ELITES

By MaybeYoungForever

247K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Seventy Two

1.3K 57 18
By MaybeYoungForever


An: Currently editing po ako mula chapter one up to present. May mga binabago at inaalis ako. Dinadagdag rin po na dialogue. Hoping wala pong malito pag naiba yung mga info sa mga susunod na chapter. On the spot po ako nagsusulat at wala pa akong final outline plot na sinusundan kaya madalas naliligaw,naiiba at natatagalan ang update. Yun po mahirap sa tema ng pagsulat na ginagamit ko. Naiiba naman kasi talaga pag on the spot ng nagsusulat/type kaya hindi na ako naga-outline pa. Nawa po maunawaan nyo. :) God Bless!

°°°°
#ElitesZayn






"You sure..you didn't remember anything?"


Umikot ang mga mata ko sa tanong ni Blaze bago ko s'ya harapin habang nagtitimpla ng kape.


"Two weeks has been passed and you're still asking me that question. Tell me, ano ba talagang dapat kong matandaan bukod sa naginom tayo that night?" I raised my eyebrow when I faced him while sipping my coffee.



Inangat ko ang tasa ng kape para alukin s'ya pero umiling lang s'ya. Knowing him, mahilig s'ya sa kape pero kapag umaga lang. Never daw s'ya nagkape sa hapon.


Masusi n'ya akong tinitigan pagkaupo ko ng sofa, kaharap s'ya. Binabasa ang mga mata ko kung nagsasabi pa rin ako ng totoo.


Seriously, big deal ba talagang matandaan ko?



"Naiintriga tuloy ako. Don't tell me ginahasa kita?" Natatawa kong tanong sa kanya.


Saglit na nalaglag ang panga n'ya sa bulgar na pagkakasabi ko.


"Bunganga mo." nakangiwing sambit n'ya habang magkasalubong ang kilay.



Maybe I'm just being crazy, but seeing how I could change his mood instantly made me feel amused..or better. Especially every time I'm pissing him off.


"Bakit pala nambubulabog ka ngayon? May lakad ba tayo?" I asked.

"This coming Saturday, may photoshoot ako. I'll need you to be with me."

"Hmm...Of course, I'm you're assistant." I chuckled, answered him in a matter of fact tone.



Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng nagkasama kaming nagout of town trip. And it's one week and three days ago simula ng ilibing si Mama. Two days and two nights lang ang naging lamay n'ya. Sa two days na iyon, wala ako. Wala ako sa loob dahil hanggang palihim na silip lang ako mula sa labas. Para akong isang anak sa labas na ikinakahiya at hindi naisiwalat sa lahat ng nakilamay. Kahit nga sa libing, hindi ako nakalapit. Nakalapit lang ako noong wala ng mga tao. But to my surprise, hinintay nya pala talagang sumulpot ako para ipahiya at sumbatan ako. Mabuti na lang, kasama ko si Blaze, Dwayne, Axle at Ellie ng mga oras na yun. They defend and protect me as much as they can. Hindi nila ako iniwan at pinilit nilang samahan ako. Kahit hindi naman kailangan dahil tatanggapin ko naman lahat ng masasakit na salita ni Zandra. Kaya ko namang magisa.


Sa ngayon, hindi ko kasama si Kurt. Makikituloy daw muna s'ya sa condo ng isang matalik n'yang kaibigan na lalaki kaya wala daw akong dapat ipagalala. Inalok ko s'yang dito tumuloy pero ayaw n'ya. Maghahanap din daw s'ya ng part time job para sa mga expenses naming dalawa. Kaya ngayon, desidido na ako sa trabaho kay Blaze dahil kailangan kong kumita para makahanap agad ng matutuluyang paupahan namin ni Kurt. Hindi ko lang sigurado kung trabaho bang maituturing ito dahil madalang n'ya naman ako tawagin at bihira lang naman s'ya may lakad.


"Not just that. Kung papayag ka rin na ikaw ang kunin naming isa sa vocalist sa EC, much better. Depende kung saang schedule ka magfifit every night. Hindi yun overnight kagaya ng sa Brice kaya okay din kahit may pasok at weekdays. Yun ay kung gusto mo lang naman, para hindi ka na mahirapan pang maghanap ng ibang trabaho. Besides, hindi ko lang naman 'to idea. Idea din ni Dwayne at Axle. Okay rin naman kay Trust. Approval mo lang talaga ang kailangan."


Napa 'o' na lang ang bibig ko sa paliwanag n'ya. Sino pa ba ako para tumanggi? Ngayong kami na lang ni Kurt ang magdedependehan sa isa't isa, wala na sa vocabulary ko ang maginarte. Kailangan naming mabuhay. Kailangang naming matapos sa pagaaral. Sa isang salita, kailangan naming kumayod ng husto dahil kung hindi, mamamatay kami sa gutom at hindi na makakapagaral. Kailangan ko ring magfocus muli sa pagpasok at pagaaral kasi kung hindi, baka tuluyan ng mawala ang scholarship ko kapag hindi ko na-maintain ang mga grades ko.


Ganun naman talaga ang buhay. Masakit mawalan, pero kailangan mong magpatuloy. Kailangang lumaban para mabuhay. Tumigil man ang mundo ng mga taong nawala sa buhay mo, pero hindi pwedeng itigil mo ang sarili mong mundo. Dahil kung oo, paano ka uusad? Paano ka makakaalis sa kinalulugmukan mo? Kahit umalis sila at iniwan ka, hindi mo pwedeng sayangin kung ano ang naiwan nilang pangarap para sa'yo. Kaya bakit ko yun ipagdadamot sa sarili ko, kung sa huli ako rin naman ang makikinabang? Magiging masaya pa sila sa kabilang buhay kapag nakikita nilang patuloy akong lumalaban..para magpatuloy. Para hanapin ang mga sagot sa maraming katanungan. Hindi pwedeng parating nagmumukmok. Nauubos ang luha kaya hindi pwedeng araw araw ka na lang umiiyak.


"Malapit na ang opening di'ba?" Muli akong uminom ng kape. Napapikit pa ako bahagya ng langhapon ang aroma nito. Nakaka-goodmood.

"Yep. And we need you to be there too." he announced in flat voice.

Sinimsim kong muli ang kape. Naalalang si Lacey at s'ya nga pala ang kakanta sa araw ng opening nila.


"Deal. Hired naman agad ako di'ba? Hindi ko na kailangang magapply?" tanong ko sa kanya ng nakangisi.


"Ikaw pa ba? Lakas mo kay Axle eh. Lalo na kay Dwayne." Nahimigan ko ang pakla sa boses n'ya sa huling sinabi n'ya.

"Selos ka na naman." Biro ko na ikinakunot ng noo n'ya. Nagawa pa akong taasan ng kilay.

"Kilig ka naman." masungit n'yang apela pero nakangisi naman.

"Hindi naman masyado. Slight lang." Sakay ko sa sarkastiko n'yang sagot kaya lalo s'yang bumusangot. Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa.

