3

29 13 0
                                    


Nang makarating ako ng bahay, I rush to the kitchen and put the cake inside the ref. Uminom kaagad ako ng tubig. Hiningal talaga ako kanina. Ang weird lang kasi sa pagkakasabi niya na 'see you later'. Ano yun? Hindi ko maintindihan. Parang stalker. I cringed to that thought. Pero mukha naman siyang mabait. I can sense na sincere na man yung Zeke noong sinabi niyang he doesn't mean harm. Kaya lang kasi, I don't really talk to people and make friends easily. Introvert lang. Kakaunti lang na mga tao ang pinapapasok ko sa buhay ko. Since my parents separated, I lost my self-esteem. I don't easily trust people. I'm always afraid of getting hurt and rejected. I always have this big wall as my defense. Pero kung gaano ako ka-doubtful sa sarili ko ay siya namang kabaliktaran na pinapakita ko sa kapatid ko. I want him to see me as a strong sister who will always protect him no matter what.

"Andi, magdidinner daw kayo ng daddy niyo sa labas mamaya. Susunduin raw niya kayo ng 6pm", sabi ni yaya Ines. May inabot syang paper bag sa akin. Nang buksan ko, isang pastel pink na chiffon dress ang laman. "Isuot mo raw yan mamaya sa dinner sabi ng daddy mo", aniya.

We went inside the hotel kung saan nagpareserve si Dad ng table. The reserved table was on the corner part of the restaurant, but maganda yung location since it was overlooking the city. Ang ganda ng city view kapag gabi. First time namin makapunta ni Iggy dito sa hotel, since kakaopen lang nito three months ago. Umupo na kami at si Dad na mismo ang umorder ng pagkain.

While waiting for our food, Dad's phone rang and he immediately answered it. He excused himself and went outside. A few minutes later, he came back pero may kasama na siya. I was surprised to see a familiar woman. When they reached our table dad introduced her to us.

"Greet your Tita Stella", dad commanded.

"Good evening po", sagot namin pareho ni Iggy.

"Anton, she looks good on that dress. Perfect yung pagkakapili ko", she said. I noticed that there's something odd the way she looks at Dad. "Happy birthday, Andrea. Ako ang bumili niyan. Bagay sa'yo. Thank you for wearing it. Do you like the dress?", she asked.

I don't want to be rude so I just nod shyly and said, "Thank you po Tita."

There's something awkward the way Tita Stella looks at me. She seems to be very attentive while talking to Dad, but doesn't make an eye contact to me when talking. She's very welcoming to Iggy pero sa akin, parang may coldness. I just brushed off the thought of it. Baka feeling ko lang.

I stiffened when I heard Tita Stella said na kasama niya ang anak nya. Nataranta ako bigla. So totoo pala yung sinabi niyang 'see you later'. Inayos ko ang buhok ko and tumikhim. I excused myself and went to the restroom. Medyo may kalayuan ang restroom ng restaurant. Nang makapsok ako tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ok naman ang mukha ko ngayon. Kinuha ko ang pressed powder ko sa sling bag. Habang inaayos ko ang sarili ko, napaisip ako.

"Teka nga bakit ako nagpapaganda?", sabi ko sa sarili ko. Bakit nga ba? Kasi andito si Zeke? Pero bakit ako masyadong affected sa kanya? Siguro gusto ko siya. Hindi naman maitatanggi na gwapo siya. Crush ko na siya? Pero hindi ko siya ganoon kakilala. Pero bakit ang lakas ng kaba sa dibdib ko? Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si dad and I answered it.

"Andrea, asan ka na?" tanong ni dad.

"Pabalik na po ako sa resto dad", sagot ko.

Huminga ako ng malalim. This is it! I'm going to see him. Should I smile or not? Ah bahala na! Come what may!

Nagmamadali akong lumabas ng restroom. Medyo nalito ako pabalik ng restaurant. Binilisan ko ang lakad ko. Ayaw kasi ni dad na naghihintay ng matagal. Habang abala ako sa kakahanap sa resto ay biglang may nabundol akong tao. Hindi ko kasi namalayan ang hallway sa bandang kanan. I lost balance pero mabilis niyang nahawakan ang baywang ko bago pa ako tuluyang mahulog sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang marealise ko kung sino yung nakabangga ko at nakahawak ngayon sa baywang ko. Si Zeke! Nakita kong nagulat din siya. Pero mabilis nag-iba ang hitsura niya nang magtama ang mga mata namin.

Always YouWhere stories live. Discover now