Dalaga na si Remison

Af AnakniRizal

1.5M 155K 332K

"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story... Mere

**✿❀ #DNSR ❀✿**
✿SEASON ONE✿
DALAGA 1❀
DALAGA 2❀
DALAGA 3❀
DALAGA 4❀
DALAGA 5❀
DALAGA 6❀
DALAGA 7❀
DALAGA 8❀
DALAGA 9❀
DALAGA 10❀
DALAGA 11❀
DALAGA 12❀
✿SEASON TWO✿
DALAGA 13❀
DALAGA 14❀
DALAGA 15❀
DALAGA 16❀
DALAGA 17❀
DALAGA 18❀
DALAGA 19❀
DALAGA 20❀
DALAGA 21❀
DALAGA 22❀
DALAGA 23❀
DALAGA 24❀
DALAGA 25❀
DALAGA 26❀
DALAGA 27❀
DALAGA 28❀
DALAGA 29❀
DALAGA 30❀
DALAGA 31❀
DALAGA 32❀
DALAGA 33❀
DALAGA 34❀
DALAGA 35❀
DALAGA 36❀
DALAGA 37❀
DALAGA 38❀
DALAGA 39❀
DALAGA 40❀
DALAGA 41❀
✿SEASON THREE✿
DALAGA 42❀
DALAGA 43❀
DALAGA 44❀
DALAGA 46❀
DALAGA 47❀
DALAGA 48❀
DALAGA 49❀
DALAGA 50❀
DALAGA 51❀
DALAGA 52❀
DALAGA 53❀
DALAGA 54❀
DALAGA 55❀
DALAGA 56❀
DALAGA 57❀
DALAGA 58❀
DALAGA 59❀
DALAGA 60❀
DALAGA 61❀
DALAGA 62❀
DALAGA 63❀
DALAGA 64❀
DALAGA 65❀
DALAGA 66❀
DALAGA 67❀
DALAGA 68 ❀
DALAGA 69❀
DALAGA 70❀
DALAGA 71❀
DALAGA 72❀
DALAGA 73❀
DALAGA 74❀
DALAGA 75❀
DALAGA 76❀
DALAGA 77❀
DALAGA 78❀
DALAGA 79❀
DALAGA 80❀
✿SEASON FOUR✿
DALAGA 81❀
DALAGA 82❀
DALAGA 83❀
DALAGA 84❀
DALAGA 85❀
DALAGA 86❀
DALAGA 87❀
DALAGA 88❀
DALAGA 89❀
DALAGA 90❀
DALAGA 91❀
DALAGA 92❀
DALAGA 93❀
DALAGA 94❀
DALAGA 95❀
DALAGA 96❀
DALAGA 97❀
DALAGA 98❀
DALAGA 99❀
DALAGA 100❀
INTERLUDE CHAPTER: BINATA NA SI POKNAT
DALAGA 101❀

DALAGA 45❀

12.9K 1.4K 1.7K
Af AnakniRizal



HALOS mabingi ako sa tili nilang dalawa matapos kong ibalita na sinagot ko na rin si Quentin. Maging ako nga rin ay hindi pa rin makapaniwala na... na may boyfriend na ako.

"Kaloka ka, teh! Bakit mo naman kami binibigla ng ganitech!" hindi pa rin makaget over si Aiza at halos sabunutan ako.

Hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil napapatingin na 'yung ibang tao sa'min dito sa fastfood na kinakainan namin ngayon.

Himala nga kung matatawag dahil Sabado ngayon at nagkataong pare-parehas kaming walang pasok kaya nakapagkita-kita kami ngayon dito sa mall na pinagtatambayan namin noon.

"Oh no! Ako na lang ang single sa ating apat?!" bulalas ba naman ni Burma na may fries pa sa bibig. "Naku, hindi ako pwedeng magpahuli!" natawa kami sa biro ni Burma (ewan ko lang kung joke lang ba talaga 'yon kasi hindi siya tumawa).

Mabuti pa si Honey kalmado lang at hindi OA ang reaksyon nang malaman ang balita. At speaking of Honey, hindi naman na kami nagulat na mayroon na 'agad siyang naging boyfriend sa kaklase niya.

"Don't worry Burmakels, hindi ka nag-iisa," sabi naman ni Aiza.

"Wait, you mean... break na kayo ni Colt?" tanong ni Honey (na as usual mabilis mag-pick up sa mga gano'ng bagay).

