CHAPTER 3

116 14 0
                                    

"Ma, nakauwi na po ako!" Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.



"Bakit natagalan ka ata? Kaunti lang naman 'yang pinamili mo ah." Tanong ni Mama sabay baba ng tingin sa plastic bag na hawak ko.



"Maraming po kasing tao sa grocery, pumili pa po ako sa cashier." Tumango na lang si Mama habang nagluluto sakto namang pumasok si Tito Harry mula sa pintuan palabas papunta sa likod bahay. May pool doon at garden, may maliit din silang cottage na may isang kwarto.



"Hindi mo ba napansin doon ang Kuya Liam mo? Hindi na bumalik mula kanina." Tanong ni Tito. Napailing lang ako kahit ang totoo ay nakita ko sya kanina nang lumabas ako sa grocery store.



Nakita ko sya sa isang gilid na naninigarilyo at nakita ko pa syang tinapon agad 'yung sigarilyo nung lumapit sa kanya 'yung matangkad na babaeng kasama ni Cyrus bukod doon sa buntis. Mukha ngang magkakilala sila dahil takot ang itsura ni Kuya Liam noong lapitan sya ng babae na mukhang mataray.



"Akyat na po ako, Ma, Tito." Tumango lang sila kaya umakyat na'ko sa kwarto ko pero bago ako umakyat nagtanong muna ako kay Tito Harry.



"Ah Tito?" Lumingon sya sa'kin. "May alam po ba kayong nililigawan ni Kuya Liam? Curious lang ako, hehe." Pilit akong tumawa.



"Nililigawan? Wala eh. Iniisip ko na nang bading ang anak kong 'yon." Mahinang natawa si Tito. Nakitawa na lang ako at paakyat na sana kaso nagsalita ulit si Tito.



"Pero ang alam ko noong nagbakasyon sya sa lola nya, doon sa pilipinas, sa tagaytay? Ayaw nang umuwi dito dahil may babae daw syang nakilala don kaso daw matapang." Tumawa ulit si Tito at nagkwento pa. "Minsang tumawag sa'kin 'yang si Liam at sinabing magtatagal sya sa pilipinas hanggang hindi bumabalik sa tagaytay ang babaeng nakilala nya na nag-aaral naman sa maynila. Pero wala rin, umuwi rin sya dito sa canada dahil hindi na bumalik 'yung babae." Napatahimik si Tito.



"Bakit naman po hindi na bumalik?" Bigla ko na lang naitanong 'yon dahil nakakabitin naman kwento ni Tito.



"Hindi ko rin alam. Ayaw sabihin ng Kuya Liam mo. Mula noon hindi 'yan nagkainteres sa ibang babae, tumigil na nga 'yan sa alak at sigarilyo pero bumalik ulit sa bisyo. Kahit akong ama nya hindi ko mapigilan."



"Tama na 'yan, baka dumating pa si Liam at marinig na pinaguusapan nyo sya." Biglang sumingit si Mama sa usapan at pinaakyat na ako sa kwarto na pinahiram sa'kin ni Kuya Liam.



Binuksan ko agad ang vanilla ice cream at agad na tinawagan si Nicca dahil nangako ako na tatawag ako sa kanya. Nakailang ring bago nya sinagot.



"Gawa mo?" Tanong ko.



[Kumakain ng ice cream, miss na kita.] Natawa ako dahil kumakain din ako ng ice cream. What a coincidence.



"Tama na 'yang miss miss na 'yan. Oo nga pala, may update ko sa love life ko!" Excited kong pagkakasabi.



[Sige nga ano?] Excited akong nagkwento at parang hindi pa sya naniniwala na nasa'kin ang bank card ni Cyrus.



"Loka-loka! nasa'kin nga, ayaw mo pa maniwala, Oh!" Hinarap ko sa cam 'yung card ni Cyrus pati 'yung phone number na tinakpan ko ang kalahati. Mahirap na. Alam kong mabilis kamay ni Nicca, baka ma-screenshot nya agad kapag buo kong pinakita 'yung number.



[Share naman!] Angal nya dahil ayaw kong tanggalin ang daliri ko sa nakatakip na number.



"Ayaw ko nga, agawin mo pa." Binalik ko na sa wallet ko 'yung card at sinave ko naman sa contacts ko 'yung number ni Cyrus.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now