Trapped by Arrangement

By anonsupergirl02

3.3M 43.3K 2.3K

||COMPLETED|| ||General Fiction. Humor. Romance|| |Highest Rank: #3 Romance #1 Humor| ||#1 CEO. #1 Marriage... More

Trapped by Arrangement
Chapter 1: She's back
Chapter 2: It's him!
Chapter 3: Brat meets Jerk
Chapter 4: Reason
Chapter 5: Best Friends
Chapter 6: Meeting his family
Chapter 7: Drama
Chapter 8: Engagement
Chapter 9: Preparations
Chapter 10: Bachelorette Party
Chapter 11: Wedding Sh*t
Chapter 12: Ex
Chapter 13: Visitor?
Author's Note: Changes
Chapter 14: Work
Chapter 15: Smile
Chapter 16: Jealous?
Chapter 17: Peace Offering
Chapter 18: Weekends
Chapter 19: His family
Chapter 20: Bonding
Chapter 21: Blue Roses
Chapter 22: Christmas
Chapter 23: New What?!
Chapter 24: Constellation
Chapter 25: Macarons
Chapter 26: The Flight
Chapter 27: Waiting
Chapter 28: Phone Call
Chapter 29: Jerk is back
Chapter 30: Jessica
Chapter 31: Superman is sick!
Chapter 32: La Vacances
Chapter 33: Vacation Starts
Chapter 34: Realization
Chapter 35: Chaos
Chapter 37: Gone Mad
Chapter 38: Burden
Chapter 39: Intoxicated
Chapter 40: Divorce
Chapter 41: Threat
Chapter 42: Suffocate
Chapter 43: Another Twist
Chapter 44: Her Mom
Chapter 45: Darn This Heart
Chapter 46: Accident
Chapter 47: Compromise
Chapter 48: Adieu
Chapter 49: It Ends Here (Her POV)
Chapter 50: It Ends Here (His POV)
Epilogue
Bonus Chapter: Interview
Bonus Chapter 2: Interview + Travel
I have a question.
Update

Chapter 36: Twist

42.9K 604 27
By anonsupergirl02

CHAPTER 36

JESSICA

"ORION STOP IT!!" May narinig akong sigaw galing sa labas. Nasa kwarto ako pero naririnig ko ang sigaw dahil sa mga nakabukas na bintana. Agad akong dumungaw sa labas, nagulat ako dahil nakita kong nagsasapakan si Orion at David. Ngayon ko lang nakitang sobrang galit si Orion, hindi ko alam kung bakit galit na galit siya dito. Nakita kong kinwelyuhan niya si David.

"You stay away from my wife!" Sigaw nito kay David. Naramdaman ko ang pagkirot sa puso ko. Ginagawa niya ito dahil kay Janelle, that brat! Kahit hindi niya aminin sa'kin, alam ko at ramdam ko na mahal niya na talaga ang babaeng iyon.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. He loves her. Isinara ko na ang bintana, lumayo ako doon para hindi ko na makita ang nangyayari sa baba. Umupo na lang ako sa kama tapos ay iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina noong kasama ko si Orion. Bago pa man kami makarating dito sa rest house ng pamilya niya ay sobrang cold na ng pakikitungo niya sa akin. Iniiwasan niya ako, ilang beses man akong dumikit sa kanya parang hangin lang ako, para akong invisible sa paningin niya. It takes time bago ko makuha ang atensyon niya. Lagi ko siyang nahuhuling nakatitig kay Janelle. He cares for her. Ang dati niyang ginagawa sa akin ay ginagawa niya na sa babaeng 'yon ngayon, and I really hate it.

Kanina nga lang dahil sobrang desperada na ako to get his attention, I want to kiss him. Sakto nga dahil nakita kong palabas si Janelle ng bahay kaya mabilis kong hinila si Orion palapit sa akin para halikan. I know she saw us. Pero mabilis niya rin naman akong tinulak palayo then said. 

