CHAPTER 29

90 4 0
                                    

"Huy teka Val! Sabay na tayo." Sumabay sya sa akin sa paglalakad paakyat ng office ni Kuya Justin. Last day ko na ngayon, magpapaalam lang ako.



"Wag ka ngang dumikit!" Iritadong sabi ko.




"Sungit."



"Nung isang araw ka pa eh! Sisipain na kita, hindi pa kita hinaharap matapos mo 'kong ipakilalang girlfriend mo! Sa proposal pa ni Kuya Justin! Ashumero ka." Hinampas ko sya sa braso at binilisan ko ang lakad ko para mauna akong sumakay sa elevator. Mabuti na lang sumarado agad at hindi sya nakapasok.



Paghinto sa floor ng office ni Kuya Justin ay sakto namang pag-akyat nya mula sa hagdanan at hingal na hingal. Hindi ko sya pinansin at kumatok na ako sa office.



"Kuya Vince? Anong ginagawa... mo dito... Anong meron?" Tanong ko dahil kumpleto silang lima ngayon.



"Wala, bakit masama bang makumpleto kami?" Barumbadong sagot ni Kuya Vince.



"Oo, masama. Sobrang sama." Sagot ko. "Kapag may gulong nangyari, alam kong kayo ang may gawa. Tsaka nagpunta nga pala ako dito para magpaalam kay Kuya Justin. Last day ko na ngayon." Ngumiti ako kay Kuya Justin.



"Well, sinabi na sa'kin ni Vince and I'll pray for you and for your business. Good luck." Ngumiti ako at humaba pa ang usapan namin habang may kanya-kanya namang mundo ang mga kasama ni Kuya Justin. Kanya-kanya silang may hawak na phone at nagpapaalam sa mga asawa, girlfriend, at fiancee nila. Si Cyrus ay nakaupo lang sa sofa at walang ginagawa.



"That's all, enjoy your last day!"



"Thank you po. Mamimiss kong mag-OT." Pabiro kong sabi.



Bumalik na ako sa trabaho at sumunod na naman si Cyrus. Pinagtabuyan ko lang sya kaya umalis pero nang pauwi na ako si Kuya ang inaasahan kong susundo sa'kin pero si Cyrus ang dumating. Sumakay na lang ako dahil sunod sya ng sunod, dinaig pa nya anino ko.



"Pagod ka?" Tanong nya habang nagmamaneho. Tumango naman ako at isinandal ang likod ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng komportableng upuan, 'yung sa kotse kasi ni Kuya parang gawa sa bato, napaka tigas kaya mas sumasakit pa ang batok at likod ko pero iba 'tong upuan ng kotse ni Cyrus, sobrang komportable.



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa couch namin. Hinanap ko agad si Cyrus pero wala na daw sya sabi ni Mama. Naghintay nga ako na asarin ako ni Mama o magtanong agad sya tungkol sa'min ni Cyrus pero parang normal lang sa kanya. Iniisip ko tuloy na baka iba ang nagbuhat sa'kin papasok.



"Magbihis ka na at ituloy mo na ang tulog mo." Sabi lang ni Mama at abala sa pagtiklop ng ilang pirasong damit.



Ako naman ay umakyat na sa kwarto para magbihis at para matulog. Sa sandaling nahiga ako sa kama, hindi na ako nakatulog kaya gising din ako hanggang hating gabi.



Dini-m ko si Cyrus at nagpasalamat ako sa paghatid nya sa'kin. Emoji lang ang nireply nya.



Cyx:😗❤



Napailing-iling na lang ako at napapangiti dahil sa cute ng emoji. Nasampal ko pa ang sarili ko dahil bigla na lang akong ngumingiti dahil lang simpleng emoji na 'yon!



Komportable akong nahiga sa kama at sa tuwing sasagi sa isip ko ang emoji na 'yon ay kusa akong napapangiti.



Kinaumagahan ay ang aga-aga kong nagising, nakalimutan ko na wala na nga pala akong trabaho.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now