CHAPTER 22

92 7 3
                                    

"Alam mo, pinagtitinginan na tayo ng mga pasyente dahil sa kakaiyak mo. Gusto mo bang saksakan kita ng anestisya para hindi mo na maramdaman 'yang sakit na nararamdaman mo?"



"Kung makapagsalita ka akala mong hindi ka iniwan ah. Mas malala nga 'yung sa'yo. Ah niloko!" Nagawa ko pang mang-asar sa kabila nang paghagulgol ko dito. Dalawang linggo na ata o higit pa mula nung naghiwalay kami.



"Atlis ako iniwan ng may dahilan. May kilala kasi akong iniwan lang pero walang dahilan." Pumito-pito pa sya. Napapadyak na lang ako sa inis at bumalik paghagulgol, sya naman ay bumalik din sa pagpapatahan sa'kin. "Tahan na kasi, sa dami ng luhang nilabas mo pwede na nating gawing IV 'yan para sa pasyente, charot."



"Can I talk to her?" Tumingala ako at nakatayo na sa harapan namin si Kuya Justin at suot pa ang puting coat niya habang maayos na maayos ang buhok at nakasabit sa leeg ang sarili niyang stethoscope.



Bumulong naman sa'kin si Nicca. "Ang bango ni Doc. Amoy baby!!" Nanggigigil na bulong niya. Napatakip na lang ang ng tenga dahil wala talaga syang hiya. Kaharap lang namin si Kuya tapos magsasalita sya ng ganon.



"My Mom did the laundry. She used a fabric conditioner so it smelled good. Anyway, can I talk to Valerie?" Pareho kaming napanganga ni Nicca at nang mahimasmasan kami ay iniwan ako ni Nicca at nagpunta naman kami sa sariling opisina ni Kuya Justin, natagpuan ko pang nandoon si Kuya Ace na may kasamang bata na mukhang galing check up.



"Have a seat." Umupo ako sa may couch, sa kabilang dulo para hindi kami magkalapit ni Kuya Ace. Nginitian nya ako kaya ngumiti lang din ako pabalik.


"Say bye to your ninong." Ani ni Kuya Ace at hinawakan ang kamay nung batang lalaki na siguro ay mga nasa tatlo o apat na gulang pa lang.



"Babye po!" Hindi ko naman kilala 'yung bata pero bigla nya akong hinalikan sa pisngi.



"Sorry for that Princess. Nasanay lang kasi si Rylan na humahalik sa pisngi kapag nagpapaalam." Ngumiti na lang ako kay Kuya Ace para iparating na wala namang kaso sa akin 'yon, mas natutuwa nga ako sa mga batang ganon.



Nang makaalis na sila Kuya Ace ay kami namang dalawa ni Kuya Justin ang nag-usap. Hindi ko alam kung tungkol saan pero nakikinig lang ako sa kanya.



"first of all I want to know how you are, because the last time I saw you I could not talk to you properly because you were crying. Second, it may be better for you to rest first because your body may give up because you are tired from work, and tired of your personal problems." Hindi ako umimik at nakinig lamang. "Nalulungkot ang mga bata sa pedia-ward because they see their favorite nurse sad."



Hindi naman nagtagal ang usapan namin ni Kuya at kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko sa mga payo niya. Napag-isipan ko na rin na baka isang linggo muna akong hindi magtatrabaho para maayos ko ang sarili ko, hindi ko na kasi kilala kung sino pa ako ngayon. Matapos ng nangyari sa'min, parang tinangay ni Cyrus ang dating masiyahing Valerie. Kahit ang mga pasyente ay nasusungitan ko na dahil madalas akong wala sa mood at minsan natatagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala at umiiyak.



'Yung dating mga bata na tuwang-tuwa kapag parating na ako, takot na sila ngayon sa'kin dahil sa inaasta ko nitong mga nakaraang araw. Nakokonsensya tuloy ako na ang dami kong natakot na pasyente dahil sa kapangitan ng ugaling pinakita ko.



Naaprubahan na ang request kong isang linggo muna akong magpapahinga sa tulong na rin ni Kuya Justin. Ginawa ko muna lahat ng trabaho ko at nangako din ako sa mga pasyenteng nasungitan ko na babawi ako sa kanila pagbalik ko. Lalo na doon sa batang nasa isang private room na si Kuya Justin ang nagbabayad dahil medyo maselan ang lagay ng bata na si Cj, pitong taong gulang, at naiinis si Kuya Justin sa ibang mga pasyenteng pinandidirian 'yung bata kaya napagdesisyunan ni Kuya na ilipat na lang sa isang private room. Masaya naman ang pamilya dahil sa tulong ni Kuya.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now