"Pansin ko lang. Nasasanay ka ng madalas na hindi nasusuot ng scarf. Samantalang dati, kahit nasa bahay ka lang balot na balot ka." Pagiiba n'ya ng usapan habang nakatitig sa mukha ko.

"Ikaw lang naman ang nakakakita. Ayaw mo nun, espesyal ka?" ngising ngisi kong sabi habang titig na titig sa kanya.


Bahagyang umawang ang labi n'ya na mabilis n'yang itinikom saka umiwas ng tingin ang umiling iling. Mukhang sasanayin na n'ya ang sarili sa mga hirit at banat ko.


"Kahit na." Matagal s'ya bago muling nagsalita. Naging seryoso na ang mukha n'ya habang nananatiling nakatitig sa'kin na parang malalim pang nagiisip pa. "Pero..may chance bang isang araw, magdedecide ka na h'wag ng magsuot ng scarf? Lalo na ngayon?"


Bumagal ang pagsimsim ko sa kape dahil sa tanong n'ya. Bakit parang hindi naman ito ang unang beses n'yang itinanong ang tungkol doon?


Naisip ko na ang tungkol sa bagay na yun.. sa totoo lang. Simula pagkabata, mahigpit na ang bilin ni Papa at Mama tungkol sa pagsusuot ko ng scarf. Kasing higpit ng pagpapatupad sa mga batas trapiko na huwag tatawid sa hindi tamang tawiran.

Namulat ako sa mga dahilang hindi ko pa maintindihan noon dahil sa musmos ko pang kaisipan. Pero hindi porque wala na sila pareho ngayon, gagawin ko na ang gusto ko. Ginagalang ko pa rin ang mga dahilan at mga bagay na kinakatakot nila kung bakit hindi ko pwedeng alisin kailanman ang takip sa mukha ko. Kahit na sa gilid ng utak ko ay natutukso ako, mas malaki ang parte sa'kin na panatilihin kung saan ako nasanay. Tutal para rin naman sa'kin yun. Para sa kapakanan ko..at kaligtasan ko. Hindi dahil sa gusto lang ng magulang ko o gusto ko lang, kung hindi dahil masyadong maraming dahilan. Dahilan na hahanapan ko pa ng kasagutan.

Umiling ako sa kanya bilang sagot.

Saglit na binasa ni Blaze ang reaksyon ko. Malalim s'yang napabuntong hininga bago tipid na ngumiti. May kinuha pa s'ya sa kanyang bulsa bago muling tumingin sa'kin.


"Here.."

Marahan s'yang may inilapag sa center table na bahagyang tinulak papalapit sa harap ko. Isa iyong puting maliit na box na may kulay itim ribbon sa ibabaw.

Dahan dahan akong ngumisi ng pangasar.


"Magpopropose ka na agad sa'kin? Ang bilis mo naman ata masyado Apoy." Biro ko sa kanya na muli n'yang ikinatigil. Umawang ang bibig n'ya saglit bago inis na suminghap na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.


Ang cute lang talaga asarin ng Apoy na 'to, nakaka- good mood.


"Naging magkaibigan lang tayo ganyan na agad kataas ang confidence mo?" Deretsahan n'yang sabi na imbis na ikainis ko, natawa na lang ako. Hindi talaga s'ya masanay sanay sa mga hirit ko.

"Nagmana lang ako sa'yo." Nakangisi kong sagot saka walang pasabing dinampot ang kahon.


Siguro kung hindi pa kami magkaibigan, wala akong kapal ng mukha na kunin basta basta ang inilapag n'ya sa mesa. Hahayaan ko lang s'ya kung anong sasabihin n'ya patungkol doon. Magpapanggap na walang pakialam. Pero dahil nga makapal na ang mukha ko sa harapan nya, kinuha ko na agad ang iniabot n'ya.


"Para yan kay Lacey."

Tumigil ang kamay ko sa aktong pagbubukas nito. Napalabi na lang ako saka mabilis na inilapag muli ang kahon sa lamesa.

Eksaherada akong tumikhim saka muling uminom ng kape. Todo higop pa ako, ubos na pala.

Muli lang akong napatingin sa kanya ng marinig ang mahina n'yang pagtawa. Parang gusto ko na tuloy ibato ang tasang hawak ko. Ang bilis naman n'yang nakabawi.


"See? Kapag ikaw ang niloloko, ang seryoso mo masyado. Ibibigay ko ba naman sa'yo kung para yan sa ibang tao?" He sexily laughed. That made me froze..for a seconds. Saglit na doon napatuon ang atensyon ko.

"Ginagago mo na naman ako no?" Iritadong tanong sa kanya.

"No. Sa'yo talaga yan. Gusto lang talaga kita ipahiya saglit. Matamis naman ako bumawi." This time ay malaki na ang pagkakangiti n'ya sakin habang dahandahang binubuksan ang maliit na box na itinapat n'ya sa'kin.

Aba, mukhang ginagago talaga ako. Kung makangiti at makaakto, akala mo nagpopropose na talaga sa harap ko. Titig na titig sa'kin na parang inaabangan ang reaksyon ko habang ang tamis tamis ng pagkakangiti. Wala tuloy akong choice kung hindi ang umiwas ng tingin na dinaan ko na lang sa irap. Ang gwapong gago, kainis.


"Ano yan, Dalton? Bakit may paganyan?" Taas kilay kong tanong ng sulyapan ko ang nasa loob.

"Birthday gift." Mainit s'yang ngumiti, tila binabantayan ang bawat reaksyon ko.


Saglit kong sinulyapang muli ang nasa loob. Napalunok ako pagkakita roon at napalitan ng pagseseryoso ang mukha ko. Ang kaninang kalmado namang dibdib ko ay bahagya na namang..naging komplikado.

Ito ang pinakaunang pagkakataong may nagregalo sa'kin na ibang tao sa mismong araw ng kaarawan ko. Madalas kasi ay si Kurt lang naman. Kahit nga kay Mama hindi pa ako nakakatanggap. Lalo na kay Zandra. Kay Papa at Kuya Nest, oo. Pero noong maliit pa ako at kasama ko pa sila. Kaya siguro hindi man lang naging big deal sa'kin ang araw na ito. Nasanay na kasi ako.


"Wait.."

Maingat n'yang inalis ang bagay na iyon sa kahon saka mabilis na tumayo.


"Hawiin mo yung buhok mo. Ako na mismo ang magsusuot sa'yo."


Hindi ako agad nakareact ng tumayo na s'ya sa gilid ko. Kapit na n'ya ang silver necklace na laman ng kahon na binuksan n'ya. Malalim ang naging paghinga ko ng napatitig pa ako saglit sa palawit nito na nakaladlad na sa harapan ko.


Wala sa loob akong dahan dahan na umayos at tumagilid ng bahagya sa pagkakaupo para maayos n'yang masuot sa'kin ang kwintas na hawak n'ya. Napalunok na lang ako dahil imbis na ako ang dapat maghawi ng buhok ko na kagaya ng inutos n'ya, eh sya naman itong gumawa. Maingat n'ya itong hinawi na hindi man lang lumapat ang kamay n'ya sa leeg ko.

