Chapter 55.

21.6K 262 67
                                    

 Hi frieeeeeeends! Sorry sa matagal kong pagkawala. Ever since nag-start ang klase, naging busy na ako eh. Sorry for the long wait. Hahaha! Hindi rin naman ako full time writer eh. Saka, mas marami lang talagang dapat asikasuhin sa school.

Matagal ko nang gustong mag-UD, wala nga lang time. :((

Sa lahat ng nagco-comment at nagme-message sa akin, thank you po ng marami. Hindi ko lang kayo maisa-isa, but a million thanks to all of you, esp. yung mga readers ko. Thank youuuu. <3

Sa lahat ng nag-aabang, nag-hihintay at nangungulit, eto na. Hahaha! Hope you enjoy!

Hi gracepineduh! This one's for yah! ;)

_______________________________________________________

KATH's POV

*yaaaawn*

Aaah, good morning! Saturday na Saturday, may rehearsals. Huhuhu. Half day lang naman eh.

Eeeeeeeeeh! Kahit na! Sabi kasi MWF lang eh, bakit nagka-Saturday? Kainis.

Naligo, nag-bihis at kumain.

"Ma, alis na po muna ako."

 

"Oh sige. Ayaw mo bang magdala ng lunch? Baka matagalan kayo."

 

"Wag na po Ma. Bibili na lang po ako kung sakaling magutom ako. Sigurado ako, saglit lang din yun. Bye Ma!" sigaw ko habang papalabas na ng pinto.

"Ingat!"

Mag-isa akong nag-lalakad ngayon. Dumaan ako kay nila Dan, pero umalis na daw siya. Lokong yun, hindi man lang ako hinintay! Pero... Ewan, parang ang saya ko pa rin.

Yung nangyari kasi kahapon... Huwaaaa. :">

Kahit naman kasi nasaktan ako, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Siya lang talaga. At wala nang iba.

Hayyy. :"">

Isama mo pa 'tong ganda ng ambiance. Hihihi.

Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong lalake.

"Good morning Ms. Beautiful!'

Agad akong lumingon sa likod, kaliwa at kanan ko. Aba, malay ko ba kung hindi naman pala ako yung sinasabihan diba?

Pero walang ibang tao eh. AKO lang. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa man ako nakakalayo, may nakasalubong na naman ako..

"Good morning, Ms. Beautiful!" sabi ni Mr. Cute? Meheheheh. Cute siya eh. Ngumiti ulit ako.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon