9

19 11 0
                                    


Dali-daling tumakbo papalapit si Miss Queenie. Natataranta niyang hinawakan ang ulo at katawan ko. May mga empleyado din na lumapit sa amin. May narinig akong panay sabi ng sorry sa akin. Nakita ko din si Carlo na nasa tabi ko.

"You okay?", Carlo asked. Nakita kong nag-aalala talaga siya.

I nod at dahan-dahang tumayo habang inaalayan ako ni Miss Queenie at Carlo. I assured them that I'm okay. Hindi naman talaga masakit ang pagkakatama ng bola sa akin. I just lost balance and that's it. They want to accompany me to the clinic, pero I refused. There's no use of going there, isa pa hindi naman tinamaan ang ulo ko. Miss Queenie suggested na I should rest muna sa room ko, in which pumayag naman ako.

Sinamahan niya ako papuntang room, pati si Carlo ay sumama rin. When we got inside the room, I thanked them and told Miss Queenie not to inform my dad about what happened. I thought aalis din si Carlo pagkaalis ni Miss Queenie, but he stayed there for awhile.

"Are you sure you're okay?", he asked while his eyes examined my shoulders. "Tsk! Lagot sila kay Tito mamaya", asar niya.

"Dont you dare tell my dad", I warned him. "And please, can you leave me? Kung aasarin mo ako, hindi ka nakakatulong."

"What if ayaw ko? Pinagbilin ka ni Tito sa akin. I just can't leave you after what happened", he insisted.

Tumalikod na lang ako and searched my phone and charged it. Na-empty battery na pala.

"Dalawa lang kayo ng kapatid mo diba? What's his name again? Saan ka ba nag-aaral?" Sunod-sunod ang mga tanong niya.

"Ang dami mo namang tanong. Pwede is-isa lang?", sabi ko sa kanya.

"Sorry", he apologized. "I heard about Tito's second family pero first time kitang nakita at nakilala. How old are you?", he added.

"16", tipid kong sagot.

"Ah, I see. Ang layo pala ng agwat mo kay Maica."

Kilala niya si ate Maica, so close pala siya sa first family ni dad. Binalikan ko ang phone ko and opened it. Nagulat ako nang makita kong 10 missed calls from Zeke. May mga text messages din galing sa kanya at kay Olly, pati na rin kay yaya Ines, na nangangamusta lang.

"I'll check on you mamayang lunchtime." Nakita niya siguro na I was busy scrolling on my phone. I glanced at him as he went outside of the room. Nakaluwag ako ng kaunti. I replied to Olly and Zeke, and called yaya Ines. I need to check on my brother. Right after namin mag-usap ni Iggy, tumawag si Zeke. He wanted to know what happened last night, kasi daw hindi na ako tumawag or sumagot man lang sa mga tawag niya. I explained to him what happened last night and told him about his cousin Carlo, but I didn't tell him what happened earlier today. While I was still talking, he interrupted me with a question.

"Kasama mo ba siya kanina nung hindi kita macontact?", his voice seemed serious.

"I forgot my phone kasi kanina late na akong nagising", paliwang ko.

Isang seryosong 'Okay' lang ang sinagot niya. Then pinutol na niya ang conversation namin. He said he'd call again later. Nagtataka ako why all of a sudden nag-iba ang boses niya. It seemed cold.

Carlo indeed went back to my room at inaya niya akong maglunch. Pumunta kami sa coffee shop at kumain. Medyo may pagkamakulit itong si Carlo. Mabait din naman siya, kaso ang hilig mang-asar. Hindi yata appropriate sa age niya ang ugali niya, kahit magkasing-edad lang sila ni Zeke. While Zeke is more formal and serious, si Carlo naman ay bungisngis. Medyo mas defined lang ang jawline ni Zeke, pero mas chinito naman si Carlo. Laging tanong nang tanong ng kung ano-ano. After lunch, we had a quick trip to some tourist spots in Tagaytay together with the employees. Si Carlo ang naging tour guide namin. Magiliw siyang tao, at sanay na sanay siyang makipaghalubilo sa iba. Mga bandang 5:30 in the afternoon na kami nakabalik sa resort, and everybody's exhausted. I went back to my room to change clothes kasi kanina halos maligo ako sa pawis.

We were eating dinner when my phone rang. It was Zeke calling. I excused myself and went outside the hall to answer his call.

