Chapter 6.

20.1K 127 13
                                    

Uwian na, at magkasama kami ni Daniel ngayon. Lagi naman kaming magkasabay umuwi e, maliban lang kung ihahatid niya si Jane. Kung alam lang niya ang baho nung babaeng yun!

May isa pa akong problema eh. Kung paano ko sasabihin sa kanya na niloloko lang siya nung babaeng yun.



Tiningnan ko siya habang naglalakad kami, ang saya niya. -_____- Nakakainis. Nakakainis dahil alam kong hindi naman ako yung dahilan.



"Alam mo Dan, malapit ko na makita bagang mo sa lapad ng ngiti mo." panunukso ko.



"Loko ka talaga Kat! Hahaha! Masaya lang ako. Sobrang saya." Don't you dare say the bastard's name! >.<



"Ahh, bakit, malungkot ka ba dati?" Ano ba 'tong pinagtatatanong ko. :(



Inakbayan niya ako at tumingin sa akin, nilapit pa yung mukha niya. O////////O Ayan na naman siya eeh. Tuwing ganyan ang mga moves niya feeling ko bibigay ako. Nawawala lahat ng BV ko.



"Baliw baliw ka talaga Kat-Kat no? Syempre masaya, kasama kita eh." eeeeeeeee! What is kilig! Okay good vibes na tayo mga sister!



"Talaga? Eh anong meron ngayon? Bakit mas masaya ka, wala naman tayong ginawang kalokohan ngayon aa?" tanong ko.



"Kat-Kat, mas masaya lang ako ngayon dahil sa kanya." Ahhh.



A-ano?! Sa kanya? </////////////////3



"Huh?" patay malisya.



"Si Jane." T.T Daniel ang sakit.



"Ahhh. Bakit, kayo na ba?" tanong ko. Say NO please! *crossed fingers*



"Hindi pa, pero malapit na siguro." THE WAY NA SINASABI MO SA AKIN YAN, MASAKIT!! :(((



Nakaakbay pa rin siya sa akin, at yung mga nadadaan namin, pinagbubulungan kami. Narinig ko pang sinabi nung isa, ang sweet daw namin. Hayyy. Sana nga ako na lang eh. Kaso hindi.



"Dan-Dan, sure ka na ba sa kanya? P-paano kung n-niloloko ka lang pala niya?"



"Kat, sure na ako. Saka, pano niya ako lolokohin, eh hindi naman siya nagsisinungaling sa'kin saka kita mo naman alagang-alaga ako diba?" Ganito ba talaga pag-in love?



"Eh. What if nalaman mong niloloko ka lang niya? What if lang naman." tanong ko ulit.



Napaisip siya bigla. Nag-iisip na isasagot niya, sabay buntong hininga. "Hindi ko alam, magpapakamatay ako."


O.O Ano daw?? Ganun niya kamahal yung babaeng yun? Kinabahan ako. Hindi ko alam kung exagg lang siya masyado para sabihin yun, pero kinabahan ako. Never ko pa siya nakitang nasaktan dahil ngayon lang naman nanligaw yan. Alam ko rin na malakas ang self-confidence niya dahil maraming nagkakagusto sa kanya. Yun nga lang, swertihan na lang sa kung sino liligawan niya.



"Grabe? Pakamatay talaga? Hahaha!" pagbibiro ko, pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko, at the same time, ang lungkot na nararamdaman ko.



"Ewan siguro. Mahal ko talaga eh." at parang nadaanan ng 10-wheeler truck ang puso ko.


"N-nakz n-naman Dan-Dan!" at nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi.



Pagkapasok ko sa bahay, nagmano lang ako kay Mama at dumiretso na sa kwarto. Humiga ako sa kama at nag-isip.



Ang dami nang nagbabago. Unti-unti na akong napapalitan sa puso ni Daniel. Pati atensyon niya, sa iba na napupunta. Minsan, nakakainis pa dahil minsan na nga lang kami magsama ng matagal, pero ang topic naman namin, puro na lang si Jane! Hayyy.. Unti-unti na rin akong nasasaktan, pero para kay Daniel, gagawin ko, mapasaya lang siya.



--


Kinabukasan...



Papasok na ako sa school, paglabas ko ng gate, nakita ko ang Mama ni Dan-Dan. Lumapit ako para batiin siya.



"Good morning po Tita! Si Dan-Dan po?"


"Uy Kath, ikaw pala. Si Daniel? Umalis na kanina pa. Ang aga nga e. Akala ko magkasabay kayo, sabi niya kailangan daw maaga kayo sa school. Pinagalitan ko nga 'tong si JC eh, late din." sabay labas ni JC sa bahay.



