Chapter 52.

22.1K 279 86
                                    

Hi friends! Sorry sa medyo matagal kong pagkawala. Dumating kasi si mudrakels kaya GHOHOL muna. Lol. Hahahaha!

And... super thank you sa pag-support ng story ko. Hahahaha!

Grabe, ang daming affected. Yung iba, kulang na lang sa akin magalit. Hahahah! Binabasa ko kasi lahat ng mga comments niyo eeh. And swear, yung iba, gusto kong madedicate-an kasi super relate, tapos yung iba naman eh nararanasan din yata ang ganitong story. Hihihi.

Thank you po sa lahat ng natuwa, kinilig, nainis, nagalit and all.

Hi BelleAce! This one's for you! Thank you sa message mo. :">

ENJOY :""""">

______________________________________________________

KATH's POV

"Bakit mo ginawa yun?"

Sa wakas, may nagsalita na rin.

"Eh yun naman ang gusto niyang marinig diba? Kaya pala. Kaya pala lagi na lang big deal sa kanya yung pagsama ko sa'yo kasi iba ang iniisip niya tungkol sa'ting dalawa."

"Alam ko."

This time, napatigil ako sa pag-gamot sa sugat niya at tiningnan lang siya.

"Care to explain, Katsumi?"

"Psssh. Madam, alam mo yang bestfriend mo, parang pako lang yan. Hindi mababaon hangga't hindi pinupukpok! Kath, hayaan mo na muna siya, pwede? Napakagulo pa ng utak non. Saka... Panindigan mo muna yung sinabi mo sa kanya kanina."

Napatigil ako. Psssh. Ang dami kong sinabi. :( Ehh, dala lang naman yun ng galit ko kanina e. Paano naman kasi diba? Sasaktan niya si Katsumi eh wala namang ginagawa yung tao.

"Mali ba yung ginawa ko?" tanong ko.

Inakbayan niya ako at niyugyog pa. "Ayan ka na naman e. Iniisip mo na naman yung nararamdaman niya. Pwede ba Madam, ngayon sarili mo muna? Matatauhan din yun, magtiwala ka lang!"

Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. "Sana nga.." tapos tinuloy ko na ang pag-gamot sa mukha niyang nasuntok ni Daniel. Hayy nako lang. Nandito kasi kami sa bahay. Nahiya naman ako kay Kats dahil sa ginawa ng manhid kong bestfriend.

"Pasensya na talaga ha?"

"Wala ka namang kasalanan no. Walang may kasalanan." Ang bait talaga nitong taong 'to eh no? Bakit ba kasi hindi na lang sa tulad ni Katsumi ako nainlove? Bakit ba kasi mahal na mahal ko pa ring yung bestfriend ko na sagad-sagaran ang pagkamanhid?

Katsumi, bakit nga ba hindi na lang ikaw?

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now