming gumawa ng bagong bouquet para lang sa kanya.

"Uy, Jane!" Pabulong kong tawag kay Jane.

"Mm?" Busy s'ya sa pag-aayos ng custom bouquet kaya iyon lang ang naisagot n'ya sa akin.

"Cover mo yung shift ko ah? Aalis ako ng alas dos..." Sinubukan kong mag paawa at magpacute sa kanya pero tinaasan nya ako ng sulok ng labi n'ya.

"Tss, sige ako ng bahala... Pumunta ka na don kay author."

"Yes!" Impit kong hiyaw sa sinabi n'ya, buti nalang talaga at mabait 'tong si Jane, kun'di mawawalan nanaman ako ng pagkakataon na makita at makapagpa-sign sa paborito kong author.

Tinulungan ko si Jane buong umaga para kahit na mawala ako mamayang hapon ay natulungan at nabawasan parin ang gawain n'ya. Masipag naman ako sa trabaho pero ibang iba ang sipag ko ngayon.

Hinubad ko lang ang apron na suot ko, Isinukbit ko din sa balikat ko ang cross body bag na bitbit ko sa trabaho at nag paalam na sa mga katrabaho. Hindi na ako nag abala pa na mag paganda dahil maayos naman ang itsura at suot ko. Hindi ko narin naisipang maglagay ng pabango dahil amoy bulaklak na ako, mabuti nalang talaga at sa flower shop ako nagtatrabaho!

Saglit lang ang byahe mula sa shop at sa mall, isang jeep lang sinakyan ko kaya mabilis akong nakarating sa venue. Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko ngayon. Halo halo ang saya at kaba ko dahil sa wakas ay makikita ko na ang paborito kong author! Pakiramdam ko nga ay maiiyak pa ako sa tuwa, kung pwede lang akong sumingit o kung kaya ko lang sanang pabilisin ang oras para ma-meet and greet ko na ang pinaka super gwapo at magaling na author sa buong universe ay gagawin ko na, kaya lang hindi ako pwedeng sumingit at mas lalong kalokohan naman ang pabilisin ang oras.

Kanina pa ako nakatayo sa paghihintay, pakiramdam ko nga ay tutubuan na ako ng ugat dito. Napakahaba ng pila! Kung inagahan ko lang sana ay nasa unahan na ako ngayon, pero hindi naman ako pwedeng um-absent sa trabaho, kahit na maliit lang ang sahod ko doon ay importante sa akin ang kumita ng pera sa aming lahat. Ako sa breadwinner sa amin kaya kailangan kong mag doble kayod para sa aming lahat.

Hanggang labas ng hallway ang pila. Ginala ko sa paligid ang mata ko para malibang naman ako habang pagod na pagod nang nakatayo, naaninag ko ang sariling repleksyon sa glass door at ganon nalang kabilis ang pag ngiwi ng mukha ko.

Ang haggard ko na!

Hindi ko maiwasang mainis sa itsura ko, ang fresh kong umalis pero ngayon ay para akong atletang tumakbo ng marathon! Napabuntong hininga ako pero naalala ko na pinaghandaan ko ito at kailangan ay hindi masayang ang effort ko!

Inaayos ko ang suot kong yellow sleeveless dress at kinuha ko ang face powder sa bag sa suot ko. Kanina lang ay ayaw kong mag ayos dahil maayos naman ang itsura ko, pero ngayon, habang nakatayo't naghihintay ay nagreretouch ako, kailangan ay maganda ako pag dating ko doon sa unahan ng pila.

Inabot na ako ng alas quatro ng hapon kakapila, napa squat ako dahil sa pagod ko sa pag tayo ng dalawang oras. Apat na tao na lang naman at ako na, pero gaano na ba yung kauntin pahinga. Hindi ko pinansin ang ibang nakapila at nanatili ako sa ganoong pwesto hanggang umusad na ulit ang pila.

Konting tiis na lang Heather makikita mo na ang soon to be husband mo! Ayieeee, minsan talaga ay kinakausap ko ang sarili ko, pampalubag loob.

Hindi ko maiwasan na mapatingin sa babaeng ganon nalang kung sumungab, akala mo ba ay ngayon lang nakakita ng lalaki sa buong buhay n'ya. Nag iinit ang tainga ko sa selos nang makita kong dikit na dikit siya, hindi naman kami magkakilala ng favorite author ko pero ganoon ako ka protective sa "future husband" ko, char.

Eto na Heather! Sabi ko sa sarili ko at Kinakabahang lumapit sa table niya, tahimik ito habang nakatingin sa ballpen at pentel pen na hawak niya. Gwapo nga talaga s'ya! Para bang bumabagal ang oras habang tinitignan ko s'ya, sa wakas kaharap ko na s'ya... Si Ryu Evangelista.

Abot langit na ang tuwa ko, at tutal nandito narin naman ako ay lulubusin ko na, kaya ko to! Huminga ako ng malalim bago ko gawin ang naiisip. Go Heather, Fighting!

