29

18 6 1
                                    


I still have a few more days but I decided to go back to Japan. Kinausap ko si mom tungkol dito, at kahit na hindi siya nagkomento ay bakas sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon sa desisyon nila kuya. Ayaw din ni Iggy na bumalik pa ako ng Pilipinas, but grandpa thinks otherwise. He encouraged me to take the responsibility and give it a try. Sabi pa niya, tutulungan ko ‘yung mga empleyado ng kumpanya, gaya nang pagtulong nila sa amin noon at hanggang ngayon.


I also talked to my boss, at kagaya nila, hindi rin niya matanggap ang desisyon ko. Though, he is my close friend, boss ko pa rin siya. Nakakahiya kung magle-leave ako kung kelan ko gusto, so I decided to make a proposition. I will invest in his company in exchange of my resignation. I told him that I will be staying in the Philippines for a year, and when everything’s okay, I’ll go back in Japan.


I only stayed a few days before heading back to the Philippines. Hinatid nila ako rito sa airport at hindi pa rin ako kinakausap ni mom. I saw Iggy’s disappointed face, but still I hugged and told him that I’ll be back soon. I also hugged grandpa, who was very happy with my decision.

Tiningnan ko si mom and when I didn’t hear any word from her, tumalikod na ako. Alam kong ayaw na ayaw na niyang bumalik pa ako sa buhay nila dad. But what can I do? Pamilya ko pa rin sila, kapatid ko pa rin sila ate at kuya. At kahit na hindi na kami nag-uusap ni dad, ang nakaraan ay nakaraan. We’ve moved on, at ginagawa ko ito dahil na rin sa mga taong umaasa sa aming pamilya. Isang taon lang naman, pagkatapos, babalik din ako.


“Kapag hindi mo na kaya, bumalik ka rito. Maghihintay lang kami.”

Lumingon ako nang marinig ko ang boses ni mom. I went back and hugged her. Umiiyak na naman ako.


“Just don’t make things complicated Andrea. Malaki ka na, alam mo na kung ano ang tama at mali”, she said while wiping my tears. I know what she means, at lagi kong iisipin iyon.


***

Hindi ako makapaniwala when kuya toured me inside this condo unit. Kakabili lang nito last week, but it was already fully furnished. He told me na nakapangalan ito sa kumpanya, at dito ako titira habang ako ang nakaupo sa posisyon na iniwan ni ate. Modern and minimalist ang theme nito, halos kapareho ng apartment ko sa Tokyo. From the white walls down to the wooden floor, and to the area where the condo is located, I know that this unit is quite expensive.


He offered me to use his car, and again, I declined. Ayokong ma-stress dito dahil masyadong traffic sa metro. I can use the taxi, mas convenient pa.


The following day, sinundo ako ni kuya sa condo para sabay na kaming pumunta ng office. There will be another meeting to finalize the decision from the board. We are here at the conference room waiting for Zeke and the other shareholders. ‘Yung lalaking napagkamalan akong secretary ay nandoon din. Naiilang ako sa mga tingin niya kaya I arched my eyebrow when I caught him looking at me.


Bumukas ang pinto at nakita ko si Zeke na may kasamang babae. Iba ‘yung magandang babae na nakita ko sa burol. Dalawa ang girlfriend niya?  I suddenly felt uneasy. She greeted everyone, with her wide smile plastered on her face. I suddenly remembered Tricia.


Naisip kong girlfriend niya ito at isa rin sa mga shareholders ng company, pero bakit hindi ko siya nakita sa last board meeting? I felt a pang of jealousy at the thought pero hindi ako pumunta rito para sa kanila, nandito ako para sa kapakanan ng kompanya at para sa mga kapatid ko.


The meeting started and half of them didn’t agree that I will take charge of the position. I’m still young and inexperienced, and there are highly qualified employees or shareholders that is fitted in that position. Nakikinig lang ako sa kanila, observing their actions and their personalities. Ang babae na kasama ni Zeke kanina ay si Joanne, anak ni Mr. Enrico Lopez, ang isa sa mga shareholders ng company. But she’s not a shareholder. Anong ginagawa niya rito? Isa ba siyang palamuti?

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon