Gangster vs Cassanova

By FanTOP

350K 6.1K 462

[ C O M P L E T E D / F I N I S H E D ~ ] A story about a girl's struggle of love between two guys. Who will... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThrityThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Forty
Epilogue~

Chapter ThirtyOne

5.7K 112 9
By FanTOP

Chapter 31

a/n: Merry Christmas sa inyong lahat!! Isang buwan nanamang hindi nakapag-UD, pagpasensyahan niyo na po… exam last week eh. Lilinawin ko po bago niyo basahin ang UD ko ngayon, paborito ko po ang RomCom, hindi po siya corny para sakin and paborito ko rin po ang Monsters Inc. Horror lang po ang ayaw ko sa lahat ng genre xD [Dedicate ko po kay AlexandraKateAlarcon, konting antay na lang po at meron na po akong soft copy ^^ ]

-FanTOP-

Nakayuko akong naglalakad sa hallway. Buti na lang at wala nang tao dahil pakiramdam ko iiyak ako. “Andaya…” naluluhang sabi ko sa sarili ko, tatakbo na sana ako nang may humawak bigla sa braso ko at dali-dali akong niyakap.

“T-teka--” naguguluhang sabi ko habang nagpupumiglas pero niyakap lang niya ako lalo ng mahigpit, pinunasan ko yung namumuong luha sa mata ko at tinignan yung taong yumakap sa akin.

“J-Justin” gulat na sabi ko, ngumiti lang siya at saka nagsalita

“Trip lang mangyakap” sabi niya sabay ngiti at niyakap niya ako ulit, anong problema nito?

“May problema ka ba?” tanong ko

“Ako nga dapat nagtatanong sayo ng ganyan eh, ikaw meron ba?” sabi niya

“Wala” sagot ko pero napansin kong medyo kumunot yung noo niya

“Bakit? Sabi na ikaw yung may problema eh” natatawang sabi ko

“Dahil ba yan sa naka-usap mo sa phone?” tanong ko at napansin ko naman na nagulat siya

“Tama ako no? Sino yun? Si Ate Mindy? Naku lagot ka na dun” pagbibiro ko pero bigla niya na lang akong hinatak palabas ng building

“Huy san tayo pupunta?” naguguluhang tanong ko habang sumusunod sa kanya, hindi naman masakit yung hawak niya pero ang bilis ng lakad niya

“Sa mall, magpapalamig ng ulo” sabi niya pagkatapos lumingon sa akin, badtrip ba siya?

Now Showing…

Monsters Inc. 3D

The Guilt Trip

Les Miserables

Jack Reacher

“Ano gusto mong panuorin?” sabi niya habang nakangiting nakatingin dun sa list ng palabas

“Ah-eh….” Pag-iisip ko

“Bilis” sabi niya sabay shake ng kamay ko

“Wait lang, akala ko ba badtrip ka?” sabi ko, ang harot naman kasi eh.

“Kanina pa yun, bilis na gusto mo The Guilt Trip?” sabi niya sakin sabay ngiti

“RomCom? Corny” naiiritang sabi ko, andaming pagpipilian tapos ayun pipiliin niya

“Sige Les Miserables na lang, total naman umiiyak ka kanina ituloy na natin” pang-aasar niya

“Ayoko nga, boring yan for sure” pagrereklamo ko ulit

“Eh ano gusto mo?” nagmamadaling tanong niya

“Monsters Inc na lang, 3D oh” natatawang sabi ko habang tinuturo yung palabas

“Apat-apat showing ngayon tapos ayan pipiliin mo, iba na lang” naiinis na sabi niya, problema nito.

“Apat lang, apat-apat ka naman edi walo yun” pabalang na sagot ko at saka niya ako binatukan ng mahina.

“Masakit ha, ikaw nagtatanong ng gusto ko tapos magrereklamo ka!!” naiinis na sagot ko

“Seryosong sagot” seryosong sabi niya

“Oo nga, Monsters Inc. nga gusto ko” pagmamatigas ko

“Ano ba gusto mo--?” nagtatakang tanong ko

“The Guilt Trip” agad-agad niyang sabi

“Kelan ka pa nahilig sa RomCom?” naweiweirduhang tanong ko

“Wala lang trip ko lang ngayon yung ganyan, sige na libre ko naman eh” pangungulit niya

“Hmmm… o sige ganito na lang, jack en poy tayo. Panonoorin natin yung gustong movie ng panalo” pagbibiro ko

“Seryoso ka? Wag kang iiyak kapag ako nanalo ha” maangas na sabi niya

“Oo sige, manalo matalo ikaw parin naman magbabayad eh” pang-aasar ko

“Okay, Jack…en….poy!!”

