Chapter 29.

20.1K 151 18
                                    

Sorry ngayon lang yung UD nito. Hahaha! Sorry talaga lalong lalo na kay @immaribelpadua! Huhuhu. Nag-promise kasi ako sa kanya na maguUD ako nung araw na naka-chat ko siya.

Thank you sa mga comments sa last chapter. Hahaha!

Thank you for reading! :)

____________________________________________________

IIang araw na kaming hindi nag-uusap ni Daniel matapos ang away namin. Siya na mismo yung umiiwas. Kapag lumalapit ako, lumalayo siya. Kapag magkasama naman ang buong barkada, oo hindi siya umaalis, pero masakit sa akin kasi, AKO lang ang hindi niya kinakausap.

Kaya nga dinadaan ko na lang sa picture ang lahat eh. Para may dahilan naman para lumingon siya sa akin. :(

Tuwing isisigaw ko yung salitang... "Picture picture!", lahat titingin at kanya kanya ng pose! Kaya nga ang saya maging photographer e. Pero alam niyo yung masaklap? Kapag ako kasama sa picture, lalayo din siya. :(

Gabi gabi ko na ngang iniiyakan yan eh. Galit talaga siya sa akin. KUNG ALAM LANG NIYA... Hayyy!

"Uyy! Ano na? Pupunta tayo dito, tapos dededmahin mo lang ako."

Natauhan ako ng may magsalita. Kasama ko nga pala si Katsumi. Nagpasama kasi ako dito sa rooftop. Wala, magpapahangin lang.

"Sorry Kats ha? Nakukulitan ka na ba sa'kin? Pasensya na kung ikaw yung lagi kong nahahatak. Eh ikaw lang naman kasi yung nandyan eh.."

"Ay nako si Madam, nagdrama na naman po! Ano ka ba, ilang beses ko bang uulitin sa'yo, okay lang. Pareho ko kayong kaibigan ni Daniel. Pero sa nangyayari kasi ngayon, alam kong mas kailangan mo ng tulong."

Napangiti ako sa sinabi ni Kats. Nakakatuwa kasi 'tong taong 'to. Alam niya kung kailan siya magseseryoso.

"Nag-usap na ba ulit kayo?" tanong niya. Nawala ang mga ngiti ko. Napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi pa nga e. Lagi naman siyang umiiwas eh. Sa bahay naman, ni hindi ako hinaharap. Lagi na lang sasabihin sa akin ni JC na, busy daw ang kuya niya."

"Alam mo Kath, minsan pumahinga ka muna sa kakasuyo sa kanya. Mahirap suyuin ang ayaw magpasuyo." sabi naman ni Kats.

"Kats, hindi na biro 'to eh. Maling paniwalaan niya pa yung babaeng yun! Una sa lahat, umpisa pa lang, nanloko na siya, tapos ngayong sila na, inulit niya pa. Hindi na ako papayag na basta na lang niyang paiikutin si Dan sa mga kamay niya!"

"Dapat kasi pinakita mo na yung nakunan mo dati eh."

Napayuko ako. "Kung ginawa ko yun, magagalit lang siya. Iisipin niya na hinahanapan ko ng mali si Jane para hindi na niya ituloy yung panliligaw niya and the fact na alam niyang ayaw ko dun sa hitad na yun."

"Edi magalit siya sa'yo kung gusto niya. Hindi ka dapat makonsensya. Ginawa mo lang ang dapat. Tanga lang siyang babae siya at nagpahuli siya sa'yo. "

Nagsisisi tuloy ako ngayon. Bakit ba kasi napakaduwag ko?

Katsumi tapped my shoulder.

"Cheer up Kath! Hindi pa huli ang lahat. Walang sikretong hindi nabubunyag." pagco-comfort niya.

Saglit pa kaming nag-stay don hanggang sa bumalik na kami sa classroom para sa susunod naming klase.

Nung nasa corridor kami, wala, more more chika lang kami ni Katsumi. Tawanan habang kumukuha kami ng mga pictures ng kung anong makita namin. Remember, partners kami sa school photography? Hahaha! Actually, yan ang lagi naming excuse kapag hinahatak ko si Katsumi tuwing mage-emote ako.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now