"Break na kayo?!" sabay pa kaming nagsalita ni Burma na kaagad bumilang sa daliri.

"Girl, wala pang one year ah!" si Burma.

"Teka, teka, kalma lang kayo mga bes," sabi ni Aiza na tinaas pa ang mga kamay para pakalmahin kami. "So, yah, break na kami... uhm... last week lang?"

"Gaga ka! Bakit ngayon mo lang kami ininform?!" galit-galitang sabi ni Burma sabay hila sa buhok ni Aiza.

"Aray ko naman! Saka bakit may pa-gaga ka pa?!" sagot naman ni Aiza. "Well, nagbreak kami kasi you know that's life, at saka hindi ko kayo na-update kasi we're busy na sa life."

Hindi ko maiwasang matawa ng kaunti. "Bakit parang naging konyo ka na, Aiza?" tanong ko sabay higop sa iced tea.

"Parang 'di ka galing breakup ah," sabi naman ni Honey.

"Hays, ewan ko ba, kala ko nga magiging dramatic eh, pero friends pa rin naman kami ni Colt, and parang cool off lang muna kami ganun."

Hindi ko maintindihan 'yung sinabi ni Aiza, parang ang labo. Pero ang mahalaga mukhang okay na okay pa rin siya, walang nagbago sa personality niyang masayahin.

"Anyway! Ang dapat nating ginigisa rito ay si Remi girl!" bulalas ni Aiza sabay turo sa'kin. "Sawakas, finally! Sinagot na rin niya ang long-time suitor niya, ilang taon ka niya niligawan? Halos two years? Since third year tayo?"

Pumangalumbaba na lang si Burma at bumaling sa'kin. "Matanong ko lang naman, Remsky, anyare't nasagot mo naman 'agad-agad si Q? 'Di naman sa against ako ah, pero 'di ba sabi mo iintayin mo siya pag nag-eighteen ka?"

"Hay nako, Burmakels, huwag ka na ngang kontrabida diyan, ang mahalaga eh finally may jowa na ang friend nating may pinakamahabang hair!" si Aiza.

"Anong kontrabida ka dyan?"

At habang nagtalo si Aiza at Burma ay nagkatinginan naman kami ni Honey. 'Yung tipong parang nag-usap kami sa isip.

Hindi kasi alam nila Aiza 'yung tungkol kay Ely, kay Honey ko lang na-open 'yung tungkol do'n at mukhang malakas ang pakiramdam ni Honey.

Maya-maya natigil din sa pagtatalo ang dalawa, hindi rin naman nagbigay ng komento si Honey kahit na parang may kutob siya.

"Pero, Rems, seryoso ha, we're happy talaga," sabi ni Aiza at tumango naman sila Honey at Burma. "So, kamusta naman ang feeling?"

"O-Okay naman, tuwang-tuwa si Q, niyaya niya 'ko mag-Star City noong mismong araw na sinagot ko siya—siyempre hindi alam nila Mamang, pero maaga naman akong umuwi. At... speaking of Mamang, hindi ko kayang magsinungaling sa kanila ni Auntie kaya balak ko next year sasabihin ko sa kanila na... ayun."

"Kamusta naman ang first date?" tanong ni Burma. Gusto talaga ng detalyadong kwento.

"M-Masaya naman." Biglang uminit 'yung pisngi ko nang maalala 'yong araw na 'yon.

"Uy, bakit namumula ka?" tanong ni Aiza.

"Don't tell me... Nag-kiss kayo?" pagkasabi no'n ni Honey ay muntik nang mabuga ni Burma ang kinakain niyang burger.

"H-Hindi! Sa noo lang! Kiniss niya ko sa noo bigla!" sabi ko 'agad. Noon kasing bago kami umuwi ay hinalikan ako ni Quentin sa noo bilang pasasalamat na sinagot ko na siya.

"Ay, sa noo?" parang dismayado nilang sabi.

"Grabe kayo," natatawa kong sabi.

Mabuti na lang at hindi lang umikot sa'kin ang topic buong maghapon na magkakasama kami. Sobra ko kasi talaga silang na-miss at kahit papaano ay nabawasan ang stress ko dahil sa bonding day na 'to.