“Oh, hey. We're rehearsing a scene for the upcoming company play called uh...”

“'Put That Thing Back Where It Came From Or So Help Me'”

“It's a musical. 'Put that thing back where it came from or so help me... so help me, so help me!' and... cut”

Hahaha, nanalo ako sa jack en poy kanina kaya masaya akong nanonood ngayon ng Monsters Inc. 3D. Tawa ako ng tawa habang yung katabi ko nagmumukmok. “Huy, tumawa ka naman, ang ganda ganda ng palabas eh” natutuwang sabi ko habang hinahatak yung sleeve ng polo niya sa tabi ko, lumingon lang siya sakin ng sandali at saka tumingin ulit sa screen habang kumakain ng popcorn.

“Ansungit mo naman, ang cute nga nito kesa dun sa gusto mong RomCom eh” pagpaparinig ko

“Bakit ba kasi natripan mo magsine? At RomCom pa talaga gusto mo?” nagtatakang tanong ko

“Wala secret ko na yun”nagtatampong sabi niya

“Sa sine lang naman kasi madilim eh...” narinig kong sabi niya

“Anong sabi mo?” pagpapa-ulit ko sa sinabi niya, tama ba yung narinig ko?

“Wala sabi ko ang dilim pala sobra sa sinehan” sabi niya habang pinapakita niya sakin yung kamay niya na nakapatong sa hand rest

“Ano connect ng kamay mo sa dilim?” nagtataka paring tanong ko

“Bahala ka nga, ewan ko sayo” naiinis na sabi niya sabay bulsa ng kamay niya, nawiweirduhan nanaman ako sa kasama ko.

Natapos na yung Monsters Inc. At hanggang ngayon di parin siya namamansin. Naaning nanaman ata, kanina wagas kung kulitin ako tapos ngayon dedma. Magkatabi nga kaming nakaupo sa bench, nakatingin naman kami sa magkaibang direksyon.

BOM.BOM.BOM!!

Napatingin ako sa itaas at tinignan yung glass ceiling ng mall. Hindi ganun kaganda yung panahon dahil mukhang nakikisabay yun sa mood namin ni Justin. Andilim at ang lakas ng ulan sa labas, sinabayan pa ng paminsan-minsan na kulog.

Ano ba kasing problema ni Justin? Di naman kasi madalas nagyayaya yun manood ng RomCom na movie, maliban na lang siguro dun sa The Vow na pinanood namin dati. Atleast hindi RomCom yun, seryoso yung romance nun. Tapos kung anu-ano pang sinasabi na madilim daw at masyado pa siyang nagpapapansinramdam.

“Ewan ko ba sa kanya” bulong ko sa sarili ko nang may pumasok sa isip ko

“Hindi kaya...” parang may naisip akong dahilan eh, hindi kaya nagyaya siyang manood ng RomCom dahil sa akin?

“Hahaha, Imposible. Anong connect?” natatawang bulong ko sa sarili ko

Pero pwede rin. Umaasa ba siyang may mangyayaring sweet moments samin sa loob ng sinehan kapag nanoood kami ng RomCom? Hahahah, tapos isabay pa yung madilim na paligid. Hahaha, kaya pala niya pinapakita yung kamay niya... kasi gusto niyang makipagholding hands? Ang malas lang talaga ni Justin dahil wala din naman akong balak na makipagPDA sa kanya.

“Ang corny niya” bulong ko habang nagpipigil ng tawa, magsosorry ba ako? Hahahaha.

“Justin--” pagtawag ko sa pangalan niya pero paglingon ko wala na siya, iniwan ako?!

“Yung lalaking yun” naiinis na sabi ko pero paglingon ko nakita ko siya na may kasamang babae.

“Arrrgg... Justin, ang landi mo talaga!!” naiinis na sabi ko, niyaya niya ako makipagDate sa kanya tapos iiwan niya ko para sa ibang babae? Masasabi ko bang boyfriend ang mga lalaking katulad niya?