Mahigpit akong napakapit sa basong hawak ko. Wala naman akong dapat ika- conscious..pero iyon ang nararamdaman ko. Bukas naman ang aircon pero pakiramdam ko pagpapawisan ako.


Bahagya akong napapitlag ng lumapat na sa leeg ko ang kamay n'ya kasabay ang isinusuot n'yang kwintas sa leeg ko. Kagat labi akong nakiramdam sa mabagal na pagaayos n'ya ng lock nito sa may batok ko. Kung hindi lang siguro ako nagpipigil, baka tinabig ko na lang ang kamay n'ya at ako na ang nagayos. Pero hindi ko naman pwedeng gawin yun. Ayaw ko namang maging bastos sa kanya lalo at wala naman s'yang ginagawang masama. He's just..being a thoughtful friend. Kung tutuusin ay hindi naman n'ya kailangan na regaluhan pa ako.


Lumipas ang ilang segundo na nanatili pa rin ang atensyon n'ya sa likod ng leeg ko. Lalo akong nakaramdam ng pagka- conscious. Haharap na sana ako sa kanya dahil mukhang tapos na naman s'yang magayos ng lock ng maramdaman ko ang banayad na paghaplos n'ya sa batok ko. Imbis na magulat ako at mapalayo dahil yun naman dapat ang initial reaction ng taong nagugulat, ay napatuwid pa ako lalo ng upo na para akong naestatwa bigla.


Ramdam na ramdam ko ang mabagal..ngunit maingat na pagdampi ng kanyang ilang daliri sa balat ko. Saglit akong napapikit dahil para akong..napapaso. Pigil na pigil ang hininga ko habang pinapakiramdaman ang ginagawa n'ya.


It's just like he's tracing something. Bagay na hindi ko na kailangan pang itago. Alam kong nakita na n'ya yun isang beses, pero hindi naman s'ya nagtanong. Ngayong muli n'yang nakikita at lantad na lantad na sa kanya, hindi malabong magtanong s'ya tungkol rito. Bagay na hindi ko alam kung masasagot ko.


"Is this some kind of a bird, Alessia?" he slowly asked. I found myself cursing through my mind for how I'd react with his gentle and soft touch.




Wala naman sana akong balak sagutin dahil para sa'kin, hindi naman iyon big deal pa para malaman n'ya. Pero kusa akong trinaydor ng nanghihina kong boses.


"Y-Yes."



Tumiim bagang ako. Bakit ba sa tuwing sa bibig n'ya lumalabas ang pangalawang pangalan ko, para akong nawawalan lagi ng choice. Natatagpuan ko ang sarili kong tinatraydor ako ng dila ko..o kaya naman ay ng katawan ko.


"What does it mean?" He mildly asked, in a manly voice. Para na naman akong nilulunod ng ganoong tono ng boses n'ya.

Muli akong napalunok.

Wala sana akong balak na sumagot at balak ko na sanang kumuha ng lakas para lumayo ng muli na naman n'yang igala ang pagdampi ng kanyang mga daliri sa palibot ng maliit na tattoo ko roon.


Para ako nitong muling pinahina. Muling pinapaso. Para ako nitong pinaparusahan. Imbis na manahimik ako't huwag magsalita, mas gusto na lang ng dila kong sumagot kaysa tagalan ang presensya n'ya sa gilid ko. Kaysa manatili pa ang atensyon at ang banayad na halpos n'ya sa batok ko.


"D-Do you really have to know?"


Gusto kong magmura dahil para akong panandaliang nabulol. Paanong hindi? Pakiramdam ko'y pinagpapawisan na ako sa init. Nanunuyo ang lalamunang ko.


"Of course. I care to know, Alessia" Isang seryoso at malalim na boses n'yang pagkakasagot.


Bakit ba parang parusa sa'kin lagi sa tuwing binabanggit n'ya ang 'Alessia?' Gusto ko na tuloy iyong isumpa na maging second name ko. Para iyong uri ng sariling panlaban ni Blaze para mapasunod at matalo ako. Para manghina ako at huwag ng manlaban pa. Parang isang trap na kapag binaggit n'ya..dead end na.



"It means..I want freedom." Kagatlabi kong sabi. "It's on that spot because I always feel that I was being strangled. It's on my nape or at the back of my neck because..I don't understand why I am being strangled by something..or by someone." Buong lakas loob kong sabi.


"Bakit naman hindi mo alam? Are you being manipulated..or something?"

Mariin akong pumikit saglit. Pagkamulat ko ay doon na ako nakabawi ng lakas. Doon na ako pumihit at muling umayos ng pagkakaupo.

Gumalaw naman s'ya agad pero imbis na umalis s'ya sa gilid ko ay pumunta pa s'ya mismo sa harapan ko.


Bahagya s'yang yumuko habang nakatayo pa rin at hinawakan ang pinakapalawit ng kwintas na isinuot n'ya sa'kin.


Mataman s'yang tumitig rito bago deretsong sinalubong ang mga mata ko. Masyado s'yang malapit pero hindi ko magawang makaurong. Sa mga mata pa lang n'ya, lunod na lunod na ako. Saan pa ba ako kukuha ng lakas na umiwas?



"I had a second thoughts at first kung ano ba talagang ipapalagay ko rito." Sinulyapan nyang muli ang kapit n'ya bago nagbalik ng tingin sa'kin gamit ang namumungay na n'yang mata. "My original plan was 'Señorita'. But I ended up choosing your second name, 'Alessia.' Gusto ko sana yung una kong naisip para palagi ko sa'yong mapaalala na worth it ka. Para kahit papaano, mabura ko sa isip mo na ikaw yung Candid na kung anong tingin ng iba. But I remembered.." bahagya s'yang natawa saglit sa pagitan ng pagsasalita. "I am selfish. Wala nga pala sa vocabulary ko ang nagse-share sa iba. I don't want everyone to call you that way. So I prefer to choose your second name. Kahit na..para sa'kin mas gusto kong ako lang din ang tumatawag sa'yo ng ganun."



Hindi ko nagawang kumurap o magreact man lang sa sinabi n'ya. I was being overwhelmed. Pigil pa ang hiningang nakatitig lang sa kanya. Pilit pinapakalma ang sarili.


"Ingatan mo ang kwintas na yan. May pagmamahal yan."



Nagawa pa n'yang kumindat sa'kin ng magangat na s'ya ng ulo at tumayo ng muli ng tuwid sa harapan ko. Tatawa tawang sa ibang direksyon na nakabaling habang pinasadahan ng isang kamay ang kanyang bagsak na buhok. Unconsciously rin n'yang kinagat ang kanyang pangibabang labi na kusang nagslide simula unahan hanggang sa dulong gilid nito. Wow.. That was...the most sexy way of lip biting I've ever seen.



Mabilis akong tumingin sa ibang direksyon habang kagat ang pangibabang labi. Nakaupo naman ako ng ayos, pero pakiramdam ko mahuhulog ako.