Sayang nga't wala si Cora eh, ang layo kasi ng eskwelahan niya. Tapos idagdag pa na sobrang busy niya sa pag-aaral at nakakahiyang abalahin na magkwento tungkol sa buhay. Pero okay lang, alam naman ni Cora na friends pa rin kami kahit na hindi kami updated palagi sa mga ganap.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa Quantum para maglaro ng arcade games, pagkatapos ay nag-karaoke naman kami.

Si Aiza wala pa rin talagang pinagbago. Si Burma mukhang seryosong maghanap ng boyfriend dahil magpapapayat na raw siya. Si Honey naman pansin ko parang siya lang 'yung mabilis na nagmamature sa'ming apat.

Sa totoo lang parang ayoko nang matapos 'tong araw na 'to. Puro kami tawanan ngayon at natatakot ako na sa sobrang pagtawa ko ngayon ay iiyak na naman ako kinabukasan.

Kung pwede lang... Kung pwede lang na highschool na lang ulit kami... Tapos kinabukasan magkikita-kita kami ulit sa Tanso.

Pero hindi na eh. May mga kanya-kanya na kaming tinatahak sa kolehiyo.

May kung ano lang na sumundot sa dibdib ko dahil may mga ilang bagay akong hindi masabi sa kanila. Pero pakiramdam ko gano'n din sila... Na nahihirapan din sila sa college. Hindi lang nila sinasabi dahil kaya nila.

Kaya alam ko na kaya ko rin 'to.

Bago mag-ala sais ng gabi ay naghiwa-hiwalay na kami sa may terminal. Dumating na rin 'yung oras na ayaw ko. Kailan na naman kaya kami magkikita-kita ulit? Sa susunod na buwan?

"Remi." Namalayan ko na lang na tinatawag ako ni Honey. Kaming dalawa na lang ang natira dahil nagtricylce si Aiza at Burma. "Babalik pala ako ng mall, nagpunta sila mommy eh."

"Ah, gano'n ba, sige," lutang kong sabi.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Huh? Oo naman."

Hinawakan niya ako bigla sa braso. "Kahit hindi mo sabihin, kung ano man 'yan, huwag mong dibdibin at solohin masyado."

Napangiti ako. Kahit kailan talaga'y hindi nawawala ang pagiging 'silent killer' este 'silent observer' nitong ni Honey.

"Thank you, Honey."

Niyakap niya muna ako saglit bago kami naghiwalay, tumawid siya sa overpass pabalik ng mall at ako naman ay sumakay na ng jeep pauwi.

Pagdating ko sa bahay tumambad sa'kin ang maraming kalat at ang maingay na boses ni Auntie at Mamang. Nasa labas pa lang ako naramdaman ko na 'agad ang stress. Nagtatalo na naman silang dalawa sa kung ano mang bagay.

"Auntie, 'Mang, ano po 'to?" tanong ko sa kanila nang makita ko ang napakaraming abubot sa sala.

"Ewan ko riyan sa lola mo," sagot ni Auntie. "May nakaing hindi maganda at naisipang magtapon ng mga gamit."

Nakita ko na 'yun 'yung mga lumang gamit sa attic. Kaagad namay may hinanap 'yung mata ko.

"Magbabawas lang ng mga kalat, baka may maibenta pa tayong mga gamit diyan," sagot naman ni Mamang habang iniisa ang mga lumang damit.

"Juskolord mother, walang bibili ng mga 'yan, mainam pang i-donate n'yo sa nangangailangan 'yang mga damit. 'Yung ibang gamit diyan patapon na!" At nagsimula na naman silang magtalo.

Nang mahanap ng mga mata ko 'yung kahon na 'yon ay kaagad ko 'yong kinuha nang hindi nila napapansin. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong.

Pinunasan ko 'yung kahon at sumalampak ako sa sahig para buksan 'yon.

Ito na lang 'ata ang mga bagay na nagpapaalala sa'kin ng mga araw na wala pa akong pinoproblema. Hindi ko alam kung bakit sunud-sunod na pumatak sa mga cassette tape 'yung luha ko habang inaalala ang masayang kabataan kasama sila.


*****


NAGING normal na nga lang 'ata sa'kin ang pag-iyak tuwing gabi, o siguro sadyang iyakin lang ako. Hindi ko na alam.

"Nag-away kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Ely noong umagang 'yon. Naka-survive ako ng first semester na tanging si Ely ang naging kasa-kasama ko.

"Hindi kami nag-away," sabi ko. Totoo naman 'yun dahil pakiramdam ko never kaming mag-aaway ni Quentin.

