19

15 4 1
                                    


I am now eating breakfast with dad and Iggy. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kagabi. Right after Zeke went out of the house, dad went inside my room and confiscated my phone. I couldn't say anything at umiyak nalang. He already knows about our relationship, and he's disappointed about it. I couldn't reason out, kasi alam kong kahit anong dahilan pa ang sasabihin ko, in the end, mali pa rin talaga ang ginawa ko.


"Ayokong makarinig na nagkikita pa kayo ni Zeke. Habang maaga pa, itigil niyo na 'yang relasyon ninyo!"


Pinipigilan kong huwag umiyak pero hindi na kaya ng mga mata ko ang mga luha na lumalabas. Dad may seem to be very casual when talking to people, but how he delivers his words are different.


"Hatid-sundo ka na ng driver at hindi ka lalabas ng bahay ng walang kasama." His words were crisp and cold.


He finished his coffee and went out. Doon na ako bumigay at tuluyan ng umiyak. Hinahagod ni yaya Ines ang likod ko, at mas lalo akong napaiyak. I wanted to know anong pinag-usapan nila ni Zeke kagabi. Kaya ba ako grounded kasi nalaman niya ang relasyon namin? Bakit ayaw niya kay Zeke? Maganda naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa noon, and they seem to be getting along very well. What happened?


"Sasabihan ko ang mommy mo Andrea", yaya Ines reassured me.

Pero ayokong malaman ni mom. Mas magiging complicated ang lahat. Mas magiging magulo.


"Yaya, huwag na nating i-inform si mom. Ayokong malaman niya. Mas lalong gugulo lang po."


I looked at Iggy na nakatingin din sa akin. He didn't say a word and just continued eating.




Mabuti na lang at sembreak namin ngayon. Since grounded naman ako, itinuon ko na lang ang oras kong magpinta. This kept me busy for four days now. Nasa loob lang ako ng kwarto at tahimik na nagpipinta ng kung ano-ano. May mga panahon na bigla na lang tutulo ang mga luha ko. Masyadong mahigpit si dad. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito ka higpit. Bantay-sirado din 'yong phone ni Iggy. He even hired a new helper just to watch over me. Kaya ayokong lumabas ng kwarto, lagi kasing nakabuntot sa akin saan man ako pumunta. Nakakapanibago ang magkroon ng bagong kasama dito sa bahay. Nasanay na kasi kami ni Iggy na kami lang tatlo dito---ako, si Iggy at yaya Ines. Iggy seemed to be uncomfortable with what's happening around, and it's all my fault.


I missed Zeke. Kapag naiisip ko siya, umiiyak ulit ako. Minsan naiisip kong tumakas at puntahan siya. Pero alam kong hindi pwede. Sana pumayag ako sa sinabi niya last time---to elope with him. Iniisip ko kung anong gagawin ko once I finished my studies. Aalis ako sa puder ni dad, at isasama ko sina Iggy at yaya. Tatakas kami at sasama kay Zeke. Iyon ang gagawin ko.


Kahit ang pumunta sa bahay nila Olly ay hindi ako pinayagan. Hindi ko rin siya makausap dahil wala na akong phone at bawal kong gamitin ang landline sa bahay. So I guess, I have to wait until matapos ang sembreak.


I was about to go out of my room to get some sandwich when Iggy entered my room. He sat at the edge of the bed, while I'm sitting the floor with my paint colors scattered.


"Ate, are you okay?", he asked.


"I'm okay Iggy", I smiled a bit. "Pasensya ka na sa akin ha. Pati ikaw nadamay."


"Boyfriend mo ba talaga si kuya Zeke?"

I looked at him and smiled a bit. Papaano ko ba sasabihin kay Iggy ang nararamdaman ko ngayon? Maiintindihan kaya niya ako?


I told Iggy to sit beside me on the floor.

"Magagalit ka ba sa akin kung sasabihin kong boyfriend ko siya?"


"Hindi naman. Pero mas gusto ko si kuya Carlo para sa iyo."


Natawa na lang ako. Mabuti pa itong kapatid ko, understanding. Pero si Carlo talaga?


"Hindi na man siya ang gusto ko eh. At isa pa, mabait si Zeke."



***

"Nandiyan na ang sundo ko Olly."

Hindi pa man natatapos ang klase ko ay nasa tapat na ng school ang sundo ko. Sinadya talaga ni dad na bahay at school lang ang routine ko. I already told Olly about what happened. She was sorry kasi dapat ay sila ang maghahatid, kaya lang, nakiusap daw si Zeke kay kuya Paolo na siya ang maghahatid sa akin pauwi. Alam daw ng kuya niya na may relasyon kami.

I can see that it made Olly worried about me, but I reassured her that everything's fine, kailangan ko lang talaga makausap si Zeke. She came up with a plan para makapag-usap kami. She suggested na gagamitin ko ang phone niya every break time or lunch time para tawagan si Zeke. Pumayag na man ako. I borrowed Olly's phone and called Zeke noong lunch time kanina.

I felt relieved hearing his voice, at hindi ko napigilang umiyak. He told me that we have to stay like this for the meantime, while he's thinking of another plan kung papaano kami magkikita. As of now, I have to be contented of this kind of set-up.


"Bukas ulit Andi," Olly hugged me.

"Don't worry, tutulungan ka namin ni kuya", she whispered.


I thanked her. Thank God that I have a bestfriend like her. The driver greeted me at hinatid na niya ako sa bahay. Pagpasok ko sa living room, nakita ko si dad at Iggy, na naka-uniform pa. Hinihintay yata nila ako. Dad told me to sit down dahil may sasabihin daw siyang importante.


"I've made some arrangements with your mom", panimula niya. "You'll be spending your Christmas break in Japan."


Wala kaming imik ni Iggy. Hindi naman sa ayaw kong makasama si mom, pero himala lang na nag-uusap silang dalawa. Mom would never talk to dad, and if they do, they just end up fighting over the phone.


"Sasama ba si yaya Ines?", Iggy asked.


"Kayo lang dalawa ang pupunta", dad replied.


"Hindi kami pupunta kung hindi kasama si yaya", I said without looking at dad. Yaya Ines is part of the family para sa amin ni Iggy, at dapat siyang sumama sa amin.


"Kayong dalawa lang ang pupunta and that's final!" Dad stood up and his angry voice echoed inside the room.


Kapag sumisigaw na si dad ay tatahimik na kami ni Iggy dahil sa takot. But this time, wala akong naramdaman kundi galit at hinanakit. Para kaming laruan ni Iggy na ipapahiram kung kelan gusto. I remembered noong umalis si mom, halos hindi namin mapatahan si Iggy sa kakaiyak. Pilit tinutulak ni mom si Iggy papalayo sa kanya, at sabay sabi na kay dad muna kami. Si dad, on the otherhand, ay hindi naman kami binibisita noong mga panahon na iyon. He was always out of the country at that time. It was a bitter past that I'll always remember. At sa tuwing naaalala ko iyon, it would just fuel the anger I had for them.

Always YouWhere stories live. Discover now