"Gumastos ka pa. Hindi naman ako nanghihingi ng regalo ah?" Wow Candid. You manage to say that? Kalma ka na agad?


"Maliit na bagay. Mura lang naman yan. Saka tigiltigilan mo na nga yang pagtanggi mo sa mga magagandang bagay na binibigay o ginagawa sa'yo." Humakbang na s'yang muli pabalik sa pwesto n'ya kanina saka rito umupo. "Hayaan mo lang na lumapit sa'yo yung mga taong nakaka- appreciate sa'yo. Magugulat ka na lang isang araw, marami ka ng kaibigan. Hindi ka na laging magisa kapag wala si Ellie. Marami ka ng makakasabay sa tawanan at kulitan. Isang beses ka lang mabubuhay, kaya sulitin mo na ang bawat araw. Gawin at subukan mo paminsan minsan yung mga bagay na hindi mo nakasanayan. As long as hindi ka mapapahamak. As long as alam mong masaya naman."



Napakurap lang ako sa sinabi n'ya at aminado akong kapag ganito s'ya magsalita o magpayo sa'kin, hindi ko maiwasang hindi humanga.


"Okay Pa. Salamat talaga." Pangaasar kong response na agad naman n'yang ikinatawa.

Magsasalita pa sana s'ya ng sabay na inagaw ang atensyon namin ng pagtunog ng doorbell.


Akma na sana akong tatayo ng s'ya na ang nagprisinta na magbukas ng pinto.


Hindi kaya si Kurt? Pero usually tumatawag muna yun bago dumaan dito.



Wala sa sarili kong hinawakan ang kwintas na suot ko. Muling inalala ang mga sinabi ni Blaze kanina. Pero tanging ang pagdampi lang ng daliri n'ya sa balat ko, pagkindat n'ya at pagkagat sa labi n'ya lang ang tanging umulit ulit sa isip ko. Napahawak na rin ako sa batok ko. Bakit parang nararamdaman ko pa rin ang pagdampi ng daliri n'ya doon?

Napasabunot ako sa frustration.

Game over ka na agad, Candid?



"Wear your headscarf. May mga gustong bumisita sa'yo." Seryosong sambit agad ni Blaze ng makabalik galing sa pintuan.


'Mga' talaga? Akala ko ba bawal akong magpapasok bukod sa kanya?



Imbis na magtanong pa ay mabilis na lang akong pumasok sa kwarto para magsuot ng headscarf. Hindi naman masyadong nagtagal ay lumabas na rin agad ako. Pero hindi pa man ako nakakahakbang, isang banyagang tanawin at ingay na agad ang bumungad sa mga mata ko.




"Happy Birthday to you..
Happy Birthday to you..
Happy Birthday, Happy Birthday,
Happy Birthday to you.."


Laglag ang panga kong natulala sa kanila habang kumakanta.



Si Ellie na may daladalang cake na may mga kandilang nakasindi. Si Axle at si Dwayne na may mga dala pang tray ng kung ano mang pagkain ang laman. Si Trust na nagpaputok ng party popper. Si Winter at Sham na may dala pang mga lobo na winawagayway. Pareparehas silang malalaki ang ngiti na kumakanta.



Hindi ko inaasahan ang pagsulpot nila rito. Pero mas lalong hindi ko inaasahan na susurpresahin nila ako. Hindi naman ako sanay sa ganito. Never ko pang naranasan na magkaroon ng ganitong kasiyahan at surpresa sa tuwing birthday ko. Ngayon pa lang..



"Aykenat Bes! Ngalay na 'ko wala ka pa ring wish? Ano ba yan.Gusto mo ako na magwish? Lovelife, gusto mo?" Makulit s'yang humagikgik habang kapit kapit pa rin cake.

"Ayiiie!!" Almost all of them teased in unison, except from Blaze who's leaning on the wall while seriously watching us.


Wala akong choice kung hindi pagbigyan ang ang trip nila. Gusto nila yan eh. Kahit hindi ko trip, sasakyan ko na lang muna. Ayaw ko namang umakto na parang hindi ko na- appreciate itong ginagawa nila. Bago man sa pakiramdam, may parte sa'kin na..natouch ako. Sobra. Saglit kong sinulyapan si Blaze. Bagong karanasan..as long as mukhang masaya naman.



"Oy gago Axe! Nauna ka pa talagang mag-slice ng cake kaysa sa may birthday?" Puna ni Sham rito ng kapwa na kami lahat nakaupo na sa sofa. Mukhang anytime ay handa na nilang lantakan ang mga pagkaing dala nila.


"Bakit? Masama? Ako naman ang bumili nito ah? Kung tutuusin kami nga lang dapat ang kumain nito ni C.A. Wala naman kayong inambag para sa cake." Nakangusong reklamo ni Axle kay Sham.


"Kung ambagan din naman pala ang usapan, kanya kanya na lang pala tayo ng kain! Kung anong dala, yun ang kanya." Tila pabirong suggestion ni Dwayne.


"So paano ako? Nakakalat na sa sahig yung kakainin ko." Pokerface na sagot ni Trust na ikinatawa naman ng lahat.

"Lalo kami ni Winter. Anong mapapala namin sa hangin at lobo?"Tatawatawa namang sabi ni Sham.

"Hala. Sabi n'yo kasi lobo lang ang dalhin namin. Ibigsabihin ba nun wala kaming karapatang kumain?" Nagaalala namang sabi ni Winter na nakanguso na.



Sabay sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Winter. Kahit ako, hindi ko na rin napigilang matawa.


Kahit papaano..masaya naman pala.


"Napaghahalataan kayong mga kuripot. Hindi na kayo nahiya sa may birthday." Singit naman sa usapan ni Blaze ng umupo na rin ito sa tabi ni Axle.

"Ang mahalaga Tol may regalo. Ikaw nga nauna na rito pero wala kang bitbit kahit na ano." Pangaasar naman ni Axle sa kaibigan. Seryoso s'yang nagi-slice at nangununga na ngang kumain ng cake.

Rinig kong tumikhim si Ellie at ng sulyapan ko s'ya, malisyosa s'yang ngumisi sa'kin.


"Sinong nagsabing wala? Baka nga mas advance pa ang regalo n'yang si Blaze kay Bes eh." malisyosang pagkakasabi ni Ellie kaya agad ko s'yang sinamaan ng tingin.


Paniguradong ang tinutukoy n'ya ay ang pagpunta namin sa beach ni Blaze. S'ya lang naman ang sinabihan ko at s'ya lang ang bukod tanging nakakaalam ng tungkol doon. Kaso sa paraan ng pagkakangisi n'ya ay mukhang higit pa roon ang tumatakbo sa isip n'ya. Wala naman akong personal na sinabi sa kanya tungkol sa gabing yun. Maliban lang sa naglangoy kami ni Blaze. Maliban doon, wala na.


Excited nila akong sinabihang buksan isa isa ang mga regalo nilang dala pero tumanggi lang ako. Sa halip, sinabi ko na munang kumain na muna sila.



Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Lalong lalong hindi ko bubuksan ang mga regalo nila ng kaharap sila. Aaminin kong masyado akong mahiyain tungkol sa mga bagay na hindi ko naman nakakasanayang gawin lalo kapag napapalibutan ako ng maraming tao. Kahit nga ang pagsulpot nila dito sa araw na ito eh, hindi man lang pumasok sa isip ko. Kaya kahit papaano, andoon pa rin yung pakiramdam na naiilang ako at hindi ako sanay ng ganito.


Habang kumakain sila ay pinilit na rin nila akong pakainin. Ako daw ang birthday girl kaya bakit daw ako pa daw itong hindi kakain. Hindi na lang ako nagpapilit dahil baka humaba pa.



Simula ng ilibing si Mama at pumasok na ulit ako, hindi na sila nawalawala sa paningin ko. Maraming beses ko silang nakakasabay sa pagkain tuwing breaktime. Hindi naman ako ang sumasama sa kanila, sila ang kusang pumupunta at sumasalo kung saang table man ako nakaokupa.

Kahit nga hindi oras ng klase, makasalubong ko lang sila kung saan hindi pwedeng hindi nila ako ia-approach o kakausapin. Tanging si Trust lamang ang tipid kong nakakatanguan kapag nakakasalubong ko.



"Close pala kayo ni Avery Bes? May pinadala rin s'yang regalo para sa'yo." Sambit ni Ellie habang kumakain. Mukhang si Blaze lang naman ang nakarinig dahil nasa iisang sofa lang kami nakaupo. Habang ang iba naman ay busy na rin sa pagkukulitan at asaran habang kumakain.



"Ah, oo nga pala Candy Crush! Si Flent, pinapasabi rin palang Happy Birthday daw. May regalo rin s'yang pinadala sa'kin. Sabi n'ya sana daw magustuhan mo." Masiglang banggit naman ni Winter sa'kin.



Nadanggi ko si Blaze ng eksaherada akong sikuhin ni Ellie.


"Kailan ba ulit kayo nagkita ni Flent? Pagkatapos ba nung.."


Hindi na n'ya naituloy pa ang sasabihin dahil winarningan ko na agad s'ya ng tingin. Pasimple na lang s'yang uminom ng juice habang nakangisi pa rin.


"Close na rin ba kayo ni Flent?"

Bumaling ako sa tabi ko ng marinig kong nagtanong si Blaze. Akala ko nga hindi ako ang tinatanong nya, nakumpirma ko lang dahil nakatingin s'ya sa'kin ng seryoso.


"Hindi naman. Nagkakausap lang." Balewalang tugon ko saka uminom ng juice.

"Nagkakasama rin." Pabulong na singit ni Ellie na parang hinimigan pa n'ya.


Hindi ko na s'ya tinignan pa at umakto ng casual na parang wala akong narinig. Habang si Blaze naman ay biglang tumayo na at lumilat ng upo sa tabi nila Trust. Gumagalaw ang panga nitong sunod sunod na uminom ng juice sa hawak n'yang baso.


Maya maya pa ay nagpaalam si Axle na may kukunin lang daw na USB sa unit n'ya. Para daw mas masaya, mas maganda raw kung may malakas na music kaming papatugtugin habang kumakain. Narinig ko ring nagpapadeliver pa sila ng pagkain para daw sa panghapunan. Mukhang dito na talaga nila balak magpalipas ng oras at magpagabi. Feel at home lang naman kasi silang mga nanunuod sa Netflix sa malaking tv screen na narito. Habang ang ilan ay prenteng nakahilata sa sofa habang naglalaro ng mobile games. Para silang mga nasa sariling bahay kung umakto. Ganito ba talaga kapag may kasiyahan o kung ano pa mang tawag nila sa pagsasamasama ng ganito?


Pero kung sabagay, unit naman ito ni Blaze kung tutuusin. Wala akong karapatang magreklamo. Pabor na rin sa'kin kahit papapaano na narito sila. At least hindi ko kailangang gumastos ngayon para sa pagkain. Basta huwag lang talaga masyadong maingay, mabilis sumakit ang ulo ko kapag ganun.


Tanging si Winter lang ang naunang umalis dahil tinawagan s'ya ng Mommy n'ya para daw may ipagawa. Isang oras lang ang itinagal n'ya. Napapaisip na rin ako kung anong oras susunod 'tong mga 'to na umalis.


"C.A, may nagiwan ng regalo sa harap ng unit mo. From "C" ang nakalagay eh."


Bungad agad ni Axle pagkapasok sa pintuan habang dala dala ang isang may kalakihang paper bag. Pero bago pa man s'ya makalapit sa'kin ay may humiklas na nito mula sa kanya.


Walang sinabi si Axle ng higitin ni Blaze ang paper bag at usisain ang loob nito. Mukhang kagaya ko, nawierduhan rin sila sa inakto ni Blaze ng walang pasubali n'yang itiwarik ang paper bag para bumagsak ang laman nito sa isa pa n'yang kamay.


Lumitaw mula rito ang dalawang pares ng pulang tela na hindi ko aakalaing makita.


Narinig ko ang pagsinghap at gulat na reaksyon ni Sham. Habang pabulalas namang napasabi ng 'Aykenat' si Ellie.


Nagdilim ang mukha ni Blaze habang nakatingin sa hawak na papel kung saan may nakasulat kung kanino galing. Inagaw yun ni Axle para basahin.


"Can't wait to see you wearing this. Even at my first glance to you, I know it fits you well. Happy Birthday my lovely and sexy, Candid. See you soon."



Napaawang ang bibig ni Axle ng sulyapan ako. Ganoon rin ang mga kasama namin. Lumipad rin ang tingin sa'kin ni Blaze at para akong napapaso sa madilim na paninitig n'ya.


Bakit ganyan s'ya makatitig? Bakit parang ako pa ang mali?



"Yan yung stalker mo di'ba Bes? Yung kung ano anong pinapadalang regalo sa'yo?" Nagaalalang tanong ni Ellie sa'kin.


Hindi ako sumagot. Alam ko naman noong una, pangalawa at pangatlo pa lang na pagpapadala nitong si 'C' sa akin ng kung ano ano ay ramdam ko ng hindi yun dapat tanggapin. Lalo na kapag sumusulpot ang unregistered number nito sa inbox ko habang sinasabi o alam nito kung anong ginagawa o nasaan ako. Binalewala ko lang din noong una dahil hindi naman s'ya nagpapakilala at akala ko magsasawa rin pagkatapos.



"Sinong gago 'to C.A? Siraulo yun ah. Mabuti pa s'ya alam ang size-aray! Masakit yun ah?" Ininda ni Axle ang malakas na pambabatok sa kanya ni Sham.

"Dapat nirereport mo na yan Candid. Matagal ka na yatang may ganyang klaseng stalker or secret admirer di'ba?" Banggit na rin ni Sham sa'kin.


Napansin kong bumulong si Blaze kay Axle at seryoso ang mukha nito. Habang si Axle naman ay wala ring reaksyon na pagkatapos ay tumango. Kinuha ang cellphone n'ya sa bulsa saka aktong may tinatawagan kaya bahagya ng lumayo sa'min.

"This is serious, Candid. Wala ka ba talagang idea kung sino?" Tanong naman sa akin ni Dwayne. Umiling lang ako.

Walang ano ano ay itinapon ni Blaze sa basurahan ang box at set ng pulang lace lingerie maliban sa note nito.


"Magiingat ka Candid. Mukhang manyak pala yang stalker mo." Seryosong bilin ni Sham ng tignan ako.

Hindi ako umimik. Saglit rin silang nanahimik na parang hindi alam kung paano muling ililift up ang mood sa paligid.


"From now on, huwag na huwag ka ng tatanggap ng kahit anong bagay o regalo kahit na kanino." Tila pagbibilin ni Blaze sa'kin sa seryosong boses. "Hindi mo kilala kung sino yang 'C' na yan. Mamaya sinusundan ka na pala n'yan kahit saan at humahanap lang ng tyempo. Hindi ka pwedeng magkakampante."


Bahagya na lang akong tumango. Hindi ko rin kasi alam ang magiging reaksyon ko. Matanda na naman ako at kaya ko ng protektahan ang sarili ko. Hindi ko lang sila maderetso na masyado silang nagiisip.

"Hoy ano yan Sham? Bakit ka nagu-unfriend sa FB? Bitter ka sa mga yan?"

Tila nabura na agad sa isip nila ang nangyare kaya bumalik na rin sila sa kanikanilang ginagawa at usapan.


"Bakit ka nakikiisyoso? Anong bitter pinagsasasabi mo? Mga nakalandian ko yan. Malapit na kasi magtapos ang taon kaya new collection naman." Nakangising sabi naman ni Sham kay Axle.

"Lakas mo makasabi ng babaero ako eh ikaw nga lalakero. Landi landi. Akala ko ba tomboy ka?" nakangusong sabi ni Axle habang nguya ng nguya ng pagkain.


Tila hindi naman naoffend si Sham at tumawa lang ito.


"Malandi lang Axe, pero hindi nagboboyfriend. Never din ako nakipag-make out kagaya mo sa kung kanikanino kaya hindi tayo magkapareho."

"Proud ka pa n'yan?"



Seryosong sabi ni Trust kay Sham habang kay Sham lang din ito malamig na nakatingin.

Malokong tumikhim si Dwayne pero sa'kin lang s'ya bumaling para makipagusap. Hindi nagtagal ay panibagong pagtunog na naman ng doorbell ang nakapagpatahimik sa kanila. Si Blaze na ulit ang agad ang tumayo para dumeretso doon.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa bumabalik si Blaze. Wala rin naman kaming naririnig na naguusap. Tatayo na sana ako para silipin ng sumulpot na ito paliko pabalik sa sala pero hindi na s'ya nagiisa. Kasunuran n'ya ang isa pa sa mga pinakahuling taong inaasahan ko ritong magpunta.





"Zayn.." mahinang banggit ko sa tonong hindi ko talaga s'ya inaasahang makita.

"Happy Birthday."


Alanganin itong ngumiti bago iangat ang dala nyang paperbag. He hardly pursed his plumpy lips, tila nahihiya pa sa'kin.


"Salamat. Nagabala ka pa."


Tinanggap ko na lang dahil ayaw ko namang maging bastos sa kanya. Lalo na sa harap nitong sila.


Umuna ng bumalik sa sofa si Blaze at umupo na roon ng seryoso ang ekspresyon ng mukha. Aakalain mong nawala ito sa mood bigla. Sa pagkakaalam ko close rin nila itong si Zayn. Natatandaan ko pa noon sa Baguio noong muli kong maencounter itong si Zayn. Binantaan pa ako ni Blaze na huwag daw akong lalapit kahit isa sa mga kaibigan n'ya. Tingin kasi sa'kin oportunista o mapagkunwari. Sa tuwing malalaman n'yang may nakakausap ako sa isa sa mga Elites, iniisip na n'ya agad na yun ang paraan ko para mapalapit sa mga ito o may binabalak ako. 'Fishing' pa nga ang ginamit n'yang term noon. Samantalang s'ya naman itong humahatak sa'kin papalapit sa kanila.



"Uy, Zayn! Maupo ka kaya muna bago mo tunawin si Candid?" yaya ni Sham dito habang may mapaglarong ngisi sa labi.


Parehas kaming nagulat ng bahagya sa sinabi ni Sham kaya saglit kaming nagkatinginan. He awkwardly chuckled while stroking his hair. Lalong namumungay ang mga mata n'ya sa tuwing tumatawa.

"Maupo ka muna." Sabi ko rito at tumango naman s'ya bago humakbang papalapit kayla Sham.


Saglit kong sinundan ang galaw n'ya bago ako sumunod.


Sa Baguio, kung saan una ko s'yang nakilala bilang Zayn na isa sa mga Elites na kasama sa tour. Kaya pala naman ganoon ang pakiramdam ko unang kita ko pa lang sa kanya. Kaya naman pala pamilyar s'ya at pakiramdam ko na nahahati sa bigat at kaunting pagka-excite ang naramdaman ko noong makita ko s'ya. Yoon naman pala ay bahagi s'ya ng parte ng mga alaalang nakalimutan ko pansamantala. Natrigger lang iyon na bumalik noong mga panahong muntik na akong maghubad sa harapan ni Blaze para lang may mapatunayan sa kanya.

(Currently editing po ako. Marami akong iniiba sa mga unang chapter up to present. Nagdadagdag din po ako ng dialogue. Kaya sana huwag kayo malito.)



Sa totoo lang hindi ko nagustuhan kung bakit pa bumalik ang mga alaala na 'yun. Dahilan para muli na naman akong bumalik sa gamutan ko dahil gabi gabi na naman akong halos hindi makatulog. At sa mga pagkakataong nakikita ko s'ya, lalo lang akong nahihirapan. Imbis na tuluyang gumagaling, lalo pa atang lumalala. Para syang bintanang kapag nakikita ko, para ko na ring sinisilip ang bangungot na matagal ko na sanang ibinaon sa limot.



"Close pala kayo nitong si Candid?" Usisa ni Sham ng nagpabalikbalik sa amin ang tingin.


"Sa pagkakaalam ko hindi." Agad kong siniko si Ellie sa sinabi n'ya. "Dati oo." Parang nangaasar na dagdag pa nito ng sulyapan n'ya si Zayn.


Kasama nga pala sa mga naikwento ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Zayn. Kaya ngayon para akong nagsisising naisama ko pa yun.


Awkward lang na napangiti si Zayn sa sinabi ni Ellie. Hindi naman s'ya na-out of place dahil magkakaclose naman talaga sila kaya naguusap usap rin sila habang kumakain lang s'ya ng ice cream. Busog pa raw kasi s'ya kaya iyon lang ang tinikman n'ya. Napapansin ko nga lang na hindi sila masyadong nagiimikan ni Blaze. May nangyare kaya sa kanila?


