5

30 12 0
                                    

Habang tinitingan ko si yaya Ines na naghahanda ng almusal namin, hindi ko mapigilang isipin ang nangyari a week ago. Pagkatapos kasi ng nangyari, hindi na siya tumawag o nagtext ulit. I already saved his number, Kuya Zeke ang name niya sa contacts ko. Ayoko rin namang magtext o tumawag sa kanya. Baka ano pa ang sasabihin niya.

"Andi, pina enroll ng daddy mo si Iggy sa basketball summer sport", sabi ni yaya Ines habang nilalagyan niya ng orange juice ang baso ko.

Tiningnan ko si Iggy na nasa harapan ko.

"Gusto mo bang sumali sa basketball?", I asked.

"Hmm, oo. Kasama ko kasi si Mark at Jim kaya okay lang", he answered.

Hindi na ako nagtanong pa. Basta kasama niya ang mga kaibigan niya, okay na ako doon. Hindi ko naman pinagbabawal ang kapatid ko. Kung saan siya masaya, doon ako.

"Ikaw Andi, magsasummer class ka ba?", tanong ni yaya Ines.

"Ayoko yaya, dito lang ako sa bahay", sagot ko.

Hindi talaga ako interested sa mga summer classes. Napilitan lang talaga ako last year kasi gusto ni Olly na magenroll kami sa piano class. Nalaman kasi niya na andoon din yung senior schoolmate namin na crush na crush niya. Kahit alam namin mag-piano, sumali pa rin kami. I was really uneasy when we had the recital, first time ko kasing magperform infront of many people. Pero dahil andyan naman si Olly, kinaya ko.

Since this summer ay magbabakasyon sila Olly sa Baguio, naisip kong dito nalang sa bahay at magpinta. Hindi kasi ako masyadong nakakapagpaint these days, kaya babawi ako this summer. I was about to go back to my room when Dad arrived and called me. He wants me to accompany him in his office today. He said that since I'm not busy this summer, might as well help him and get familiarize in his company.

I can't say no to Dad. Kahit labag sa loob ko, I have to obey him. Dali-dali akong naligo at nag-ayos. I am wearing a royal blue colar shirt paired with jeans and white sneakers. Hindi ko muna itinali ang buhok ko kasi basa pa. Nilagay ko nalang ang scrunchie ko sa aking sling bag.

Dad owns a construction company - the Polaris Steelworks, Inc. Ang alam ko isa itong malaking company. Isa kasi ito sa mga partners ng malalaking land developer in the Philippines. Si kuya Tony, ang anak niya sa unang asawa, ay isa rin sa nag mamay-ari ng company. Iyon lang ang alam ko, first time kasing nagpasama si Dad sa workplace niya. I thought na parang sa factory kami pupunta pero hindi pala. We went to the business district ng downtown area. Nalula ako kung gaano kalaki ang building na pinasukan namin. Ganito ba kami kayaman? Pinagtitinginan kami ng mga tao, at halos lahat ng tao doon ay nag good morning kay Dad. Pumasok kami sa elevator and dad pushed the 15th floor button. "Sa 15th foor pala ang office ni Dad" , I said to myself. Nagtataka din ako sa totoong motive bakit ako isinama ni Dad.

Lumabas kami ng elevator at dumaan kami sa may hallway sa bandang kanan. Bakit kaya walang mga empleyado? Nagtataka ako bakit ang tahimik ng paligid. Before binuksan ni Dad ang isang pinto, he said to me, "Andrea, just sit down and listen to the meeting. You willl accompany me from now on."

I just nod and didn't say anything. Pagkabukas ng pinto ay di ko talaga maiwasang mamangha at magulat. Conference room pala ito at hindi office ni Dad, tsaka may mga nakaupo na mga lalaki in their business attire. Lahat sila nakatingin sa amin. Isang malaking oval-shaped table ang nasa gitna ng room, may malaking projector sa bandang kaliwa at coffee and dessert table malapit sa pintuan. Pinakilala ako ni Dad. Lahat naman sila bumati sa akin. Nailang lang ako ng konti kasi masyado silang formal.

Pinaupo ako ni Dad sa may corner malapit sa dessert table. "Feel free to eat if you're hungry", he said while pointing at the desserts.

Umupo si Dad at nakikipag-usap sa mga katabi niya. Maya't maya may pumasok ng room. Nakita ko si kuya Tony at isa pang lalaking nakasunod sa kanya, pagkatapos may pumasok ulit ng room at nagulat ako ng makita ko si Zeke! Naka formal attire din sya katulad nila Dad. His hair is neatly combed, malayung-malayo sa unruly hair niya before, and his attire really exudes masculinity- from his white long sleeve shirt paired with dark blue pants down to the chestnut colored sleek shoes. Ang nakatawag pansin sa akin ay yung neckctie nya na color royal blue, kaparehas ng color ng shirt ko.

Umupo sya sa tabi ni kuya Tony at may ibinulong kaya naman napatingin sa akin si kuya. Kuya Tony slightly nod at me and I smiled a bit. Hindi naman kami close ni kuya but whenever we see each other ay he acknowledges me naman. Then I looked at Zeke na nakatingin din sa akin. There is something on he way he looks at me. Para akong namemesmerized sa mga titig nya. Naiilang ako pero hindi ko naman iniaalis ang titig ko sa kanya. Parang siyang magnet na hinihila ako papalapit sa kanya. Nakaka-anxious pero bakit parang gusto ko.

Naputol lang ang titigan namin nang tumayo si Dad at nagsalita. I lowered my gaze and looked at the presentation instead as the meeting starts.

Always YouWhere stories live. Discover now