"Bakit namumugto 'yung mga mata mo?" tanong niya.

Gusto ko sanang isipin na concern siya pero nasanay na ako sa poker-faced niyang mukha. Kaya nga siguro wala rin siyang ibang kaibigan sa mga kaklase namin at ako lang ang matiyagang sinasamahan niya dahil may pagkamaldita ang aura niya.

"Ah... Napuyat lang." Totoo naman. Napuyat naman ako. Nagiging automatic na nga 'ata sa'kin 'yung maluluha kapag na-iistress sa pag-aaral.

Hindi ko na nga rin alam kung bakit ako umiiyak. Wala namang nang-aapi sa'kin. Siguro nga sadyang palagi akong natatakot. Natatakot kapag marami akong iniisip na what if ganito o ganiyan. Nagsimula sa maliliit na bagay. What if ma-late ako, what if hindi ako makasagot sa recitation. Hanggang sa lumala. What if bumagsak ako, what if matanggal ako sa scholarship.

Nakakabaliw. Mas nakakabaliw lang siguro 'yong masyado kong kinikimkim lahat.

Noong nasa elementary ako palagi kong winawari kung ano kaya pakiramdam ng fifteen, sixteen, seventeen, etc.

At ngayong isang taon na lang bago ako mag-eighteen... Akala ko sa ganitong edad magiging malaya ako na gawin ang mga bagay-bagay. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong kalayaan. 'Yung malaya... 'Yung wala kang takot.

Palagi kong nasa isip noong bata ako na matatapang lahat ng mga nakatatanda.

At sa edad kong 'to? Hindi pa pala ako 'matanda'... Kasi hindi pa rin ako matapang.

Para akong lobo na punum-puno ng hangin na anumang oras ay puputok.

Lumalala ang siksikan sa tren bawat araw pero kinakaya ko pa naman. Para malibang sa mabagal na biyahe ay nilalabas ko minsan 'yung cellphone ko para makinig ng music.

Nakita ko na may text galing kay Quentin.

"I'm sorry, can't call you later :( I'll call tom, luv u :* From: Quentin <3"

Napabuntong-hininga na lang ako nang mabasa ko ang text niya na 'yon. Hindi ko naman siya inoobliga na palagi akong tawagan gabi-gabi pero minsan hindi ko maiwasang ma-guilty.

"Uy, wag ka mag-sorry. Oki lang un, Q. Luv u 2" I-rereply ko sana kaso wala nga pala akong load kaya binalik ko na lang sa bag ko 'yung cellphone ko.

Narealize ko na hindi pala parang nobela ang tunay na buhay na... kapag nagkatuluyan ang dalawang bida ay magiging okay na ang lahat.

Ang komplikado pala talaga kapag mas tumatanda ka. Lalo na pag may mga bagay na ikaw lang ang sa tingin mong makakaintindi—mali, si Quentin, naiintindihan niya ako. Kaya nga pakiramdam ko ayoko lang siyang mawala katulad niya. Kahit na cellphone lang ang nag-uugnay sa'ming dalawa ni Quentin at nasa malayo siya, pinaparamdam pa rin niya sa'kin na hindi ako nag-iisa.

Nang dumating ang istasyon na bababaan ko'y nagbabaan din ang maraming tao. Bago ako lumabas ng istasyon ay kinapa ko 'yung unahan ng bag ko at nakitang bukas ang zipper nito. Kinabahan ako dahil parang nawala ako sa sarili kanina dahil sa siksikan.

Kinapa ko 'yung unahang bulsa at kinumpirma ang hinala ko.

Patay ako nito.


*****


FIRST time kong madukutan at first time din akong nakatikim ng napakahabang sermon mula kay Mamang. Kung kailan pag-uwi ko ay himalang hindi sila nagtatalo ni Auntie ay ako naman ang gumawa ng eksena.

Nakatayo pa rin ako sa may sala habang patuloy na rumaratrat si Mamang. Si Auntie naman ay tahimik na nagtutupi ng mga damit.

"Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa'yo na ilalagay mo 'yung bag mo sa harapan, Mingming? Maraming mandurukot sa Maynila! Ayan! Wala ka nang selpon! Huwag kang umasa na magpabili sa akin dahil nakita mong wala tayong pera!" talak ni Mamang habang nakayuko lang ako at kinukutkot ang mga kuko ko sa daliri.

