CHAPTER 7

106 10 0
                                    

''Teka nga.'' Huminto ako sa paglalakad. ''Galit ka ba sa'kin?''



''Hindi. Tuwang-tuwa nga ako sa'yo e.'' Barumbadong sagot nya sabay lakad at iniwan ako.



''Cyrus! Wait!'' Sigaw ko at tumakbo para maabutan ko sya sa paglalakad. Bwiset! Bakit kasi ang haba ng biyas nya! ang bilis tuloy maglakad!



Malapit ko na syang maabutan pero tumakbo pa sya kaya halos masubsob na ako kakahabol sa letseng lalaking 'to! Kaya nga nagmadali ako kay Mama na bumalik kami dito sa canada kasi miss ko na sya tapos tatakbuhan lang nya 'ko? Kapal ng mukha!



"Hoy teka lang sabe!" Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko dahil hindi naman nila naiintindihan ang sinasabi ko maliban na lang kung pilipino sila.



Nakarating kami sa gilid ng steak house at doon ko nakita si Cyrus na nakatayo lang at mukhang kanina pa sya dito, mabagal lang talaga kong tumakbo kaya ang tagal ko syang naabutan.



Nang makalapit ako sa kanya babatukan ko sana sy kaso hindi ko maabot kaya hinampas ko na lang sya sa braso.



"Napapano ka?" Gulat nyang tanong at inirapan ko sya.



"Bakit ka ba tumatakbo!?" Inis kong tanong.



"Kasi hinahabol mo ako?" Patanong nyang sagot.




"Kaya nga kita hinahabol kasi tunatakbo ka! letse!"



"Kaya nga ako tumatakbo kasi hinahabol mo ako! Pota."



"Ewan ko sa'yo!" Umirap ulit ako. Hindi pa ako nakakabawi mula sa pagtakbo ko hinila na naman nya ako at namalayan ko na lang na pumasok kami sa loob ng steak house.



"Libre kita, 'wag ka nang magalit dyan hindi bagay sa'yo. Mukha kang nuno sa punso." Umirap lang ulit ako.



Okay na sana 'yung ililibre nya ako pero may nuno sa punso pa syang nalalaman. Ewan ko ba sa lalaki na 'to kung bakit ako patay na patay dito. For sure naman na alam nyang crush ko sya dahil paepal si Kuya Vince at isa pa highschool pa lang ako sinabi ko nang crush ko sya kaya nga pinatulan nya ako non kaso hindi nagkalabel. Ngina.



"Ikaw na umorder, kung ano sa'yo ganun na lang sa'kin." Sabi nya ng makaupo na kami sa table na tinuro ng waiter. Nag-order ako ng magkaibang klase, 'yung isa may hipon 'yung isa may nuts, syempre akin 'yung may nuts pero iyon 'yung bet ni Cyrus kaya 'yung may hipon na lang akin.



Pagdating ng order namin nagsalubong ang kilay nya nang makita 'yung pagkain ko. Nagulat pa ako nang pagpalitin nya ang pinggan namin.



"Hindi ka naman pwedeng kumain ng may mani at alam mong allergic ako sa hipon. Hays, matakaw ka talagang babae ka." Napailing iling pa sya habang ako ay hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.



Madalas akong kumain ng nuts, at hindi ko alam na allergic sya sa hipon... Anong nangyayari dito?



"Allergic ka sa mani—— Ay sorry Val! Akala ko kasi----"



"Akala mo ako 'yung best friend mo?" Pagputol ko sa sasabihin nya. "Okay lang. Kumain ka na." Ngumiti na lang ako at kinuha 'yung may seafood dahil allergic pala sya. Ngayon ko lang nalaman. Sayang, favorite ko pa naman seafoods.



"Sorry talaga, ah. Nalilito kasi ako pareho kayong maliit." Napakamot pa sya sa noo bago nagsimulang kumain.



"Pero dati sa post mo sa IG kasama mo 'yung best friend mo tapos kumakain kayo ng seafood, kasama pa nga sila Kuya Vince." Parang nawalan ako bigla ng ganang kumain.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now