44

5 2 0
                                    


Kababalik ko lang ng office after namin pumunta ni Dennis sa restaurant. Nakipag-usap din kasi kami kay Mr. Casejo, isa sa mga board members para kumbinsihin siya na huwag muna niyang i-withdraw ang kanyang investment sa kompanya. We offered him something na hindi niya kayang tanggihan, and it’s a win-win situation for both parties. If Mr. Lopez wanted to screw things up, then hindi ko siya aatrasan.

Pumasok ako ng office at nagpahinga muna saglit. I’ve been quite exhausted these past few days. I wanted to be occupied with workloads, nang sa ganoon malilimutan ko pansamantala ang problema ko kay Zeke, pati na rin sa pamilya ko.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ng sinabi ni kuya Tony. Alam ko na ngayon ang lahat, well at least kahit papaano ay naliwanagan ako sa nangyari. Zeke may have an ulterior motive against dad, pero hindi niya pinabayaan si kuya Tony noong nagka-scandal ito. May kirot pa rin sa puso ko habang sinasabi ni kuya ang nangyari kay Zeke noon. Kaya hindi ko rin masisisi si Zeke kung nagkaroon man ito ng utang na loob kay Mr. Lopez.

I lazily removed my shoes at humiga sa couch. Mabuti na lang talaga at may couch dito sa office. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako at nagising na lang sa boses ni Amy. It’s already 6 in the evening at medyo nagugutom na rin ako.

“Sorry po, Miss Wong. Hindi na po kita ginising kanina. Mahimbing po kasi ang tulog mo”, paliwanag niya.

I smiled at her and told her to go home first. Aayusin ko lang ang sarili ko at uuwi na rin.

Hinihintay namin ngayon ang pagbukas ng elevator. Kasama ko ang dalawang bagong bodyguards that kuya hired for me. At nang bumukas iyon, nakita ko si Zeke sa loob, kasama ng isa niyang bodyguard.

Bumati naman ang mga kasama ko kina Zeke, ngunit hindi kami pumasok ng elevator. Hinayaan namin silang mauna pababa, at susunod na lang kami.

This has been the first time na nakita ko ulit siya after how many days, or weeks, well, I honestly lost my count. Hindi rin kasi kami nag-uusap sa text o sa tawag man lang.

Alam kong galit pa rin siya sa akin. Malaki na rin ang nagbago sa hitsura niya. I felt that he became more distant and cold.

Napalunok ako sa mga tingin niya sa akin habang dahang-dahan sumasara ang pinto ng elevator. Nakahinga lang ako ng maluwag nang hindi ko na siya nakita. Kinapa ko ang dibdib ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako, pero gusto ko ulit siyang makita.

Kinabukasan ay late na akong pumasok sa office. Hindi rin kasi ako nakatulog ng mabuti kagabi. Iniisip ko si Zeke, at gusto ko siyang makausap nang masinsinan. Plano ko sanang gawin iyon this weekend, pero naisip ko, mas mabuti ng maaga. We need to fix this asap.

Inayos ko muna ang aking sarili bago pumasok ng office niya. Sabi kasi ni Phil, vacant ang boss niya ngayon. So here I am, waiting for Phil’s cue para pumasok ako sa loob.

I saw him sitting on his chair, reading something on a folder, and not even glancing at me. I cleared my throat for him to know my presence, and thankfully, lumingon siya.

Hindi ko alam kung bakit ang saya ko ngayon na nakita ulit siya. Parang nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang mga mata niya na nakatingin din sa akin.

“What do you want?”

It was a crisp and cold tone. Nagulat ako sa inasal niya.

“I, uhm, I wanted to talk to you”, I said nervously.

“Go on, I don’t have much time today.”

Hindi ako makapagsalita ng maayos. Nawawalan ako ng boses ngayon. Parang gusto kong umiyak at magwala, pero nasasaktan ako.

Is he really mad at me? For what I've said before? Dapat nga ako itong magtatampo sa kanya. He didn't even bother to call me noong inambush ang sasakyan niya.

I can see his labored breathing as he glanced away and looked back at the folder he’s holding.

Pero nangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. At hindi ko kaya na ganito kami.

“Zeke, I—I’m sorry”, I said.

I could feel tears on my eyes kaya yumuko ako.

There was silence. He didn’t say anything. Instead, I heard him filing up some papers, and when I glanced back at him, he really nonchalantly arranged some of it on his desk as if he heard nothing.

Sakto naman at may tumawag sa telepono. Tiningnan niya pa ako bago sumagot.

“Let her in.”  I heard him said.

At nagulat ako nang tumambad si Joanne papasok ng office. I gave Zeke a questioning look, but he didn’t even mind me at all. He even offered Joanne to sit on the couch, samantalang ako, nakatayo lang.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, galit ba o hinanakit. I stared at Joanne, and remembered what Dennis told me about her dad at sa lahat ng ginawa niya kay kuya at sa akin. Then, I started to feel anger towards her.

“May meeting pa kami ni Joanne, so please if you may excuse us”, he told me seriously.

Para akong sinampal ng ilang beses, at nakita ko ang pagngisi ng babaeng ito sa akin.

Bago ako lumabas, lakas- loob ko siyang sinagot.

Always YouWhere stories live. Discover now