CHAPTER 16

82 5 3
                                    

Nagising ako dahil sa bulungan sa paligid ko. Hindi ako sigurado kung sino ang isang boses na naririnig ko pero iyong isa ay sigurado akong si Cyrus.



Tinangka kong bumangon sa kama pero parang hindi ko maramdaman ang katawan ko. Parang wala akong binti, parang wala akong katawan. Manhid na manhid ang buong katawan ko at nang subukan ko ulit bumangon, hindi ko na napigilan na sumigaw at maiyak sa sakit ng katawan ko.



Parang hinahati sa dalawa ang katawan ko, feeling ko namamaga ang ibaba ko. Ang sakit at ang hapdi. Unti-unti ko nang nararamdaman 'yung bunga ng nangyari kagabi! Bwiset!



"Lagot ka sa Mama mo! Ikaw bata ka! Natulog lang dito si Valerie nilagnat na? Isusumbong kita, lagot ka ngayon."



"Luh epal ni Papa. Hindi ko naman kasi sinasadya eh! Malay ko ba!"



"Oh ba't ka umiiyak dyan? Ikaw na nga nanakit ikaw pa iiyak? Panindigan mo 'yan, lagot ka sa Mama mo kapag nalaman nyang bininyagan mo agad si Valerie. Ang bata-bata pa ng girlfriend mo, tss, lagot ka talaga. Lagot ka."



Gusto kong sigawan si Cyrus dahil sa sobrang sakit pero nahihiya pa rin naman ako dahil nandito si Papa Cole sa loob ng kwarto at mukhang pinapagalitan si Cyrus. Parang malapit nang magdugo ang labi ko dahil sa sobrang diin ng pagkakakagat ko. Hindi ko na talaga kaya, sobrang sakit na...



"Basta Pa kapag hindi na'ko nakauwi dito nasa langit na'ko nun, baka napatay na'ko ng mga Kuya nya. Sabihin mo kay Mama mahal na mahal ko sya. Ikaw din Pa kahit isusumbong mo ako kay Mama."



"A-aray..." Mahinang ungol ko dahil kaunting galawa ko lang ay pakiramdam ko mapuputol ang hita ko.



Napansin kaagad ako ni Cyrus at nagmamadali syang tumakbo palapit sa'kin at hinaplos ang noo ko. Kitang-kita sa mukha nya ang pag-aalala pero sa nakikita ko gusto ko syang sakalin dahil sa sakit ng ginawa nya sa'kin! Kagabi okay lang naman! Hindi naman masakit kagabi pero bakit ngayon ng sakit-sakit!!!



Hindi na ako nagpadala sa hospital dahil kaunting galaw ko lang parang maghihiwalay ang hita ko. Tumawag na lang ng Doctor si Cyrus at bandang huli maling Doctor pa ang natawagan nya kaya tumawag ulit sya ng obgyne. Gusto ko na lang mawalan ng malay para hindi ko na maramdaman ang sakit pero kahit anong gawin ko hindi ako makatulog.



Niresetahan ako ng Doctor ng pain killer at mga ilang linggo daw bago tuluyang gumaling. Sa ngayon, ilang linggo akong magiging baldado dahil kahit anong sabihin nyo hindi ako tatayo, hihiga lang ako dito dahil sa punyetang nangyari sa'kin.



Kagabi akala ko nakaligtas na ako pero hindi pala. Ako pa talaga ang gumapang sa kanya! Nakakainis naman kase! Hindi ko tuloy sya masisi dahil ako naman ang namilit sa kanya! Agh! Bakit kasi napakainosente ng lalaking 'to! Ayaw pa nyang ituloy kagabi dahil nasasaktan daw ako, putangina natural masasaktan ako! First time ko eh! Bobo ampota!



"Wifey sorry---"



"Sabihin mo kay Mama magbabakasyon ako ng dalawang linggo dito." Pagputol ko sa sasabihin nya. Balot na balot ako ngayon dahil ang taas pa rin ng lagnat ko kahit uminom na ako ng gamot.



"H-Hindi ba magagalit si Mama Valeria? Wifey sorry na... Kasalanan ko 'to eh, sabi ko na masasaktan ka hinayaan pa rin kita. Sorry na please..." Halos magmakaawa na sya at patuloy ang pagso-sorry habang nakasubsob sa may puson ko at minamase-masahe ang hita ko, gumagana naman dahil medyo hindi na parang binugbog.



"Kalimutan mo na lang, nangyari na may magagawa pa ba tayo?" Paniguradong mapapatay ako ni Mama kapag nalaman nyang sa edad na bente lumandi kaagad ako. Kasalanan ko naman din, ako ang gumapang at pumatong kanya kaya hindi ko kayang magalit sa kanya kahit hindi ako makalakad ngayon dahil hindi ko inasahan na ganoon pala 'yon kalaki!



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now