Chapter 3.

22.4K 189 8
                                    

Natapos na rin ang napakahabang ritwal ng pamamaalam. Kaya ngayon, kaming dalawa na lang ni Daniel ang magkasama. Magkatapat ang bahay namin diba? Hehehe.

Hindi ko alam pero parang naiilang ako. Ewan. Huhuhu.

"Kat-Kat"

Dug.Dug.Dug.Dug.

Ano ba yan, baka marinig niya yung heartbeat ko!!!

"A-ano yun?" sagot ko naman.

"Tambay ako sa inyo ha? Diba may promise ako sa'yo kanina?" ayy, oo nga pala. Hihihi!

"Osige ba!"

Pagkauwi namin, nagpalit lang siya ng damit sa kanila at sumugod agad dito sa bahay namin.

"Hello po, Tita!" bati niya pagkapasok.

"Uy nak, Daniel. Kumusta? Halika, pasok. Si Kath nasa taas, puntahan mo na lang."

"Ayos naman po ako Tita, pinabibigay nga po pala ni Mama, pasalubong daw po. Sige po, puntahan ko lang si Kat-Kat."

"Hoy Kat-Kat!!"

"Aaaaah!!!" nakakainis 'to, buti na lang nakapagpalit na ako, bigla bigla na lang papasok tapos talon agad sa kama ko.

"Hahahahaha! Epic face!" pang-aasar pa niya.

"Nakakainis ka no? Di man lang kumatok!"

"Uso pa ba yun? Hahaha! 'Tong bestfriend ko, parang hindi sanay!"

"Eh kasi naman no, pa'no kung nagpapalit pa ako, tapos bigla ka na lang susulpot dyan!"

"Oh, eh ano ngayon kung nagpapalit ka?"

O//////////O

Pakiramdam ko namumula ako. Ehhhh.

"Ah... ano.. eh.. s-..syempre! Babae ako no! Saka 16 na ako, marami ng nagbago! Marami nang hindi pwedeng makita!" sagot ko.

"Suus! Nakita ko naman na yan dati!" waaaa. May kumunoy ba dyan? Pwede bang tumalon na lang ako?

"Daaaan-Daaaaaan!! Ano ka ba!! Bastos mo!"

"HAHAHAHA! Eh bakit, totoo naman diba? Dati nga naliligo tayo sa ulan wala ka pang--"

"Daaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"Errrr! Nakakainis ka!"

"Hahahaha! Joke lang. HAHAHA! Oo na, kakatok na po ako sa sunod." pero tawa pa rin siya ng tawa.

"Kumain na nga lang tayo!" alok ko.

"Tara, dun pa rin sa dati ha? Na-miss ko yun eh."

Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa favorite kainan namin. Sa mga ihawan at mga fish ball-an.

"Kahit kailan ka talaga Kat-Kat, ang takaw takaw mo!"

"Hindi no, nilulubos ko lang kasi libre mo! Haha!"

"Ah ganon? Sige sa sunod di na. Inuubos mo lang pala pera ko."

"Grabe ka, inubos talaga? Eh ikaw nga mas madaming kinuha! Hahaha! Dapat lang yan no, para tumaba ka naman! Payatot mo kasi eh."

"Gwapo naman."

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon