Chapter 15.

20.2K 150 13
                                    

Uwian na at kasama ko ang mga girlfriends ko.

"Ansabeeh nung performance ng isang Kathryn Valdez kanina? Hahaha!" pangangantyaw ni Kiray.

"Ang lalim ng hugot girl eh! Haha!" Julia.

Nagtatawanan lang kami, ng biglang sumulpot ang mga boys.

"Hi girls, anong plano?" tanong ni Lester.

Nagkatinginan kaming mga girls at sabay sabay sumigaw ng... "Pugooo!!!"

Nagkatawanan kaming lahat at dumiretso na sa paboritong tambayan ng barkada tuwing uwian, ang Puguan, mga fishball, kikiam at kung ano ano pang mga street foods. At syempre, pagdating dun... riot na! Hahaha!

Nagkakagulo kaming mga girls sa pagbili ng pugo at palamig ng biglang...

"Ahmm, girl, dun muna kami kay nila Kats ha?" sabi ni Kiray.

"Teka, hintayin niyo na ako. Ano, ako magdadala nitong mga palamig? Asa! Dadalhan ko pa nga si Dan eh. Baka nabilaukan na yun!" sagot ko. Nakatalikod kasi ako sa kanila so ayun.

"Ahehehe! Edi kukunin na lang namin yung amin. Sige na girl ha?" si Julia naman.

"Oo nga Kath, dun lang naman kami ehh." Yen. At ayun parang si Flash lang, nawala na agad. Ano ba naman sila, di makapaghintay, may lakad?

"Ano ba yan oh. Problema nung mga yun at nagmamadali?" sabi ko sa sarili ko.

"Kat-Kat..."

O.O

Si-si Dan... Kaya siguro nag-alisan yung mga babaeng yun. Shet naman o, hindi ako prepared! Ganito ba talaga ang feeling kapag gusto mo yung isang tao? Nahihiya kang makipag-usap? Ehhh. Teka, bestfriends naman kami e, bakit ako mahihiya?

Eh kasi nga gusto ko siya. -_-

Humarap ako sa kanya. "Ahh, uy! Ikaw pala Dan!" sabi ko. Okay, awkward.

"Para sa'kin ba yan?" tanong at tinuturo yung palamig sa kamay ko. Dalawa kasi yung hawak ko e.

"Ah, oo. Oo. Hehehe. Eto oh." sagot ko naman at inabot ko na.

"Salamat.." sabi niya sabay kuha. Pero kamay ko ang nahawakan niya.

Dug.Dug.Dug.Dug.

Sheeet, ang lakas at ang bilis ng kabog ng dibdib ko!

"Ahhh. D-Dan.. Y-yung kamay ko."

"Ayy. Hehehe. S-sorry..." sabay bitaw niya. Napakamot na lang siya ng ulo. Problema nun? "Hmm, Kat-Kat, subuan mo nga ako." O.O

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon