Chapter 35.

22.1K 195 31
                                    

DJ's POV

[continuation...]

"Ms. Valdez, what inspires you to write that song?" tanong ni Sir. Tumayo naman si Kath para sumagot.

"Nothing."

 

"Ha?!!" Lahat. -.-

"W-what? Imposimble naman ata yang sinasabi mo iha. For sure, may pinaghuhugutan ka dyan?" tanong ni Sir. Actually, yan din yung gusto kong malaman eh.

"Kayo talaga oh. Hindi naman kailangan laging may pinaghuhugutan diba? Sabihin na lang natin na nung mga oras na sinulat ko yan, senti mode ang lola niyo. Hahaha!" cool na sabi ni Kath.

"Pero, seriously, bakit nga ba?" Sir. Sige pa sir, kulitin niyo pa!

"Uhhm, okay. During that time, mag-isa lang ako. Well supposed to be, dapat may kasama ako. Kaso wala eh. Kaya yan po ang resulta."

[FASTFORWARD]

"Uy breg! Ayos ka lang ba? Lalim ng iniisip ah?" Lester.

"Ah oo. Okay lang ako." sagot ko naman sabay subo sa sandwich. Nandito kami sa canteen. Kagutom eh.

"Eh bakit nakabusangot ka dyan Papa Dan-Dan?" sabi ni Seth sabay yakap pa sa akin.

"Leche naman 'tol! Nababakla ka na ba?!"

 

"Hahaha! Pikon mo naman kuya! Ngiti ngiti din pag may time!" JC

"Ano ba kasing iniisip mo dyan ha?" tanong naman ni Lester.

"Wala.. Wala 'to." sagot ko. Buti naman at hindi nila ako kinulit. Tumingin lang ako sa kabilang table. Nandun kasi sina Kath eh. Hindi na kasi kakasya sa isang table lang. As usual, kasama na naman si Katsumi.

Uwian na... Kailangan ko makausap si Kath, kasi binabagabag pa rin ako sa mga kinikilos niya. Hindi niya ako masyadong kinakausap eh. At alam niyo ba ang mas nakakaalarma? Yung kapag sinasabi niyang okay lang kami pero hindi naman talaga.

Palabas na sila ng room nung habulin ko siya.

"Ahh. Kat-kat!" tawag ko. Unang napalingon yung ibang girls kaya tinawag din nila ito.

"Kathhhyyyy girl! Tawag ka ni bff oh!" sabi ni Julia sabay nguso sa akin. Lumapit na rin ako.

"Bakit DANIEL?" Daniel? Hindi Dan?

"P-pwede ba tayong sabay umuwi?" napatingin siya kay Katsumi, tapos tumango ito sa kanya na para bang binigyan siya ng permiso na sumama sa akin. Pagkatango ni Katsumi, tumingin sa akin si Kath sabay ngumiti.

Matututuhan Mo RinМесто, где живут истории. Откройте их для себя