"I'm sorry, Jess." Bago niya ako tuluyang iwan sa garden. Para akong tanga dahil pinipilit ko ang sarili ko sa kanya. Pero anong magagawa ko? Nagmahal lang naman ako.

Naisipan ko na lang bumaba para magpahangin sa labas. Pumunta ako sa may dalampasigan para maglakad lakad. Ako na lang ang tao dahil gabi na. Umupo ako sa buhangin tapos ay nilaro laro ito. Para akong bata, this is the only thing I can do right now to make myself happy, kahit ngayon lang. I tried to make a sand castle pero fail. Imbis na maging masaya ako lalo lang akong nalungkot. Naalala ko kasi na gumagawa din kami ni Orion ng sand castle noong mga bata pa kami.

Tumayo na lang ulit ako tapos ay pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako. Nasa may pintuan na ako ng kusina nang may nakita akong isang pamilyar na lalaki. I stopped and about to leave but it's too late because he saw me "Stay" He commanded. I looked at him with an irritated look.

"What do you want?" I asked.

"Stop pushing yourself to him. You don't know Janelle. And what she's capable of. I'm telling you, don't you dare ruin their marriage." Sabi niya kaya mabilis na umangat ang kilay ko.

"So what? Kilala mo ba siya? Why? Do you still care about me? Still getting jealous?" Pang-aasar ko sa kanya pero mukhang bigo naman ako dahil hindi naman yata siya naasar sa sinabi ko.

A smirk formed on his lips. "Seriously, Jessica? You know what, I'm just giving you a warning. Stay away from Orion--"

"Or else what?" This time, I finally gave him a glare pero lalo lang lumaki ang ngisi niya.

"I'll tell her about our past relationship." Kampante niyang sagot sa'kin. Kumunot lang ang noo ko sa narinig.

"I don't care. Wala naman siyang pakialam sa kung anong meron tayo noon." Kampante kong sagot sa kanya.

"She will care. Especially when she finds out that YOU were the reason of OUR break up." Natigilan ako sa narinig. Lumakas din ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam pero binabalot ng kaba ang buong pagkatao ko ngayon pero ayokong ipakita sa kanya ito. Paanong?

"W-what d-did you say?" Mautal-utal kong tanong dahil sa kaba. Alam kong nakikita niyang kinakabahan ako ngayon.

"Janelle was my girlfriend before you came into the picture. I left her because of YOU. Still remember the time when you begged me to break up with my girlfriend? I was so damn stupid for choosing you over her." Mabilis ko siyang binigyan ng isang malakas na sampal. What the hell? Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako o ano, pero isa lang ang alam ko ngayon, kinakabahan at natatakot ako. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kaba.

Napahawak siya sa pisngi kung saan ko siya sinampal tapos agad din niyang ibinalik ang tingin sa akin at ngumisi ulit. "You're lying." Tapang tapangan kong sagot sa kanya.

"Then why don't you ask Orion about it?" Hamon niya sa akin. Darn it!

"I don't believe you."

"Then why do you sound scared?" Sabi niya sa mapang-asar na tono. Urgh! I freakin' hate him!

Humugot ako ng lakas ng loob bago siya sagutin. "I'm not scared of her."

"I don't even know why I chose you over her because, you know what Jess? She's a LOT better than YOU." Mabilis na tumama ang palad ko sa pisngi niya. Isang malutong na sampal ang nakuha niya mula sa akin pero parang wala lang iyon sa kanya. "Stay away from Orion and our secret will stay between you, George, Orion and I." That was the last thing he said before leaving me. Ang galing niya mangblackmail. Mababaliw na yata ako dahil sa mga nalaman ko. She was his girlfriend? I can't believe this is happening to me now. Ito na ba ang karma ko dahil sa ginawa ko in the past? Inagaw ko sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya kaya naman ngayon ay nasa kanya na ang lalaking gusto ko at siya na ang mahal nito ngayon.


It's Friday. Katatapos lang ng huling klase ko, but instead of going home, I'm off to my photoshoot. I'm into modeling because of my mom. She used to be a professional model way back then. Kaya ito ako ngayon, she introduced me to modeling kahit bata pa lang ako.