"What are you doing now Andi?", he asked. Serious pa rin ang tono ng boses niya.

"I'm having my dinner. Ikaw, kumain ka na ba?", I asked him back.

"Hindi pa since lunch.", he answered.

"Ano? Bakit?", nag-aalalang tanong ko. "Kumain ka na please", I pleaded.

"Mamaya na siguro pag naka-." May biglang kumuha ng cell phone ko. Lumingon ako kung sino yon. Kinuha ni Carlo!

"Teka, Carlo!! Akin na ang phone ko!" , sigaw ko.

Tinaas niya ang kamay niyang may hawak ng phone. Hindi ko ito maabot. Ang tangkad din kasi niya.

"Kumain ka muna. Kaya ka natumba kanina kasi masyado kang payat. Sa susunod niyan, mahihimatay ka na talaga", sermon niya.

Ibinalik niya kaagad ang phone ko at bumalik na sa hall. Naiwan ako sa labas. I checked my phone. Naputol na ang tawag. Nakakainis talaga itong si Carlo, pero kinakabahan din ako kasi baka nalaman niya kung sino ang kausap ko. I dialed Zeke's number, pero out of coverage na ang phone niya.

Pagkatapos ng dinner ay sinimulan nang ayusin ng resort staff ang pool area. Uwian na kasi bukas, kaya they decided to have a liquor party. Ilang beses ko na ring tinatawagan si Zeke pero laging out of coverage ang phone. Baka nawalan ng signal doon sa area niya. Everybody was having a great time. May mga naligo sa pool, may iba rin na naglalaro ng billiards at ang iba ay nagkukwentuhan habang umiinom. Masaya ko silang pinapanood. Ganito siguro kapag may trabaho ka na. Work and enjoy. Parang gusto ko na rin tumanda kaagad kagaya nila.

I was imagining what would I look like after I graduate from college when Carlo interrupted me.

"Penny for your thoughts?", sabi niya habang inioffer niya ang isang canned pineapple juice. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.

"Yan munang inumin mo, may gatas ka pa kasi sa labi", asar niya.

"Eh bakit ikaw yan din ang iniinom mo?", tanong ko sabay turo sa canned juice na iniinom niya. "May gatas ka rin ba sa labi?", dagdag ko pa.

Bigla siyang humalakhak ng malakas. Kahit ang pagtawa niya, nakakaasar. Lakas maka-bully.

"Two years na akong hindi umiinom ng alak", he said. "Kaya ngayon lang ako gagraduate kasi lagi akong umiinom dati."

Malapit nang mag 12 midnight pero energetic pa rin ng mga tao dito sa pool area. Hindi na rin namin namalayan ni Carlo ang oras. Grabe kasi siya magkwento, parang hindi nauubusan ng stories. Nagkukwento rin ako sa kanya, pero hindi tulad nung kay Zeke. Napansin ni Carlo na inaantok na ako kaya naman sinamahan na niya ako pabalik ng room ko.

"Oi Andrea, 6am bukas ha", paalala niya. I answered him with a nod and with eyes closed. Nagpupumilit kasi itong si Carlo na panoorin namin ang sunrise doon sa kabilang resort. Ewan ko ba bakit napunta ang topic namin kanina about sunrise. Hindi na masyadong gumagana ang utak ko dahil sa antok.

Pumasok na ako ng room at inilock ang pinto. Iniisip ko pa kung matutulog na lang o magtotoothbrush muna. But I decide to choose the latter. Pupunta na sana ako ng banyo para magtoothbrush nang may kumatok sa pinto. Napabuntong hininga ako. Ano na naman kaya ang sasabihin ni Carlo? Hindi pa ba siya pagod kakakwento ng kung ano-ano?

"Hoy Carlo, gusto ko nang matulog", naiiritang sabi ko habang binubuksan ang pinto. Nagulat at nawala ang antok ko nang makita ko mismo ang isang taong hindi ko inaasahang makita. I even blinked twice just to make sure sa nakita ko. Zeke was standing at the door, seriously looking at me.

"Z-Zeke?! Di ba nasa Cebu-", hindi ko na natapos ang tanong ko dahil bigla nalang siyang pumasok ng room ko at inilock ang pinto.

Always YouKde žijí příběhy. Začni objevovat