"Uy Kath! Ikaw pala! Diba wala namang meron sa school ngayon? Si Mama kasi pinagalitan pa ako, eh wala naman talaga." Anong meron? :O



"Ahh, ganon po ba. Hehehe. S-sige po Tita, sabay na lang po kami ni JC. Medyo na-late lang po ako ng gising. Kaya po ngayon lang din ako makakaalis. "



"Anong late sinasabi mo Kath? Ang aga pa oh!" JC



"JC, late na nga tayo. Halika naaaa!" pinandilatan ko siya ng mata at hinila siya.



Hayy, anong meron ngayon Dan? Pasalamat ka pinagtakpan kita sa Mama mo. Sana naman wag mo akong bwisitin ngayong araw na 'to.



"Ano bang meron? Wala namang activity sa school ngayon diba?" JC.


"Wala nga." sagot ko.



"Oh, eh bakit naman ganun ka kay Mama kanina? Tsss. Napagalitan tuloy ako." JC.



"Kuya mo?" seryoso kong tanong.



"Ewan ko ba dun. Maaga daw umalis."



Naglalakad na kami paakyat sa room, pero ang ingay sa corridor. Anong meron?



Nang makarating na kami sa may room, dun namin nalaman na sa room pala namin ang maingay. Ang aga pa ah? Parang ang dami na agad tao. At dahil curious na ako, nagmadali akong sumilip. Si JC naman, humiwalay na sa'kin.



"Anong meron?" tanong ko sa girl classmate ko na nakasilip lang sa may pinto.



"Eeee! Nakakakilig lang kasi oh. Tingnan mo si Daniel, may surprise para kay Jane!"


Tiningnan ko naman yung tinuro ng kaklase ko, may boquet of flowers sa upuan ni Jane, at si Dan? Ayun, nasa unahan, may flatfrom kasi dun eh, naka-upo siya sa isang bangko, at may hawak na gitara.



"Andyan na ba?" tanong ni Dan dun sa iba naming mga kaklase.



"Wala pa eh." sagot naman sa kanya. Nandun na rin sina Seth, Lester at Katsumi nakatayo lang at nakatingin, halata kong nagulat din sa ginawa ni Dan. In short, effort lahat 'to ni Daniel. Hindi naman kasi alam ni JC eh.  Ni hindi niya yata ako napansin na dumating na rin ako. Ano na naman ba 'to Daniel? :(



Maya-maya.. "Guys andyan naaa!" sigaw nung classmate ko na kilig na kilig na sa mangyayari. Habang ako, nakatayo lang sa may pintuan at nakasilip.



Pumasok si Jane ng classroom, medyo nabunggo pa nga niya ako eh. Tiningnan ko ang reaksyon ni Daniel, at bigla na lang siya napangiti. Si Jane naman, tssss. Nagulat effect pa! Nakakaasar.



Umupo si Jane sa upuan niya at hawak hawak ang boquet na binigay sa kanya ni Daniel.



"Jane, ang ganda mo talaga." Dan. Maganda din naman ako diba? :(



"Ayiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeehh!" sigawan ng mga kaklase ko.



"Para sa'yo." Daniel. Sabay tugtog ng gitara niya.



Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin



Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, ang alam ko lang, nasasaktan na ako. Kung noon, nabibwisit lang ako sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanya, ngayon hindi na. Mas masakit pala kapag si Dan na mismo ang gumagawa nun sa iba. Parang dinudurog yung puso ko.



Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...



Daniel, bakit ganon? Hindi mo nararamdaman sa'kin yung pagmamahal na higit pa sa kaibigan... Ni minsan ba hindi mo ako napansin? Nandito lang naman ako lagi sa tabi mo ah? Araw-araw akong umaasa Daniel, na sana ako naman ang makita mo..

"Girl? What's happeni-- oww.." narinig kong tanong ni Kiray, pero natigilan din sila sa nangyayari ngayon.



Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya



Nararamdaman kong papatak na ang luha ko anytime, pero pinipilit kong wag umiyak. Ang sakit sakit. Pero ito naman gusto ko diba? Ang makita siyang masaya, yun nga lang, sa piling ng iba...



Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...



Nararamdaman kong hinahawakan nila Kiray ang balikat ko, pero hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, baka kasi kumawala na lang yung mga luha na pinipigilan ko.



Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin


Natapos na ang kanta at puro palakpakan at hiyawan na lang ang narinig ko. Nakita ko pang niyakap ni Jane si Daniel, at kitang kita ko kung gaano sila kasaya. Kinunan ko pa nga sila ng picture eh. Hehehe. <//3



"Kath..." rinig kong tawag sa'kin ng mga kaibigan ko, pero hindi ako lumilingon. Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa mga nangyayari.


*sigh* Napatingin ako sa iba, at nagtama ang mga mata namin ni Katsumi. Nag-iwas lang ako ng tingin dahil baka mahalata niya.



"I love you, Jane..."

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now