“Masuwerte yung babae at hindi ko siya makita” naiinis na sabi ko habang iniinom ko yung coke in can na binili ko. Kanina pa sila nag-uusap nung babae nakakainip mukha na akong tanga dito. Tumayo na ako at lumapit ng konti sa kanila, sino kaya yung babaeng yun?

“Humanda ka sakin Justin” nanggigigil na sabi ko at nakahanda na para ibato yung lata ng coke ko nang lumingon si Justin

“Shet...” nabulong ko na lang sa sarili ko, bakit magkasama sila ni Stephanie?

“Nakakainis ka talaga” banas na sabi ko habang naluluha sa inis, andami-dami mong lalandiin dito sa mall. Bakit si Stephanie pa napili mo? Sa sobrang inis ko tumakbo na lang ako, nakakabanas ka ngayong araw Justin.

Justin’s POV

“Ano bang sasabihin mo sakin?” naiinis na tanong ko

“Totoo ba yung tungkol sa inyo ni Ysabella?” tahimik na sabi niya

“Oo, at bakit mo ba tinatanong?” mainit na ulong tanong ko, andami-dami kong makakabangga sa mall. Bakit si Stephanie pa?

“Wala lang, curious?” mataray na tanong niya

“Oh sige mauna na ako” nagmamadaling sabi ko pero pinigilan niya ako

“Ano nanaman ba yun?” sabi ko habang lumilingon sa paligid ko, asan na yung babaeng yun?

“Nakakaistorbo ba ako” malungkot na tanong niya

“Oo Stephanie kaya kung pwede ba… lubayan mo na ako” naiinis na sabi ko

“Now if you excuse me—Aray!!” May tumama sa ulo ko. Hinanap ko yung tumama sakin at pagkakita ko lata ng softdrink. 

“Takte sino namato? Ansaket ha!!” sabi ko habang hinihimas yung ulo ko at paglingon ko, nakita ko si Ysay na tumatakbo.

Ysabella’s POV

Nakaupo ako sa isang bench habang basang-basa ng ulan. Pampawala din ng init ng ulo yung ganito. Hindi talaga ako hinanap nun, iniwan nga niya talaga ako. And worse, kay Stepahnie pa siya sumama.

“Bahala ka sa buhay mo” nanggigigil na sabi ko pero pagtayo ko ay biglang may humawak sa braso ko

“Bakit ka ba namamato ng lata?” tanong niya agad sa akin

“Pakelam mo ba? Nang-iiwan ka pa para mambabae” naiinis na sabi ko

“Ha? Nagkataon lang na nagkita kami, tsaka bakit ba ang hilig mo magpa-ulan?” naiinis na tanong niya sakin

“Eh bakit ba ang hilig mong mang-inis?” banas na sabi ko at pagkatapos nun ay binitawan niya ako at nanahimik.

“Wahahaha!!” biglang tawa niya mag-isa

“B-Bakit ka tumatawa?” nagtatakang tanong ko pero di niya ko pinapansin at tumatawa lang siya ng tumatawa

“Huy!! Malala ba yung tama ng lata sa ulo mo?” nag-aalalang tanong ko at tumigil siya sa pagtawa sabay tingin sakin.

“Alam mo parang ganito yung nangyari dati?” sabi niya sabay ngiti, magtatanong pa sana ako ng bigla siya ulit nagsalita

“Nainis ka sakin, nagpa-ulan ka, hinabol kita. Parang yung dati lang” sabi niya habang hindi nawawala yung ngiti sa labi niya

“Ano ba yang sinasabi m--?” di ko natapos yung sasabihin ko nang nagsalita siya ulit

“Ang pinagkaiba nga lang... hindi ko ginawa ‘to” sabi niya at bago pa ako ulit magtanong ay hinawakan niya yung pisngi ko at hinalikan ako. At dahil sa halik na yun, nawala lahat ng inis ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

748K 9.4K 55
[COMPLETED] A love story between a perfect daughter and a gangster. Will their love survive? Book 1 of 2. Started : February 16, 2013 Finished: June...
12.4K 225 14
Four Girls Accidentally Fall In Love With The Gangster ************************************ "Girls" Mabait Mayaman Matalino Maganda Masunget Prangk...
3.4K 49 27
R|18+ Disclaimer : This story is written in tag-lish. Not yet edited typos and errors are expected. Read at your own risk.
807K 8K 55
A party girl and a certified alcoholic may be the first few things to describe her. She's an ordinary working college girl who's brave and strong eno...
Wattpad App - Unlock exclusive features