Palabas pa lang ako ng gate ng school nang dumating ang mga kaibigan ko. "Jess, tomorrow evening huh. Please sumama ka na." Sabi ni Alex, one of my good friends. Noong isang linggo pa nila ako kinukulit tungkol sa party na iyon pero ayoko naman kasing sumama dahil gusto ko i-spend ang two weeks with my bestfriend dahil paalis na siya pabalik sa England.

"Alex, I told you that I can't—"

"Yes, because of Orion." She cuts me off dahilan para matawa ako. I just rolled my eyes.

"You know what Jessica, I know you like him. Bakit hindi na lang maging kayo? 'Di ba he already told you that he likes you, so bakit ayaw mo pa? He's cute and smart. Kung ako sa'yo hindi ko na papakawalan ang lalaking 'yon" She's right, I like him. I like him as a best friend and nothing else. Wala nang hihigit pa doon.

"Alam mo Alex, ang dami mo'ng sinasabi. Sige na sasama na ako bukas para lang hindi mo na ako kulitin." Para lang tantanan niya na ako ay kailangan ko na lang pumayag sa pangungulit niya. Buti na lang ay nakita ko na si mommy na palapit kung nasaan kami nakatayo ngayon. I smiled at my mom.

I kissed her cheeks pagkalapit niya. "You're 10 minutes late mom." Biro ko sa kanya. She's always on time, minsan lang ma-late, siguro ay dahil naging busy siya sa family business namin.

Dahil hindi na ako nakapalag sa pangungulit ni Alexandra kahapon na sumama sa birthday ng pinsan niya, here I am, kasalukuyang nag-aayos at naghahanda for the party. Wala akong choice kaya ganito na lang. Pumayag naman si mom na pumunta ako. Meron pa rin naman akong 12 days para makasama si Orion bago siya umalis ulit para ipagpatuloy ang pag-aaral sa England ng college.

Nakarating ako sa venue ng party, agad din naman akong sinalubong nila Alex.

"Glad you came! Akala ko hindi ka na pupunta eh."

"Sa sobrang kulit mo, nakakarindi kaya. I had no choice." Sabi ko sa kanya, tsaka kami nagtawanan. Hinigit niya naman agad ako at dinala sa grupo ng mga lalaki. Ito siguro ang mga kaibigan ng pinsan niya. Nakuha kaagad ang atensyon ko ng isang matangkad na lalaki. He doesn't look Filipino.

"Hi Jess! Glad you're here!" Bati ni Ximon nang makita niya ako.

"Happy Birthday!" Bati ko sa kanya sabay beso na rin. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa matangkad na lalaki na nasa likod niya.

"Sakto, I want you to meet my friends. Baka sakaling makahanap ka ng boyfriend sa isa sa mga 'to." Biro niya kaya hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Sira!" Bulong ko pero tinawanan niya lang ako.

"By the way these are my friends." Sabi niya pagkatapos ay lumapit siya sa mga ito. Una niyang nilapitan ang lalaking kanina ko pa tinitignan "This is David." Pakilala niya dito. Agad naman inabot nung David ang kamay niya pagkatapos ay nakipaghandshake ako sa kanya."Nice to meet you, Jess?" He said while smiling. Oh geez, I like him. Ang ngiti niyang nakakatunaw ng puso.

Ipinakilala pa ni Ximon ang iba pa niyang kaibigan pero na kay David lang ang focus ko kaya naman hindi ko na alam kung ano ba ang mga pangalan nila. The night ended and we exchanged numbers. He's really nice. Ilang beses ko ba uulit-ulitin na gusto ko siya? Mukhang totoo nga ang 'Love at first sight'

Ilang linggo ang lumipas, I think I'm falling deeply for him. Dahil na rin sa pagkagusto ko sa kanya ay nakalimutan ko na ang dapat na bonding namin ng bestfriend ko. Orion already departed for England two weeks ago. 'Yung promise ko sa kanya na magbobonding kami ay hindi natuloy dahil sa pagkahumaling ko kay David. Every night before I sleep ay lagi ko rin kausap sa phone si David. Lumipas ang ilang buwan at masasabi ko'ng mahal na mahal ko na siya. I confessed my feelings for him.

