Chapter 65. So Much For A Happy Ending. :>

11.5K 208 30
  • Dedicated to All my awesome readers!
                                    

BELATED MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR FRIEEEEENDS! :)

The super long wait is over. Salamat sa matyagang naghintay sa update ko.

I DEDICATE THIS CHAPTER TO ALL MY READERS!! :">

__________________________________________________________

KATH's POV

Time flies really really fast. Akalain mo yun, graduate na kami! Hahahaha! Ang bilis ba masyado? Ako nga rin nabibilisan eh. Pero sige, ikekwento ko ang mga naganap.

Sembreak. Month of October. Eto yata ang loveliest season para sa aming barkada. Eh paano, sino bang mag-aakala na hindi lang pala kami ni Daniel ang in love? Hindi lang pala kami ang luma-love life kundi pati na rin ang barkada. Hahaha!

Imagine, Katsumi and Daezen finally found each other again. Ang bestfriends turned to lovers katulad namin ni Daniel.

Sina JC and Yen na akala mo puro aral lang. Pero dahil don, akalain mong mahihigitan pa pala nila ang pagiging mag "study buddy"?

Eh si Julia at Seth na hindi naman totally close? Or should I say, hindi naging close kasi nagkakahiyaan dahil may feelings na pala para sa isa't isa?

At syempre, si Lester at Kiray na todo kung maglaitan at mag-away pero gusto pala ang isa't isa! Hahaha! The more you hate, the more you love ang peg nila.

Pero kahit ganon... Ang sarap sa pakiramdam na yung mga taong tumulong at hindi nang-iwan sa amin ni Daniel ay nakatagpo na rin ng taong magpapasaya sa kanila. At ipagpapasalamat ko ang lahat ng yon kay Lord. Sa sobrang daming pabor at tulong ang nagawa ng mga kaibigan ko, hindi ko na rin alam kung paano ko masusuklian yon.

Mas lalong naging matibay ang samahan ng barkada namin. Kapag gumagala kami, hindi na "gala" ang appropriate term na gamitin kundi "group date" na. Kapag may LQ, damay damayan lang. Minsan nga nakakatawang isipin na, isang pares lang ang may away pero nadadamay ang ibang pares dahil nagkakaron ng kampihan between girls and boys.

Kanya kanyang suyuan, kanya kanyang lambingan, kanya kanyang kwento't asaran. Yan ang naging buhay ng barkada namin pagkatapos ng napaka-sweet at romantic revelations ng mga boys nung sembreak. Masaya kaming lahat sa naging mga desisyon namin at sama sama kami kahit na anong mangyari.

Highschool students pa lang kami at aminado rin akong masyado pa kaming bata para pumasok sa mga relasyon. Pero laking pasasalamat ko na lang din na kahit ganoon, lahat kami ay nagagabayan pa rin ng mga magulang namin. Lagi kaming napapaalalahanan na wag pa ring kalimutan ang mga priorities namin lalo na ang pag-aaral.

Kaya nga lahat kami naka-graduate ng highschool ng may honors eh. Hahaha! Akalain mong ang loko lokong sina Daniel, Katsumi, Lester at Seth ay grumaduate ng may honors? Paanong hindi magsisipag yang mga yan, eh lagot sa mga girls kapag hindi nag-aral eh.

Ang rule, NO ARAL, NO DATE. Kaya ayun, napilitan mag-aral. Hahaha! Nakakatawa nga silang panoorin kapag nag-aaral lalo na pag before exams. Nagtatanungan, may mga reviewers na ang gugulo naman ng mga nakasulat, pero wag ka, nakaka-perfect sila! Syempre, sa tulong na rin ni JC.

Matututuhan Mo RinWhere stories live. Discover now