Naiinis ako sa babae kanina pero ginawa ko din ang ginawa n'ya, nang makalapit ako kay Ryu ay agad akong yumakap sa kanya, gulat na gulat ang reaksiyon niya at titig na titig siya sa akin. Agad akong nakaramdam ng hiya dahilan para bumitaw ako mula sa pagkakayakap at pinakita nalang ang mga librong dala ko na lalagay n'ya ng authograph.

Hindi bale, hindi naman na kami magkikita nito.

"Pa-authograph po..." Pacute kong sabi habang inaayos ang salamin na suot ko, nanatili siyang nakatitig sa akin at napansin kong nakakunot ang noo niya, nainis 'ata sa akin.

Para isang yakap lang e, ang sungit naman!

"Uy," pagtawag ko nang hindi n'ya ako pinansin sa binaba kong libro.

"Kuya Ryu pa autograph..."

"Oy, pa-autograph." Bahagya kong nilakasan ang boses ko pero hindi parin s'ya natinag. Na starstruck yata sa ganda ko.

"Kuya Ryu!" Tawag ko pang muli, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyugyog ko s'ya. Agad s'yang bumuwelta sa akin at pahablot na kinuha ang librong hawak ko.

"Ang sungit mo pala sa personal..." Hindi ko naman kailangang mag side comment pero gagawin ko na, nandito nalang din naman ako.

hmp, kala mo naman... May itsura nga pero ang sungit naman, puna ko. Nag half day ako para dito tapos ay ganito lang pala ang mapapala ko. Namumuo sa akin ang pagkainis sa kanya, lalo akong nainis ng pabato n'yang ibinalik sa akin ang libro ko, muntikan ko pang hindi masalo.

"Ito naman kung makabato, kala mo siya naghirap sa pambayad!" Sabi ko habang hinihimas himas ang libro kong ibinato n'ya.

"Napakasungit mo naman pala!"

"Tsk! Magiging problema mo yan pagdating ng panahon!" pailing iling ang ulo ko sa kanya

"'di pa nga masyadong sikat pangit na ng ugali," pagalit kong sabi, kung kaming dalawang dito ay aambaan ko talaga s'ya ng suntok. Bwiset!

"Ano bang problema mo ha?!" Aba't nagawa pa talaga akong tanungin ng mariin kung anong problema ko.

"Pwede bang umalis ka na miss... Nanggugulo ka lang dito e." Palinga linga s'ya sa paligid, takot gumawa ng eksena pero naninita. Ako pa ngayon ang nangugulo e, s'ya tong nagsusungit pinatulan ko lang naman siya!

"Excuse me," matapang kong sagot sa kanya.

"Ikaw 'tong nagbalibag ng libro ko, kung ibinalik mo sana ng ayos edi wala tayong problema." sagot ko sa kanya.

Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa at pabalik, "'Di ko naman akalain na ang author pala ng librong ito ay basura ang ugali" inis kong sabi.

Napapikit s'ya sa sinagot ko. Good for you! "Miss, sorry na..." Sabi n'ya habang pilit na nakangiti.

"Umalis na po kayo kung wala na kayong kailangan." Inis na sabi n'ya habang sinusubukang maging malumanay.

Huh! Hindi naman pala uubra! Buti naman at napag isip isip n'ya ang ginawa n'ya.

Paalis na sana ako nang maalala ko na wala pa pala kaming picture na dalawa, kahit na nakatalikod ay humarap ako ulit sa kanya.

"Gusto ko magpa-picture kahit na masungit ka," sabi ko at agad ko s'yang hinila wala akong pakielam kahit mangudngod siya sa ginawa ko, ang mahalaga ay may picture kami.

Naglalakad na ako palabas ng venue, sa totoo lang, kahit may nangyaring di maganda at nalaman ko na masungit pala si Ryu ay masaya parin ako. Nagawa ko parin naman ang lahat ng gusto. Nakapagpa-autograph ako sa kanya at kahit papaano ay nakausap ko pa siya.

Papalabas na ako ng mall ng biglang may tumawag sa akin. Hinanap ko sa paligid kung sino ang tumatawag sa akin.

"Heather!" Inaayos ko ang salamin ko nang may maaninag akong kumakaway sa akin. Inayos ko ang suot na salamin dahil medyo malayo s'ya kaya kulay lang damit ang kita ko.

Kinawayan ko din siya at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa kanya.

"Heather!" Malaki ang ngiti n'ya sa akin habang nakataas ang kamay habang kumakaway. Matagal tagal na ng huli ko s'yang makita pero kilalang kilala ko parin s'ya.

"Mich!"
__________________________________________________

"As our destiny started to strike our love cannot be faded like the sun,the brightest among all stars"

Continue Reading

You'll Also Like

262K 6.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
20.9M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
68K 1.9K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...