"David, I want to tell you something... I like you." Kabado kong inamin sa kanya. Nangangatog ngatog pa ang buong katawan ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. It took him few seconds to respond.

"I'm sorry Jess. I didn't tell you that I have a girlfriend" He rejected me because he has a girlfriend.

Pero hindi naman ako nabigo dahil sa mga kaibigan ko, nalaman ko na ang girlfriend niya ay wala sa pilipinas dahil nag-aaral ito sa ibang bansa. My friends convinced me and pushed me to him. Kung gusto ko daw siya ay gawin ko daw ang lahat to get him. Malayo naman daw ang girlfriend nito, wala dito sa bansa kaya subukan ko raw agawin. And I did. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa nararamdaman ko na nagkakagusto na siya sa'kin.

"I know you love me now, Dave. Break up with your girlfriend. Wala na rin naman siyang magagawa hindi ba? Sabi mo nga, she's not here." I begged. Sobrang mahal ko siya na sa tingin ko ay hindi ko kaya na wala siya. I saw him nod as a response. My lips automatically formed a smile. That day he called his girlfriend then breaks up with her.

Nagulat na lang ako nang bigla akong ginising ng isa sa mga maids namin. "Ma'am Jessica, gising na po. May bisita po kayo." Narinig kong sabi niya kaya tinanggal ko ang unan na nakatakip sa mukha ko na siguradong bloated pa dahil sa pagtulog.

"Who?" Tamad na sagot ko sa kanya, sigurado naman akong si David lang 'yon. Pwede naman siyang pumasok na lang dito sa kwarto ko at siya ang gumising sa'kin.

"Si sir Orion po." Sabi niya kaya automatic na napabangon ako sa kama. Kailan pa siya nakabalik?

Nagmamadali akong nagsuklay at nagsipilyo bago tuluyang bumaba. He was there, patiently waiting for me. He smiled upon seeing me. Agad akong tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya dahil sobrang namiss ko siya. Just like before, nagkwentuhan lang kami pero agad din naman itong natigil nang biglang dumating si David.

"Hi Babe" Bati niya sabay lapit sa'kin at halik sa pisngi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Orion. Oh damn it, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol kay David. Ayoko rin naman kasing masaktan siya. Bakit hindi ko kaagad naisip na baka magkita silang dalawa ngayon? I was so stupid.

"Dave, why you didn't call me that you're coming?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko siya pinagsalita pa, agad ko na siyang ipinakilala kay Orion "By the way, this is my bestfriend, Orion. Oreo... this is David, my... boyfriend." Inabot ni David ang kamay niya pero hindi ito pinansin ni Orion at bigla na lang siyang lumabas ng bahay. I knew it, masasaktan talaga siya.

"Oreo!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. "ORION!" Tawag ko ulit, this time he finally stopped walking and spun around to face me.

"Why, Jess? You told me you're not open in any relationship yet. You rejected me twice and now what, you have a boyfriend?" Sadness was written all over his face.

Lumapit ako sa kanya. "Oreo, I'm sorry." Sabi ko sa kanya pero tinalikuran niya ulit ako para tuluyan nang umalis.


Pakiramdam ko ay sasabog na talaga ang utak ko dahil sa mga nalaman ko. Kinakabahan ako dahil sa pwedeng mangyari. I can't believe this is happening to me.



Continue Reading

You'll Also Like

421K 6.1K 24
Dice and Madisson
60.9K 1.4K 6
Maybe, I am destined to be Just His Wife.. (Short story)
96K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
4.5M 49.3K 53
Si LEYLA NAVARRO ay isang probinsyana, mahinhin at tahimik na dalaga. Sa kagustuhang mag aral sa maynila ay nilisan niya ang kanyang probinsya. Ngun...