16

14 5 0
                                    


The intramurals was a success. Unfortunately, hindi ang unit team namin ang naging overall champion. Pero okay na rin iyon. The event was memorable though. After announcing the winners, magkakaroon ng celebration ang school mamayang gabi, ang The Musical Night, the anticipated event before our sembreak begins. It is not just a competition for singing and dancing, but also it will showcase the talents of each department.

Andito kami ni Olly sa backstage para tumulong kay Raine. This day has been the busiest of all the days during the intramurals. Bilib din ako sa leadership ni Raine, lahat nakikinig sa kanya. At kahit utos siya ng utos sa amin ni Olly, full support pa rin kami. Nag-eenjoy din naman kasi kami ni Olly.

Habang abala ang lahat sa pakikinig sa music contest, nakaupo lang din kami dito nila Raine at Olly, kasama ng iba pang officers ng Student Council. We are arranging the roses na gagamitin namin mamaya sa disco party.

"Anong oras ba tayo matatapos dito? Excited na ako sa disco party mamaya sa gym", Olly asked. She couldn't contain her excitement.

"7 pm. Then 8 pm ang start ng disco party mamaya", sagot naman ni Raine.

"Mag-aayos pa tayo. May dala kang extra clothes?", tinanong niya ako.

"Extra shirt lang ang dala ko Olly", I answered.

"Ano? So you mean you're going to wear the same pants mamaya sa disco party?", gulat na tanong niya.

"Eh hindi naman kami katulad mo na halos dala-dala yung buong closet sa bag." Everyone laughed at Raine's comment.

Napatingin kami sa pinto nang pumasok si Andrew at tumitili.

"Girls! Girls! Good news! May pogi sa labas!"

Napatingin kami sa kanya at nagtaka. Sino na naman bang nakita ni Andrew at mukahng kilig na kilig siya?

"Oy Andrew", paalala ni Olly. "Last time na tumili ka akala namin kung sinong gwapo na yung nakita mo eh hindi pala. Huwag mo kaming lolokohin!"

"This is for real na talaga!" Andrew defended himself. "At tsaka alam ko ang difference ng pangit at gwapo. At yung taong iyon, gwapo."

Nakikinig lang ako sa conversation nila. Parang alarm clock si Andrew kung makakita ng pogi. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga roses na nasa harapan ko. Kelangan din kasi ang mga ito dahil may isang oras na lang kami para i-decorate ang stage mamaya.

"Anong year?" Narinig kong may nagtanong.

"Hindi siya student eh kasi naka-business attire. Kausap nga niya si Sir Montes kanina. Feeling ko student siya dito before", Andrew responded.



Malapit nang mag-8pm at patapos na rin kami sa stage. Isa-isa na ring pumapasok ang mga students pati na ang teachers sa gymnasium. May mga malalaking disco balls na naka-attached sa corners ng gym, at iyon lang ang mga ilaw na makikita sa court. Hindi kasi kami pinayagan na i-design sa ceiling ang mga ito. The stage also have dim lights para mas magkaroon ng disco feeling ang lugar. Sa totoo lang halos hindi ko talaga makikilala ang mga tao not unless harap-harapan mo silang makita. Sinadya talaga na madilim at kaunting lights lang ang pinailaw.

Nagsimula na ang sayawan at tugtugan at lahat ay nag-eenjoy. Nakabihis na din kami ni Olly. Andito kami sa entrance ng gym para gabayan ang mga estudyante at bigyan sila ng disco pass. Raine has been very busy and we need to help her, kahit na gusto nang mag-enjoy at sumayaw itong si Olly.

"Pumasok na kayo sa loob at mag-enjoy", sabi sa amin ni Miss Reyes, ang SC Moderator ng school. "Kami na ang bahala dito."

Nagpasalamat kami at hinatak ni Olly ang mga kamay namin ni Raine papasok ng gym. Mukhang excited talaga itong si Olly. Nakita namin ang mga classmates namin sa isang sulok, at sumali kami sa kanila. Lahat kami ay napaindak sa music na ipinapatugtog ng disc jockey. Nakakapagod din palang tumawa habang sumasayaw. Kaya naman I decided to buy bottled water sa canteen sa labas ng gym.

Always YouWhere stories live. Discover now