CHAPTER 18

85 5 0
                                    

"Hubby? Nandito na'ko!" Ibinaba ko sa couch ang sling bag ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom.



Madalas na akong nandito sa penthouse ni Cyrus since malapit lang 'to sa ANDRSN Hospital hindi na rin ako mahihirapan bumiyahe sa gabi man o umaga dahil hinahatid sundo nya ako, nagkataon lang ngayon na hindi nya ako nasundo dahil medyo masakit daw ang balakang nya siguro ay dahil sa pagod.



"Wifey!!" Tumakbo pa sya pababa ng hagdanan mula siguro sa opisina niya o sa kuwarto. Nang makababa sya kaagad nya akong hinalikan sa iba't ibang parte ng mukha ko.



"Upo ka nga muna, masakit pa ba 'yang likod at balakang mo?" Pinaupo ko sya sa may couch at nang makaupo sya ay dahan-dahan nya akong hinila at inikandong sa kanya na syang ikinatawa ko. "Akala ko ba masakit balakang mo?"



"Wala na, magaling nurse ko eh." Namula pa ang mga pisngi ko nang maalala ko na minasahe ko ang buong likod niya kagabi kaya siguro nakaramdam siya ng kahit kaunting ginhawa. Nag-aalala na rin kasi ako dahil buong araw syang hindi nakatayo sa kinahihigaan nya dahil sobrang kirot daw ng balakang nya.



"Uminom ka na ba ng pain reliever?" Sunod kong tanong habang abala naman siya sa pag-amoy amoy sa damit ko at nakapalupot ang mga braso niya sa baywang ko.



"Hindi pa, nakalimutan ko eh." Napabuntong hininga ako sabay haplos sa pisngi niya, sya naman ay ngumuso at nanghingi ng halik.



"Inom ka na gamot, ay teka! kumain ka na ba?" Umiling siya kaya napag-isipan kong magluto na lang ng pagkain na mabilis lang maluto para makakain kaagad sya at para makainom na rin ng gamot.



Tumungo ako sa kusina at hindi na ako magugulat sa laman ng ref nya. Nagprito ako ng seasoned-chicken at gravy para naman ganahan syang kumain.



"Sabayan mo'kong kumain ah," Bulong niya sa akin na hindi ko naman napansin na sumunod pala sya papunta dito sa kusina.



"Oo, basta kumain ka ng marami kung ayaw mong saksakin kita ng syringe."



"Opo, kakain po ako basta ba ikaw lang ang nurse ko." Sumosobra na sya sa kasweetan ngayon ah, nagdududa na ako na baka may kasalanan 'to kaya ang sweet, pero, parang nagugustuhan ko naman ang kasweetan nya ngayon.



"Umamin ka, may kasalanan ka 'no?" Seryoso kong tanong pero pabiro. Itinaas naman nya ang dalawa niya kamay na para bang sumusuko.



"Meron..."



"Sinasabi ko na nga ba eh." Umirap ako. "Ano 'yo huh?!"



"Kasi kagabi nung minamasahe mo 'ko, ano..."



"Ano?!"



"Nagising 'yung baby boy ko. Sorry Wifey! ginawan ko naman na ng paraan kanina pero ayaw kumalma eh!"



Ano daw? Baby boy?



"A-ano?"



"W-wala! Nagugutom na'ko..." Ngumuso siya at nauna nang naupo sa dining chair. Sumunod na lang ako dala ang nga pinggan ay sinunod ko ang mga pagkain.



"Si Chicken nga pala nasaan?" Pag-uumpisa ko sa usapan dahil masyado syang tahimik habang kumakain, nakakapanibago lang.



"Dinala ni Mama sa Vet, ayaw kumain mula nung namatay si Chicks." Mukhang malungkot din sya sa pagkamatay ng pangalawang pusa na niregalo sa kanya ni Mama Isha. Si Chicks ay best friend ni Chicken kaya siguro naapektuhan din sya nung namatay si Chicks.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now