"N-Nilagay ko naman po sa harapan 'yung bag ko, hindi ko lang po napansin kasi pagod na ako," mahinang sagot ko na hindi nakatakas sa pandinig ni Mamang.

"Hindi mo pwedeng idahilan 'yang pagod-pagod na 'yan dahil ginusto mo 'yan, Mingming! Sabi ko sa'yo 'di ba dyan ka na lang sa malapit mag-aral, ayan at pinilit mo ang gusto mo!" Hindi na nga ako nakakatikim ng palo kay Mamang pero mas sumasakit naman 'yung mga salitang naririnig ko sa kanya sa tuwing nagkakamali ako.

"Palibhasa't nakunsinti ka ng magaling mong tiyahin na mag-aral diyan sa magulong Maynila na 'yan, Remison! Huwag ka nang magselpon ha!"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Si Auntie ni hindi man lang tumitingin sa akin o nagsasalita kaya hindi ko alam kung kakampihan ba niya ako.

"Oh, bakit ka umiiyak, Remison?" tanong ni Mamang nang makita ako pero nakasimangot pa rin siya. "Anong iniiyak mo diyan?"

Tumingin sa'kin si Auntie, naramdaman ko na naaawa siya sa'kin pero ayaw niyang dumagdag sa init ng ulo ni Mamang.

"'Mang, pagod na ho ako."

"Anong sabi mo? Lakasan mo, Remison!"

Napakagat-labi ako kasi ayokong sumagot. Kaya sa tindi ng hinanakit ko'y tumakbo ako palabas kahit na tinatawag ako ni Mamang.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naglakad ako nang malayo-layo, nakarating ako sa pangalawang kanto at naisipan kong pumasok sa isang computer shop.

Dito muna ako magpapalipas ng oras bago umuwi. Nag-open ako ng Facebook at kaagad kong minessage ang mga ilan sa kaibigan ko para sabihin sa kanila na huwag nang i-text 'yung number ko dahil nawala na 'yung cellphone ko.

Si Burma lang ang kasalukuyang online kaya siya ang naka-chat ko. Kakauwi lang niya sa bahay nila, may internet kasi sila kaya nakakapag-facebook siya ng one to sawa. Kinamusta ako ni Burma at kinwento ko lang ng pahapyaw na pinagalitan ako ni Mamang.

Na-pm ko na rin si Quentin pero hindi siya online. Sana mabasa niya 'yung message ko bago niya maisipang tawagan 'yung dati kong number.

Walang masyadong laman ang facebook ko dahil hindi naman ako pala-post. Nag-scroll ako sa newsfeed para tingnan kung anong balita sa iba ko pang mga dating classmates.

Kanya-kanyang updates ng college life ang mga kaklase ko noong hayskul. Karamihan sa kanila ay may mga bago na 'agad na tropa.

Si Corra wala akong makitang update sa kanya kaya nag-message na lang ako sa kanya na huwag nang ite-text 'yung dati kong number.

Nakita ko naman 'yung mga post ng mga kaklase ko noong elementary. Hindi na ako nagulat na magkasama pa rin si Olly at Deanna sa iisang university. Nakita ko naman ang bagong upload na picture ni Azami kasama si Viggo na may hashtag ng pang-ilang monthsary nila.

Hindi ko na namalayan ang oras kaka-scroll ko. Sa huli wala pa rin akong na-post na kahit na ano kaya nag-status na lang ako. Remison Mae Berbena is feeling tired.

May nakita akong nag-like 'agad. Leik Solaba likes your status.

Leik Solaba commented on your status "Bkt?"

Napakunot ako dahil wala naman akong kilalang jejemon katulad nito, 'yung profile picture niya si Naruto. Nakita ko na siya rin pala 'yung nag-add sa'kin noon pang nakaraang linggo pero hindi ko inaccept kasi hindi ako nang-aaccept ng mga hindi ko kilala.

Leik Solaba commented on your status "Ok k lng Ming?"

Nanlaki bigla 'yung mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ba 'tong Leik Solaba na 'to.

Leik Solaba messaged you.

"Ming? Pa-accept"

Teka... Huwag mong sabihing...

"Poknat?"

"Yesssss ang 1 n onli"

"Bakit ganyan pangalan mo?"