Sa totoo lang, hinihintay ko lang na isa isa na silang maguwian. Pero nabigo ako sa isipin na yun ng magyaya si Axle na uminom daw kahit kaunti. Wala naman daw makakaalam at patago n'ya raw dadalhin ang mga light beverages na stock n'ya sa unit n'ya. Napa-oo na lang ako kahit ang totoo ay tutol ako.



Dito na nga silang lahat naghapunan, pagkatapos dito rin sila magiinuman. Kulang na lang dito na rin sila magsitulog at tumira.



Napakagandang impluwensya pala nila masyado kasama. Baka isang araw magulat na lang ako, manginginom na lang ang maging pangarap ko kapag matagal at lagi ko pa silang makasama.


Mabuti na lang talaga at hindi natuloy si Kurt na dumaan. Kung magkakataong malalaman n'ya na narito sila at may balak pang dito maginom, baka sermon na naman ang abutin ko sa kanya.


Ilang oras pa ang lumipas at hindi na rin ako nakaligtas sa pagtanggi ng paulit ulit. Unfair daw kung ako lang itong hindi iinom. Ako daw ang may birthday, kaya dapat lang na ako raw ang pinakamalalasing. Napangiwi na lang ako sa idea na yun. Naiimagine ko pa lang, baka may iba na naman akong gawin na muli kong pagsisihan.



Napuno ng masayang tawanan at asaran ang buong living room. Pansamantala, naramdaman ko yung sigla ng unit na 'to. Pansamantala, naranasan kong kahit papaano ay magkaroon ng isang 'grupo' na nagsamasama para sa'kin. Hindi dahil sa group project at hindi dahil sa pagpapatawag sa guidance office. Nagsamasama silang pumunta sa'kin para iparamdam sa'kin na may halaga ang araw na ito. Na hindi lang ito basta basta araw lang na binabalewala taon taon. Araw kung saan sila ang nageffort para ipaalala sa'king kahit dumaan ako sa isang malungkot na tagpo, kailangan ko pa ring harapin ang araw kung saan kahit sandali lang, pasayahin ko naman ang sarili ko. Araw kung saan narealize ko..na kahit papaano may halaga na ang existence ko sa ibang tao.

Hindi na ako nagpaalam ng tumayo ako para ikuha pa sila ng juice na maiinom. Nagkakatuwaan na rin kasi sila at nagsisimula ng magasaran dahil mga nakakainom na. Hindi naman hard liquor ang iniinom namin, panay ladies drinks lang kaya panatag naman akong hindi sila magkakalat ngayong gabi.



Habang nagsasalin ako sa pitcher na hawak ko ay may naramdaman akong presensya sa likuran ko. Agad naman akong pumihit paharap para makita kung sino.



"May kailangan ka?"


Straight face at casual akong nagtanong sa kanya.


Hindi s'ya agad sumagot habang deretsong deretso ang paninitig sa mga mata ko. Nakainom man o hindi, ang pupungay talaga ng mga mata n'ya. Akala mo lagi itong inaantok..o nagsusumamo. Akala mo kapag tumitig sa'yo, hihilahin na rin nito ang mga mata mong mapatitig roon ng matagal. Ganoong klase ng mata ang mayroon si Zayn. Para kang laging hinihipnotismo. Isa sa mga dahilan kung bakit ko s'ya nagustuhan noon..

(Pinalitan ko po portrayer ni Zayn)


"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ako nandito?" Seryoso na pagkakatanong n'ya.

"Kasi binati mo ako at binigyan ng regalo?" I raised my one eyebrow to him. Obvious naman siguro kung anong isasagot ko sa kanya.

"Napatawad..mo na ba 'ko?" He slowly asked, without breaking his stare at me.



Hindi ko alam ang isasagot sa tanong n'ya. Saglit ako noong pinatigil sa paghinga dahil muli kong inalala kung bakit nga ba iyon ang tanong n'ya.


"Hindi ko pa alam ang isasagot sa'yo Zayn." I honestly answered.

Tila lumambot ang expression ng mukha n'ya habang nakatitig sa'kin.


"Maiintindihan ko naman kung hindi pa sa ngayon. May hihilingin lang sana ako sa huling pagkakataon.." his voice slightly cracked. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang s'yang magpatuloy. "Sana naman..huwag mo na 'ko iwasan simula ngayon."


Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko sa sinabi n'ya. Parang..may kaunti roong kirot at galit na muling nagsama. Gustong sumabog, gustong huminga.



Hindi ko magawang iwasan ang mga titig n'ya. Kahit ramdam kong may pauntiunting lumalambot sa'kin, mas nangingibabaw pa rin ang sakit..at lungkot sa tuwing nakikita ko s'ya.

Akala ko nabura na. Akala ko alaala na lang ang natira. Pero mukhang hindi pa pala.


"Matagal ka na ring nawala di'ba? Matagal ka ng hindi nagpakita. Umuwi ka rito sa Laguna ng wala naman ako. Ngayong nandito na ulit ako, ako pa ang magaadjust para sa'yo?" Hindi makapaniwala at pagal na boses kong tanong sa kanya.


I can't believe it. Hindi ko akalaing muli kaming maguusap ng ganito at tungkol sa bagay na iyon. Medyo sariwa at kababalik pa lang ng masasakit na alaala kong may kinalaman sa kanya, tapos ngayon gusto n'yang umakto ako na parang wala na lang ang lahat ng iyon? Na parang hindi ako noon minsang sinira?



"Please..Candid.."



Akmang lalapit s'ya at hahawakan ako na para s'yang nagmamakaawa pero humakbang ako na para s'yang pinandidirian. Panandalian s'yang napatigil at nakita ko kung paano rumehistro ang kirot sa mga mata n'ya.



"Kung nandito ka para lang pilitin akong maging okay tayo, please umalis ka na lang."

Walang tingin tinging sabi ko sa kanya. Napalunok na lang ako dahil kahit papaano, nakokonsensya ako sa tinatrato ko sa kanya ngayon.


Pumihit akong muli para humarap sa fridge. Pilit pinapakalma ang sarili. Napansin kong hindi ko pa pala natatapos ang ginagawa ko.



Para akong nakahinga ng maluwag ng maramdaman kong humakbang na s'ya palayo. Saglit pang napakapit ako sa dulo ng sink para suportahan ang balanse ko.


Kung nagkataong nagtagal pa s'ya rito, malamang sa malamang ay baka sumabog na nga ako. Baka makalimutan kong ngayon ang kaarawan ko at iwan ko sila lahat dito.



Nang maramdaman kong okay na ako ay muli kong binuksan ang fridge para sana kunin ang juice na ipupuno ko pa sa pitcher na hawak ko. Pero bago ko pa man yun tuluyang mabuksan ng tuluyan ay isang kamay ang umuna sa'kin para mas buksan ito.


