CHAPTER 4

111 10 0
                                    

"Hindi ko naman talaga boyfriend 'yon eh."



[Alam ko. Subukan lang ni Cyrus na patulan ka ililibing ko sya ng buhay.]



"Ang sama-sama mo naman sa kaibigan mo, Kuya!"



[Hindi ako masama, Valerie. Ang bata bata mo pa kaya! Tsaka ka na maggaganyan kapag may trabaho ka na.] Napanguso ulit ako.



"Ikaw rin naman bata pa ah, bumagsak ka nga sa sem nyo pero hindi mo sinasabi kay Ate Liechelle. Lagot ka kapag nalaman nya, magkakatotoo na pang-aasar namin sa'yo na maghihiwalay na kayo. Ewan ko lang kung hindi ka mag-iiyak dyan. Bleh." Pang-aasar ko. Totoo naman eh. Halata naman na maghihiwalay na sila ayaw lang nyang tanggapin.



[Sige. Low bat na'ko.] Magsasalita pa sana ako kaso pinatayan nya agad ako ng phone at mukhang napikon. Nakokonsensya tuloy ako na pinaalala ko sa kanya na medyo nagkakalabuan sila ni Ate Liechelle. Malapit na daw birthday ni Ate Liechelle, mukha namang maaayos pa nila 'yung relasyon nila dahil may balak pa si Kuya na isurprise si Ate.



"Nagkausap na ba kayo ng Kuya mo?" Tumango na lang ako kay Mama at dinampot ko na ang twalya ko na nakalagay sa kama.



"Opo. Binabaan nga ako." Mahina akong tumawa at pumasok na banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo wala na si Mama sa kwarto at naagaw naman ang pansin ko sa kahon na hinahanap ni Kuya Liam na hanggang ngayon hindi pa rin nya kinukuha. Nakalimutan na nya siguro.



Nagbihis ako at nagpatuyo ng buhok bago naupo sa gilid ng kama at binuksan 'yung kahon.



Pagkabukas ko nakita ko agad ang isang maliit na papel, mukhang nabasa pa ng tubig 'yung kalahati. May nakasulat na 'Caught in a...' Hindi buo kaya napakunot ang noo ko.



Nagkalkal na lang ulit ako at nakita ko naman ang mga picture ng isang babae na nasa dagat. Nakaupo sa buhanginan habang hinahangin ang mahabang buhok. Ang isang picture ay 'yung babae ulit na nakasuot naman ng bulaklak na crown habang nakikipagtawanan sa mga bata at nakapalibot sila sa bonfire. May isa pang picture na nasa dagat ulit 'yung babae at naglalakad palusong sa tubig. Puro sa nasa malayo ang kuha ng picture. Mukhang stalker ang nagpipicture nito, eh.



"Valerie?" Narinig ko ang boses ni Kuya Liam habang may kumakatok sa may pintuan. Agad agad kong binalik sa kahon 'yung mga picture na tinitingnan ko at nilapag ko sa sahig 'yung kahon bago ko binuksan ang pintuan.



"Kuya. May kailangan ka po?" Tanong ko. Siya naman ay pinapalibot ang tingin sa paligid ng kwarto nya na ako ang gumagamit ngayon.



"Meron eh, itatanong ko lang kung nasaan 'yung kahon na sinabi mo kahapon?" Tumango tango ako at bumalik sa pinaglapagan ko ng kahon at inabot ko sa kanya. "Oo nga pala. Pasensya ka na sa sinabi ko sa Kuya mo. Nabuwisit lang ako ng Cyrus na 'yon." Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao nya.



"Okay lang. Hindi naman ako pinagalitan ng bongga, slight lang." Tumawa ako at ganoon din ang ginawa ni Kuya bago ako iniwan.



Wala akong ibang gagawin kaya tinawagan ko na lang si Cyrus. Bakit ba. Gusto kong maging close ulit kami! Kung ayaw nya sa'kin hindi pwede 'yon! Para saan pa ang salitang 'Pilitin' kung hindi ko gagawin. Sa ayaw at sa gusto nya magugustuhan nya 'ko. Period.



"Hi?" Agad ma sabi ko nang sinagot nya ang video call ko.



[Bakit?] Maikling sagot nya. Ouch naman. Nakakahurt naman. Nilamig ako dun ah.



"Wala lang. Gusto ko lang tumawag. Gala tayo tulad ng dati? Pwede? Hindi ko kasi kabisado 'tong canada eh. Pwede ba? Kung pwede lang naman. Hehe."



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now