Chapter 17.

19K 130 9
                                    

"Girl, dapat maganda ka today! This is your special day!" Kiray.

"Tama! Don't worry, since nandito kaming tatlo, hindi ka namin papabayaan." Julia.

"Kaming bahala sa'yo!" Yen.

Grabe 'tong mga kaibigan ko. Mas excited pa ata sa akin. Nandito na kasi sila sa bahay eh. At take note, 6am pa lang. Nag-usap daw kasi silang tatlo na pumunta dito ng maaga para nga dun sa mangyayari mamaya.

"Mas excited pa kayo sa akin ah!" sabi ko.

"Naman! Because today, we are going to witness a very special moment of our friend! At dahil sabi mo nga, invited kami dun. Aba! Syempre, papahuli ba kami? No!" maarta pang pagkakasabi ni Kiray.

"Teka nga pala Kath, kung moment niyo yun. Bakit pati kami kasama?" tanong naman ni Yen. Sumang-ayon naman yung dalawa.

"Ewan ko nga rin eh. Sabi ni Dan sa akin, pati yung barkada niya nandun. Gusto daw niya kasi, kasama ang buong barkada sa mangyayari mamaya."

"Wow Kath, sobrang espesyal naman yata nung mamaya at kailangan ma-witness pa namin!" Julia.

"Hayyyy. Alam niyo girls, super excited na ako. Ayokong mag-expect, pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Yung kahapon, ibang iba eh. Para bang may pahiwatig na siya. Imagine, pinaghahandaan niya talaga." sabi ko sabay yakap sa stuffed toy na ibinigay sa akin ni Dan noon pa.

"Kung sa bagay, if I were in your place, malamang ganyan din mararamdaman ko. Haynako girl, mamaya ang moment mo! At dahil alam naming mahal mo ang bestfriend mo, susuportahan ka namin dyan." Julia.

Nag-nod naman yung dalawa at nag-group hug pa kami.

"Thank you talaga!" sabi ko.

--

2pm.

Pinagligo na nila ako. At ngayon inaayusan na nila ako. Hindi naman totally yung bongga.  Super simple lang. Enough para magmukha akong presentable mamaya. Plinantsa nga lang nila yung buhok ko at nilagyan ng cute na clip eh. Gusto ko rin na ganito, mas simple lang. Alam kong yun ang gusto ni Dan eh.

"Girl, you look so beautiful! Match na match sa dress! Galing din ng bff mong pumili huh!" sabi ni Kiray na pumalakpak pa.

"Nako Kathryn Valdez. Lalong maiinlove si Daniel sa'yo niyan." Yen.

"Perfect!" Julia.

Nagpasalamat na naman ako sa kanila. I looked at myself in the mirror. At masasabi kong today is my day. I look beautiful, at sana, magustuhan yun ni Daniel. Pinaghandaan ko rin 'to cos I want this day to be really special.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now