CHAPTER 11

94 7 0
                                    

"So.... ano na?" Pasimple kong tanong dahil kanina pa kami dito sa balcony ng cottage pero tahimik lang sya.



"Anong ano na?" Hays, eng eng naman neto.



"Anong pag-uusapan natin! duh."



"Ah..." Tumango tango sya na akala mo naman nakalimutan talaga nya 'yung sasabihin nya. "Chill muna ah, nakakakilabot naman 'tong gagawin ko." Napangisi na lang ako sa sinasabi nya habang inaabangan ko ang susunod nyang sasabihin at gagawin. "Ah, eh, Val, happy birthday, mabuhay ka hanggang gusto mo." Sabay abot nya sa'kin ng itim na box na may nakataling gold na ribbon sa labas.



Pamilyar 'yung design ng kahon pero hindi ko na pinagod ang isip ko para lang isipin kung saan ko nakita ang ganoong style ng packaging. Tinanggap ko na lang at nagpasalamat ako.



"Ayos ah, hulaan ko laman nito?" Ngumisi ngisi ako sa kanya. "Candy?"



"Ashumingera pota, hindi ka naman special para regaluhan kita ng candy!" Natawa na lang ako. Madalas kasi ganon ang regalo nya sa tuwing may nagsecelebrate ng birthday sa kanilang magkakaibigan pero last year iba ang regalo nya kay Kuya Vince. Niregaluhan nya si Kuya ng isang dosenang picture na puro pagmumukha niya ang laman.



"Ang sama mo sa hindi special! Pektusan ko bunbunan mo eh!" Umirap ako at pabarumbadong tinanggal 'yung ribbon ay inangat ang takip ng kahon. Nalaglag pa ang laman buti na lang nasapo ni Cyrus.



"Gago Val! ingatan mo! jusko, mahihimatay ata ako sa ginagawa mo!" Parang namutla pa sya habang nasa loob pa rin ng dalawa nyang palad 'yung bagay na nalaglag mula sa kahon.



"Ano ba kasi 'yan? bato? babasagin ba 'yan?" Kunot noo kong tanong.



"Alam mo kung bato lang talaga 'to baka kanina ko pa pinukpok sa ulo mo, pota, parang humiwalay kaluluwa ko sa katawan ko, muntik mo nang mabagsak! langya! teka lang, hihinga muna ako." Dami namang arte ng lalaki na 'to.



"Ano nga 'yan? patingin nga." Aagawin ko na sana pero tinaas nya. "Baliw ka ba? regalo mo tapos ayaw mong ipakita sa'kin? saksakin kaya kita?" Puno ng sarkasmo kong tanong.



"Kumalma ka ho, baka ho tumaas presyon ninyo."



"Bahala ka nga dyan, para kang tanga." Hinampas ko ang tiyan nya gamit ang likod ng palad ko pero tinawanan lang nya ako at hinila pabalik kaya bumunggo ako sa dibdib nya. "Aray! nang-aasar ka ba!?"



"Hindi ko nang-aasar, nanliligaw ako." Ahmm, wew.



Teka! bakit parang nagba-blush ako! pisteng yawa!



"Eto na nga oh. Binili ko 'yan dahil gusto mo, ingatan mo 'yan parang awa mo na." Pagkasabi nya non ay ibinuka niya ang palad nya at lumantad sa'kin 'yung kwintas na parang hihimatayin ako sa presyo.



"T-teka, i-ikaw talaga bumili nyan? Gago! 'wag mong sabihin hinold up mo 'yung jewelry shop! idadamay mo pa ako!" Hindi ko maalis ang tingin ko sa kwintas na nasa harapan ko, feeling ko kumikislap ang mata ko ngayon habang nakatingin sa pendant nito.



Pwede ko 'tong ibenta! charot.



Seryoso ba talaga sya? ito? para sa'kin? luh, baka scam 'to ah! Huhu ang ganda!!!



"Ikaw ba talaga bumili nyan?" Tanong ko habang pinapakatitigan ang kislap ng maliliit na dyamante.



"Malamang binili ko. Meron bang utang dito?" Umirap pa sya pero kapag kuwan ay naglakad papunta sa likuran ko at masuyong hinawi ang buhok ko. "Isusuot ko sa'yo, 'wag kang malikot baka ibuhol ko sa leeg mo 'to." Kinurot ko ang hita niya mula sa likuran ko. "Joke lang!"



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now