Ramdam ko ang masyadong malapit n'yang presensya sa likod ko kaya agad ko itong nilingon. Pero tanging pagtingala lang sa mukha n'ya ang nagawa ko pagkapihit ko dahil halos nakadikit na ang katawan n'ya sa likuran ko. Wala ng sapat na espasyo para makapihit ang buong katawan ko para harapin s'ya.



"Kasing laki ba ng drum ang pitcher para hindi mo mapunopuno?" Tanong n'ya sa'kin habang nakatungo s'ya sa'kin, tinataasan pa ako ng isa n'yang kilay.


Saglit akong napakurap na lang. Nanatili kami sa ganoong pwesto ng kusa na s'yang gumalaw para kunin ang juice na isasalin habang ang isang kamay rin n'ya ay hinawakan na ang kamay kong may hawak sa pitcher. Dahandahan at maingat doong isinalin ang juice. Hindi ko lang alam kung naramdaman n'yang napapitlag ako ng bahagya sa ginawa n'ya. Presensya pa nga lang ng katawan n'ya ang malapit sa katawan ko, nakakapaso na. Paano pa kaya ng hawakan n'ya ang kamay ko 'di ba?



Matapos na mapuno ang pitcher ay muli n'yang ibinalik ang lagyanan ng juice sa loob saka sinira ang pintuan ng fridge. Dahan dahan na akong pumihit paharap dahil nagkaroon na ng distansya sa pagitan naming dalawa. Para naman kasi akong tanga kung sa fridge pa rin ako haharap kahit nakasara na.


Hindi pa rin s'ya umaalis sa harapan ko. Hindi pa rin sapat ang distansya sa pagitan naming dalawa para makahinga ako ng maluwag. Iisa pa rin ang hanging nilalanghap naming dalawa kaya hindi pa rin ako makumportable.


"Kamusta naman ang reunion nyong dalawa?" Tanong n'ya habang matamang nakatitig sa mata ko.



Umawang saglit ang bibig ko para sumagot, na mabilis ko ulit naitikom dahil baka mamali ako ng isagot. Wala ako sa mood para asarin s'ya ngayon.


"Reunion? Mukha ba kaming masaya?" mapakla akong ngumisi sa kanya.


"Hindi ba? Nagreminisce lang?"


Kunot noo lang ang isinagot ko sa kanya. Ano bang pinupunto n'ya?

"Sabagay, bagay naman kayo. Nakikipagbalikan ba?" Tanong muli n'ya ng may hilaw na ngiti.


Nagsalubong na ang kilay ko sa tanong n'ya.


"Bakit naman s'ya makikipagbalikan kung hindi naman naging kami? Alam mo naman yun di'ba?"

"Ah, oo nga pala. Mali pala ang tanong ko." Kagat labi s'yang natawa bago saglit na bumaling sa ibang direksyon. Nasa magkabilang bulsa na n'ya ang kanyang mga kamay. "Nakikipaglandian ulit?" Muli n'yang sinalubong ang mga mata ko kasabay ng mabigat n'yang pagkakatanong.



Saglit na nagkaron ng pagitan ang ibaba at itaas na labi ko. Oo nga pala, minsang nagkalandian nga pala ang term na ginamit ko sa naging relasyon namin noon ni Zayn. Kaya wala ako sa lugar para ma-offend sa sinabi n'ya.


"Syempre hindi." Pagtanggi ko.


Huminga s'ya ng malalim habang hindi ako binibitawan ng tingin. Tila binabasa n'ya ako. Parang hindi pa sapat sa kanya ang isinagot ko.


"Humihingi lang ng tawad."


Saglit akong napalabi. Hindi ko naman kailangang sabihin sa kanya kung tutuusin pero traydor ang labi kong kusang sinasabi iyon. Na parang mali kapag hindi ko iyon sinabi sa kanya.


"Pinatawad mo ba?" tanong n'ya muli.


Naguguluhan akong nakatingin pa rin sa kanya. Para hindi na humaba pa, sinagot ko na lang kaysa tanungin ko rin s'ya kung bakit n'ya inuusisa.

"Hindi pa ako handa."

Umiwas na ako ng tingin. Hindi ako kumportableng pinaguusapan namin si Zayn. Lalo na ang dahilan ng paguusap namin kanina.


"Bakit? Bitter ka pa?" Muli na naman n'yang tanong kaya bahagya na akong nainis. Natawa s'ya ng mapakla ng makita ang reaksyon ko sa tanong n'ya. "Para tuloy gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina na hayaan mong lumapit yung mga taong nakaka- appreciate sa'yo."


Naningkit na ang mata ko sa pagtitig sa kanya. Bakit masyadyo s'yang matanong? Hindi naman n'ya kailangan pang malaman ang mga tungkol sa'min ni Zayn. Wala naman s'yang kinalaman doon.


"Kung may problema ka sa kanya, huwag ako ang tinatanong mo."


Hahakbang na sana ako para makaalis sa pwesto ng harangin n'ya ang pitcher na hawak ko na para n'yang aagawin kaya may natapon ritong kaunti. Parehas kaming medyo nagulat dahil doon. Sinamaan ko naman s'ya agad ng tingin.


"Gumalaw ka kasi agad. Ako na sana ang magdadala." Apela n'ya agad.


"Sana sinabi mo agad." Umirap ako sa kanya.

"Hindi ko naman kasalanang palagi kang napapareact sa twing nagdadampi tayong ang dalawa."



Maloko s'yang ngumisi na parang pailalim n'yang sinipat ang reaksyon ko habang kinukuha na n'ya rin ang pitcher na hawak ko. Muli akong napapitlag dahil doon.


"See?" He chuckled. Parang naaamuse s'ya sa nakikita n'ya ngayon sa'kin.



Pakiramdam ko pinapamulahan na ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Ang kapal ng Apoy na ito para ipamukha sa'kin ang obvious na bagay na hindi naman kailangang sabihin pa. Ramdam at nakikita na ngang conscious ang tao, inaasar pa.



"Stop making fun of me, Dalton. Parati ka na lang ding nagrereact sa bawat kilos ko."


"That's why I kissed you back." Matamis s'yang ngumisi habang nakatitig sa reaksyon ko.


That statement let my mouth hang open. It caught me off guard. Para akong natuyuan bigla ng laway at hindi ko na mapailawanag ang ekspresyon ng mukha ko sa sinabi n'ya. Hindi malaman ng mga mata ko kung saan titingin o babaling.





Para bang..hinuli n'ya lang ako sa salita.








"See? You remember the night you initiate first the kiss with me. You kissed me first..that night, Alessia." He proclaimed with a mischievous smile on his face before leaving me busted and dumfounded at the kitchen.






You know I'm taken, so be ready by the taste of your own lethal action.”







And the last words he left was confusing. Instead of disappointment look, he just gave me a playful smile. A kind of teasing smile that can trigger something within me that I haven't been sure yet..and still denial with it.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 3.8K 55
Isang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lah...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
846K 33.2K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
8.8K 479 12
Lahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nanga...