Chapter 43.

21.8K 230 61
                                    

Dahil love ko kayo... :)

________________________________________________________

KATH's POV

 

O.O  > Pareho naming reaction after that... Uhhh, kiss.

Ang cute niyaaa. Shet lang. Kung pwede ko lang siyang kunan ng picture na ganyan ang itsura e, ginawa ko na!

Tumayo na ako agad. Feeling ko kasi, nanigas kami pareho ng dahil sa nangyari. Baka isipin niya, masyado na akong nage-enjoy umupo sa lap niya.

"Ah--ehh.. K-kain na tayo Dan. Sigurado ako may niluto na si Mama. Tara!" sabay ayos sa sarili ko. Dumiretso na ako sa may pintuan at nilingon ulit siya bago lumabas...

Pero... Tama ba yung nakita ko?

Hawak niya yung labi niya and he just... smirked?

OMG. Ano 'tong nararamdaman ko?? Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. O/////o

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Susunod naman yun e.

"Oh nak, si Dan? Tawagin mo na at kakain na."

 

"Ate, ayos ka lang? Mukha kang lutang... Siguro..."

 

"Aiiish! Carl tumigil ka nga! Nananahimik yung tao eh. Epal lang, epal??" Kairita 'tong kapatid ko. Kita na ngang hindi pa ako nakaka-move on sa nangyari kanina, manggugulo pa!

"Yiiieeeeehhh! Si Ate! Siguro, hinalikan ka niya no?" pabulong pa nitong pangaasar sa akin. And it all came back to me. Huwaaaa. Feeling ko namumula na naman ako. T.T

Hindi niya ako hinalikan Carl. Ako! Ako ang humalik sa kanya, wrong sent nga lang. Hahahaha!

"Bwiseeet! Manahimik ka nga! Leche." sabi ko.

"Nag-away na naman kayong dalawa dyan. Carl, tawagin mo na nga yung Kuya Daniel mo para sabay sabay na tayo. Dali." sabi ni Mama.

"Opo Ma, sandali." tapos nagtatakbo na siya paakyat.

Maya-maya lang... Bumaba na rin sila, nagtatawanan pa. Tumingin lang ako sa kanila saglit tapos tinuon ko na ang atensyon ko sa pagkain.

Alam ko sa akin tatabi si Daniel. Sus, yung kapatid ko pa! Alam niya namang may gusto ako sa bestfriend ko.

"Wow Tita! Paborito namin ni Kat-kat 'to ah! Mapapalaban tayo niyan! Hahahaha!" nagulat na lang ako ng bigla siyang nag-react ng ganyan. Ehhh.. Oo, niluto ni Mama yung paborito namin ni Dan. Spaghetti na ma-sauce. Hahahaha! Weird ba namin? Eh sa gusto namin yan pareho eh.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon