Chapter 54.

22K 277 86
                                    

I'm back! And it's good to be back. =))

Bitin yung vacation with my fam. Huhuhu. Gusto ko pa sana mag-stay sa probinsya kaya lang baka abutin na kami ng bagyo at malapit na rin pasukan.

Oh well... Hindi ko alam kung gagana powers ko ngayon. Bahala na. =))

Sisimulan ko yung bago kong story, siguro pag patapos na 'tong MMR saka yung FILWYS... Masyado akong na-excite pinost ko kaagad. Lol.

Anyways... Hi imbeatriztabanguil! This one's for yah!

Enjoy everyone! :)

_________________________________________________

KATH's POV

Wala na halos klase, lahat nagpa-practice, nagre-rehearse, nagpe-prepare para sa darating na Intramurals.

Aiiish. Ayoko talaga sumali dyan sa pageant na yan. -.-

Una, first time ko. Matatalo lang section namin niyan eh, at pangalawa, I really don't think na kaya ko. Biglaan nga oh, sa isang iglap, biglang.. POOF, ako na yung representative!

Haay, nakakainis. Tapos... Tapos...

"Ayaw mo ba akong kapartner para sa pageant?"

Nagulat ako sa biglang kumausap sa akin, at paglingon ko, walang kaexpre-expression ang mukha niya. Halata mo pang malungkot. Sino pa ang kapartner ko sa pageant diba? Siya lang naman.

"Hi-hindi naman sa--"

"Okay lang kung ayaw mo. Sasabihin ko na lang kay Ms. Vargas na palitan ako." tapos naglakad na siya papunta kay Ms. V na busy rin sa table nya. Ako naman, naiwang tulala.

Hindi ko kasi inaasahan na ganun yung approach niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Aiiishh.

"Ms. Vargas, pwede po bang palitan niyo na lang ako? Hindi ko po kayang sumali sa pageant." rinig kong sabi niya kay Ms.

"Bakit Daniel? Alam mo bang tuwang tuwa ako dahil nasa klase kita? Aba, hindi mo ba alam na inggit na inggit ang ibang advisers dahil gusto ikaw ang gawing representative sa klase nila? Gwapo ka, at alam kong may talent ka. May problema ba?"

Pasimple akong tumingin sa pag-uusap nila. Halata sa itsura ni Ms. yung concern kung bakit umaayaw si Dan. Kasalanan ko ata. Huhubells. Eeh kasi eh, parang hindi ko pa kayang makasama ulit siya?

Ang pakipot ko ba? :((

"W-wala naman po."

"Oh, wala naman pala eeh. Alam mo, praning ka lang. Todo support nga mga kaklase niyo sa'yo oh. Sa inyo ni Kath. Saka, hindi ka ba masaya na kapartner mo yung bestfriend mo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hininhintay ko ang sagot niya. Halatang hindi siya makasagot.

Nakaka-guilty naman. Yun pala yung nararamdaman niya. Hindi naman ganun ang intensyon ko ehh. Sadyang, hindi ko pa talaga kaya.

"Kasi po Ms--"

"Sorry Daniel ha, hindi kita mapagbibigyan ngayon. Wag kang magalala, hindi ka naman namin pababayaan eh. For sure, tutulungan ka rin ni Kath. Kaya nga kayo partners diba? Walang iiwan sa'yo sa ere. Oh sige na, at pupunta pa ako sa faculty."

"Sige po." yun lang yung tanging nasagot niya. Agad akong tumalikod nung makita ko siyang papalapit ulit sa akin.

"Ah, Kat... Sorry ha, hindi pumayag si Ms. eh.."

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon