The Step Sibling's Romance

By XxxRAZxxX

393K 4.4K 386

Every relationship has its problem,but what make it perfect is when you still want to be there, when everythi... More

Prologue
-Note-
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six

Chapter Nine

8.1K 104 3
By XxxRAZxxX

9

==================

Nakasimangot ako at hindi mapakali habang sakay ng kotse ni Casey.

Papaano ba naman hindi nila ako tinigilan kanina ni Michico hangga't hindi ko sinusuot yung dress na ipinapasuot nila sa akin. Pakiramdam ko ay nakahubad ako at walang suot sa sobrang ikli ba naman ng suot ko. It am wearing a blue cocktail dress at above the knee ang haba. Tinernuhan pa ng pagkataas taas na stiletto. First time kong magsuot ng mga ganito kaya naman hindi ko malaman kung makakaya ko ba o kung may mukha ba akong ihaharap sa mga makakasalamuha namin mamaya.

"Couz sana naman hindi na ganyan ang mukha mo pag nasa party na tayo." maya-maya ay sabi ni Casey habang nagmamaneho.

"Party saan? Akala ko sa bar lang tayo pupunta? " I furrowed my eyebrow and asked her.

Nag-uumpisa na naman akong mairita.

"I lied." aniya habang tumingin sa akin na parang humihingi ng despensa.

"What? Bakit kaylangan mo pang magsinungaling sakin?" tanong ko sa kanya sa napalakas na tinig

"Because I know your not going with me pag sinabi ko sayo ..."

Hindi sya makatingin sa akin.

"Pag sinabi ang ano?"

Galit na talaga ako, at hindi ko na maitago sa kanya yon. Kung bakit kasi kailangan nya pang magsinungaling.

"It's Cedric's birthday couz, and you know naman na girlfriend nya si Aubrey kaya malamang na andun sya- at si Miguel." paliwanag nya.

Patuloy pa din sya sa pagmaaneho,at halata sa mukha nya na guilty din sya sa pagsisinungaling sa akin.

Cedric is her cousin, sa side ng father nya. Taga dito sila sa San Andres kaya naman nakarating dito si Casey.

"So, andun din pala sila then why youre still bringing me to that party?" tanong ko sa kanya na hindi maalis ang pagkainis sa mukha ko.

Humalikipkip ako at dumiretso na ng tingin sa harap.

"Couz remember yung ginawa nila sayo noon? This is your time. Kaya kita isinama at inayusan ng bongga dahil gusto kong pagsisihan nila lahat ng ginawa nila sayo noon. Lalo na yang Miguel na yan." galit na sabi nya.

Kung kanina ay parang basang sisiw sya sa pagpapaliwanag,ngayon ay galit na ang mababakas sa mukha nya.

Sya ang naging sandalan ko noon sa pagkabigong naramdaman ko noon kay Miguel. Kaya alam nya kung anong sakit sa dibdib ang dinanas ko noon.

Sa totoo lang pinipilit ko ng kalimutan yung mga ginawa ng magkaibigan na yun sa akin. At sa tuwing naalala ko yun ay sumisikip parin ang dibdib ko.

"Kinalimutan ko na yun." sabi ko sa kanya at humarap sa may labas ng bintana ng kotse para maitago sa kanya ang biglang pagkalungkot ko.

Wala naman na talaga sa akin yon,dahil hindi naman masyadong malalim ang naramdaman ko noon kay Miguel.

"Couz wala ka namang gagawin eh, gusto ko lang na lumuwa ang mga mata nila pag nakita ka nila mamaya."

"Anyway were here na." she said habang ipinaparada ang kotse sa labas ng malaking mansyon.

Pagkababa nya ay bumaba na rin ako. Ngumiti sya sakin at parang sinasabi na "its ok I'm with you"

Nagpapasalamat talaga ako na nagkaroon ng pinsang tulad nya. Lagi syang nakaalalay sa akin, at laging andyan kung kinakailangan.

Habang papasok ay iginala ko ang tingin ko sa may paligid, malamang ay sa likod ginaganap ang party dahil pagpasok namin ay puro sasakyan lang ang bumungad samin. Maririnig ang malakas na tugtog at mga iba't ibang tinig ng mga tao sa party. May naghihiyawan, nagtatawanan at nagsisipag usap.

Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong kaming mga kapwa bisita din. Ang iba ay ipinapakilala sa akin ni Casey, mababakas naman sa kanilang mukha ang paghanga. Hanggang sa may dalawang babaeng nakatayo sa di kalayuan ang lumapit sa amin.

"Hey" Its Aubrey at may hawak hawak na kopita na may lamang alak. Nakangiti ito at hindi nya pa ako napapansin.

"Hi, where's Cedric?" Casey asked her.

"Andyan lang, he's too busy entertaining his guest."sabi nito na napatingin sa akin.

Mukha naman itong nagulat pagkakita sa akin. Kahit yung kasama nyang babae na alam kong kaibigan nya ay nakatingin na din sa akin ngayon.

"Hey Ionna? Is that you?" maarteng tanong nito na hindi maialis sa mukha ang hindi pagkapaniwala na ako ang nasa harap nya. Yung kaninang magandang ngiti nya ay napalitan ng pagtataka. Tinitigan pa nya ako mula ulo hanggang paa.

Ionna. Yeah, you read it right. I'm Ionna Patrice Monteverde. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ko lang ang tumatawag sa aking Janna. Janna, because my father's name is John. By the way Ionna, Janna and John ay iisa lang naman.

"Yeah its her, any problem?" mataray na sagot ni Casey sa kanya. Sya na ang sumagot para sakin.

Napatingin naman ako sa kanya at pasimple lang kaming nagngitian ng tipid.

"Hi, it's nice to see you here." nakataas ang kilay na sabi nito sabay inom sa alak nya habang hindi naiaalis ang pagkakatitig sa akin.

Maya-maya lang din ay nagpaalam na kami sa kanila at inalikuran na namin sila at nagtuloy na kung saan ang party. Batid ko naman na nakasunod pa din ang tingin nila sa amin.

Habang papalapit kami sa lugar kung nasaan ang party ay nabatid kong marami ang bisita. Hindi ko malaman ang gagawin ko, at parang unti unti akong nalulusaw dahil sa mga tinging ipinupukol nila sakin.

Pakiramdam ko ay nanghihina ang aking mga tuhod sa sobrang kabang nararamdaman.

Hindi naman kasi ako mahilig sa party, idagdag pa na masyadong revealing ang aking kasuotan. Buti na lang at kahit napakataas ng takong ng suot kong stilleto ay hindi ko nagagawang matapilok dala ng nerbyos.

"Hey relax. Ano ka ba?" natatawang bulong sa akin ni Casey, batid nya siguro kung anong nararamdaman ko sa mga oras na yun.

Kung kani-kanino nya ulit ako ipinakilalang bisita. Nabati ko narin ang birthday celebrant na si Cedric, hanggang sa...

"Hey Ionna?" napalingon ako sa nagsalita.

At sa lahat ng taong hindi ko nais makita, ay sya pa itong nasa harap ko ngayon.

Its him.

Miguel.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...