Chapter 40.

20.5K 209 30
                                    

Dahil mahal na mahal ko kayo... Surpriiiiise! Hahaha!

Grabe, parang nung Friday lang, 6k reads, ngayon 7k naaa! Yeeehheeeeeyy! Thank you ulit sa inyo na patuloy na nagbabasa at nag-aabang ng update ko. Hihihihih!

I am soooo excited na sa concert ni Baaaave! For sure hindi ako makakapag-focus sa trabaho ko nito bukas. HAHAHAHAHAHA! Just to share this with you guys, mag-a-undertime ako for the sake of his concert. Hahaha! Magaling na estudyante. Hahahaha! Don't get me wrong ha, trainee pa lang po ako. Hahahaha!

Due to the insistent public demand... Edi sige, paguluhin muna natin ang storya. HAHAHAHAHA!

_________________________________________________________________

KATH's POV

No... Hindi pwede! This can't be! Sabihin niyong mali lang ako... Oh please...

"HAHAHAHA! Baliw ka Kats! Wala yun Kath, feeling lang kasi namin, PMS jowa nitong bff mo. Ang init ng dugo kay Daniel! Hahahaha! Oh baka, may sakit."

Hindi ako makagalaw. No... Hindi pwede!

Tumakbo ako paalis ng corridor. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Magta-time na, pero wala akong pake. Magcu-cutting na lang ako, tutal kung papasok ako at ganito rin ako, malalagot at malalagot din naman ako.

Unti unti kong naikuyom ang mga kamay ko. Galit. Oo, galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko. Ikakabaliw ko kung totoo man yun.

Napagpasyahan kong bumalik sa CR kung saan ko naabutang nagsusuka si Jane. Sana nga naempacho lang siya o may nakaing hindi maganda kaya siya nag-suka. Hindi pwedeng may iba pang dahilan!! HINDI PWEDE!!

Wala na akong pake sa mga taong nakakabunggo ko. Ang alam ko lang, galit ako, at umaasang wala lang lahat ng nakita at narinig ko. Ni walang luhang pumapatak sa mga mata dahil nandidilim lang ang paningin ko. Kung mapapatunayan kong totoo man ang iniisip ko, hindi ko alam kung makakapatay ako.

Papasok na ako sa CR na pinuntahan ko kanina kaya lang hinarang ako nung janitress..

"Ay iha, kung magc-CR ka doon na lang sa kabila. Hindi na muna kasi ito ipapagamit dahil maraming aayusin." sabi nito. Pinilit kong magmukhang maayos. Ayoko namang bastusin yung janitress.

"Kaka-CR ko lang po kanina dito ate eh." sabi ko naman.

"Nako iha, sa susunod wag na muna dito ha? Kapag kasi nahuli ka mapagalitan ka pa. Saka, baka mapagalitan din kami, inutos lang din naman kasi sa amin ito eh." nagtaka naman ako.

"Si-sige po. Pasensya na. Pero ate, matanong ko lang po. Kailan pa po sinara 'to?" sabay turo sa CR.

"Last week pa. Naka-lock na yan last week pa. Nagtaka nga ako kanina at kung bakit bukas yan eh. May nauna pa ba sa'yo kanina nung pumasok ka dito?"

Si Jane.

"Ah-wa-wala po. Wala po. Babalikan ko lang po yung pouch ko. Na-naiwan ko po kasi ata kanina sa loob. Lalabas din po ako kaagad wag kayong magalala." sabi ko kay ate, pumayag naman siya.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now