CHAPTER 28

98 7 0
                                    

"Wag nang matigas ang ulo anak. Mamahinga ka dyan, 'wag ka nang pumasok at huwag kang papasok hanggang hindi ka tuluyang gumagaling." Matigas na pagkakasabi ni Mama. Hindi naman na ako nakapalag dahil tinago nya ang mga uniform at ang bag ko.



"OA ka naman kasi masyado Ma." Pabulong kong sabi at balot na balot ng comforter ang buong katawan ko.



"Nung una pinapalampas ko pa na dumadaing ka sa'kin pero ngayon na halos wala ka na atang dugo anak! naha-high blood ako sa katigasan ng ulo mo." Napahilot si Mama sa sarili niyang sentido. "Osya, magluluto lang ako nang makakain ka na at parating na rin ang Kuya mo para bantayan tayo. Mahirap na, hindi kita kayang buhatin kung sakaling mang sumpungin ka ng asthma mo. Mabuti nang nandito ang Kuya mo.



Namahinga na lang ako habang hinihintay si Kuya. Pangalawang araw na 'tong pagkahilo ko, kahapon nakapasok pa ako pero ngayon ay hindi ko na kinaya ang hilo ko. Kusang nagdidilim ang paningin ko at nanlalamig ang mga palad ko.



Kakainom ko lang ng Prune juice dahil maganda daw 'yon lalo na low blood ako at kulang sa iron ang katawan ko.



Nakatulog naman ako ng maayos at nang magising ako ay nandito na si Kuya at mukhang nilipat na nya ang kusina, clinic, at hospital sa kwarto ko dahil may rice cooker sa gilid. May electric stove, may dalawang basket ng mga prutas at ang isang medicine kit namin. Pati ang oxygen na nakahanda na dahil palagi lang naman 'yon nasa kwarto ko.



"Kumain ka na, sabi ni Mama hindi ka pa daw kumakain." Nilapag nya sa gilid ko ang isang bed table at naglagay ng steak. Mukhang inorder lang nya 'to. "Red meat 'yan, kainin mo. Tinanong ko pa kay Justin kung pwede sa low blood 'yan, pwede naman daw. Ubusin mo 'yan, kapag hindi ka kumain sasaksakan kita ng IV." Mataray na pagkakasabi nya. At dahil ang bango naman ng steak ay kinain ko din agad.



"Ang sarap, wala na ba Kuya?" Tanong ko.



"Wala na, akala mo ba mura 'yan?" May sarkasmong sagot nya kaya natawa na lang ako at ininom ang gamot na nireseta ng Doctor sa akin.



Nurse ako pero hindi ko manlang naalagaan ang sarili kong katawan kakaisip sa iba. Wala eh, ganito ang trabaho namin kung kailangan huwag matulog, wala talagang matutulog.



"Oo nga pala dito ako matutulog sa kwarto mo mamayang gabi. Magdamit ka ah 'wag kang magbobold kung ayaw mong masabunutan kita." Tumango na lang ako. Madalas akong matulog ng naka undies lang at manipis na spaghetti sando. Minsan na nya akong nakitang nakaganon at pinitik nya ako sa noo at sinermunan ako ng bongga kaya natuto na akong mag-lock ng pinto.



Sya nga hindi ko naman pinapakialaman kung natutulog sya ng nakabold, as in walang damit. Si Mama nga tuwing kukuha ng maduming damit sa banyo nya sa umaga palaging kinukwento ni Mama sa'kin na palagi daw hubo't hubad si Kuya kapag natutulog. Buti hindi pinapasok ng lamig ang katawan nya.



"Dyan ka na lang sa sofa, masikip kama ko." Sabi ko habang nililigpit nya ang pinagkainan ko.



"Queen size 'yang kama mo, ganon ka ba kataba para masakop mo 'yan? Ako nga 'yung kama ko nung high school pa tapos ikaw na wala pa ngang isang buwan 'yang kama mo na ako ng bumili ayaw mo pa akong patulugin dyan? Napakasama ng ugali mo." Inirapan nya ako kaya natawa ulit ako. Akala mong bata na nakikipag-away.



"Kuya." Pagtawag ko sa kanya. Nang lumingon sya sa akin ay ngumiti ako ng malapad.



"Ano?" Tinaasan nya ako ng kilay.



"Wala lang. Love you." Nag flying kiss pa ako sa kanya.



"Oh Anong kailangan mo?" Bagsak balikat nyang tanong. Ngumiti naman ako.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now