"Baligtd yan ng name ko. Kiel Abalos hehehe"

Hindi ko maiwasang matawa. Sa tinagal-tagal na hindi niya pagpaparamdam... Parang wala na lang 'yung surpresa ko.Pero sa dinarami-rami ng pagkakataon...

Natutuwa ako na nag-online ako sa computer shop ngayon dahil heto kausap ko na siya.

"Nasaan ka ba?"

"Sa <3 mo"

"Jowkkk hahah"

"Parang ewan 2."

"Sa malayo eh. Kung pwede lang kita puntahan para itanong kung bakit ka pagod."

"Sa buhay ko pagod na ko."

"Bata bata mo pa para mapagod huy."

Napangiti ako kasi naiimagine ko 'yung boses niya habang binabasa ko 'yung message niya.

"Hehe seventeen na kaya ako"

Tapos... Nag-seen na lang siya at ang tagal mag-reply. Nakakainis 'to, bigla-biglang magpaparamdam tapos bigla na lang ulit hindi sasagot?

Sa inip ko'y inaccept ko 'yung friend request niya at kaagad na inistalk ang profile niya.

Oo na, aaminin ko na sobrang curious ako kung nasaan na siya ngayon at kung anong pinagkakaabalahan niya, kung saan siya nag-aaral, kung may girlfriend na ba siya ulit. Teka, ba't naisip ko 'yung huli?

Medyo nadismaya na naman ako nang makita kong puro memes lang at mga kalokohan ang nasa timeline niya. Bihira siyang magpost ng picture tapos 'yung parang malabo pa na sobrang random kinuhanan.

Hindi ako sumuko sa pag-scroll sa profile niya hanggang sa makita ko ang isang link na shinare niya, link 'yon ng youtube at may pamagat na 'Adik sa'yo'. Pag-click ko sa link ay tumambad sa'kin ang isang video.

Nakaharap si Poknat sa camera habang nakaupo sa isang sofa, may hawak na gitara. Ngayon ko lang narealize na nag-iba na naman ang itsura niya kung ikukumpara noong huling gabing nakita ko siya, noong prom night.

Nakasuot siya ng maroon na sweater, napansin ko rin na medyo mahaba 'yung buhok niya na pinapatungan ng bonnet. Nang magsimula siyang umawit ng isang pamilyar na kanta ay halos kilabutan ako.

Mas lumalim ang boses niya, hindi gano'n kagaspang o kadulas, tama lang sa tenga, ang sarap pakinggan. Malayong-malayo sa totoy niyang boses sa mga cassette na pinapadala niya sa'kin noon. 'Yung pagtipa niya sa string ng gitara ay natural na natural, mas lumaki at humaba na ang kamay at mga daliri niya.

Kung hindi ko lang kilalang-kilala ang aura niya ay hindi ko aakalaing si Poknat ang tao sa video.

Pero siya 'to. Halos dalawang taon din akong nangulila sa makulit niyang presensiya at ngayon, hindi man kami pinag-ugnay ng mga sulat, nagtagpo naman kami sa maliit na mundo ng internet.

Kiel Abalos

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Leik Solaba is typing...

Halos mapatalon ako nang makita kong magrereply na siya. Hinihintay ang sasabihin niya pero parang pinag-iisipan niyang mabuti 'yon.

Leik Solaba is typing...

Uunahan ko na sana siyang magtype nang marinig ko ang sigaw ng bantay ng computer shop.

"Number 29, extend pa ba?!"

At kung kailan isisigaw ko na sana 'Ate, extend pa!' nang marealize ko na wala na pala akong pera.



-xxx-



A/N: Halo! Sorry kung now na lang ulit nakapag-update! (>﹏<)

Na-miss n'yo ba si Leik Solaba? Hahaha('♡‿♡')

Share n'yo naman mga moments o awakward encounters nyo sa mgachildhood friend nyo sa personal o facebook. Awkward ba? 

Until the next update! Nawa'y tuluy-tuloy na, dami lang ginagawa. Surii..(✧∀✧)/

Sure ako mawiwindang kayo sa mga susunod na kaganapan, mwahahaha ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

2M 56K 52
Zoe Aldana cannot catch a break. In her anger and grief, she summons the man in her portraits - ang kaniyang guardian angel na si Alexus. As she trie...
2.7M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.3K 255 28
Laura Ashlee Alvaro thinks that she is living an unworthy life. She fails. She cries. She hopes no more. She knows that there is no way for her to be...