CHAPTER 19

83 4 0
                                    

"Baka hindi na kita masundo mamaya, Wifey. Ang dami kong trabaho ngayon eh." tumango na lang ako at pumasok na sa hospital para magsimula nang magtrabaho.



Ilang linggo na syang ganito. Hindi naman ako nagtatampo na hindi nya ako nasusundo. Medyo naiinis lang ako kasi tuwing magkasama kami ang atensyon nya nakatuon lang sa phone, ni hindi nga kami makapag-usap ng maayos. Kanina lang habang nasa byahe kami nangako pa syang magde-date daw kami bukas para makabawi sya. Syempre pumayag ako, miss ko na ang pagiging makulit nya eh.



"Girl! Ganda-ganda ng umaga tapos nakasimangot ka? Wala kang dilig 'no?"



Dumiretso lang ako sa paglalakad at parang walang naririnig. Wala ako sa mood para makipaglokohan kay Nicca.



"Hoy! Ito naman hindi ka mabiro! Kain tayo? libre ko! 'Wag ka na ngang sumimangot! Masisira beauty mo nyan eh!" Hinablot niya ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng hospital dahil may malapit na karendirya dito. May cafe naman pero naging suki na rin kami dito kaya mas pinipili namin na dito na lang kumain.



"Dalawa pong order ng somai rice! padagdagan po ng toyo at bawang! Salamat!" Sigaw nya na akala mo namang ang layo layo ng tindera kung makasigaw sya.



"Umagang-umaga mag-aamoy tayong bawang nyan." Sabi ko lang at naglabas ng wallet para kumuha ng pambayad pero libre nga pala nya 'to kaya binalik ko na lang.



"Alam mo ako? naiinis mo na 'ko dyan sa mukha mong nakasimangot eh. Sabihin mo nga, ano bang problema mo aber at kaaga-aga wala ka sa mood?" Puno ng pagtataray ang boses niya at tinaasan pa ako ng kilay.



"Wala, hindi lang ako nakapag-agahan. Kumain na nga tayo!" Pag-iiba ko ng usapan pero inagaw nya ang kutsara at tinidor na hawak ko.



"Sa sinabi mo pa lang halatang nagsisinungaling ka. Una, hindi ka kumakain dito ng paninda nila dahil kapag nandito tayo ang kinakain mo ay pagkain na dala ng jowa mo. Pangalawa, ilang linggo ka nang ganyan. Pangatlo, wala jowa mo ngayon eh dati naman hihintayin ka pa non matapos kumain ng pagkain na dinala nya tapos ihahatid ka pa papasok ng hospital pero ngayon ano? nasaan sya? waley. Hindi mo'ko maloloko Valerie De Luna."



"Tantanan mo 'ko Monica Jane Villanueva." Puno ng sarkasmo kong sagot sabay agaw ng kutsara at tinidor, kumain na rin ako nang hindi na sya nagtanong pa.



"Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Dati naman sinasabi mo sa'kin lahat ultimo pagkadumi ng kuko mo sinasabi mo sa'kin, tapos ngayon... nag-bago ka na Valerie." Aniya sa mahinang boses. Nakonsensya naman ako dahil dinamay ko pa sya sa pagkasira ng mood ko.



"Oo na, sasabibin ko na." Napairap pa ako, sya naman ay mukhang kuting na nag-aabang sa sasabihin ko. "Medyo nagkakalabuan kami ni Cyrus ngayon eh. Palagi syang walang oras pagdating sa'kin. Iniintindi ko naman na kailangan sya sa trabaho pero may hinahanap lang talaga ako sa kanya. 'Yung tipong kahit sobrang busy nya eh maglaan naman sya kahit isang minuto lang para sa'kin. Para na kasi akong tanga na nanlilimos ng oras sa kanya."



Hindi kaagad sya nakapagsalita pero alam kong may gusto syang sabihin pero nagdadalawang isip sya. Kilalang-kilala ko na kahit kaunting galaw ni Nicca at ngayon alam kong may gustong-gusto syang sabihin pero nagpipigil lang sya.



"Sabihin mo na kasi hindi 'yang para kang natatae kakapigil sa sarili mong 'wag magsalita." Mahina akong natawa dahil totoo naman ang sinabi ko. Inirapan pa nya ako sabay bumuntong hininga.



"Baka kasi mag-away kayo dahil sa sasabihin ko." Panimula nya.



"Kung sasabihin mong may nakita kang babae na kasama nya, hindi ako magagalit, may tiwala naman ako sa kanya at isa pa kung may babae sya de good for him na nadadagdagan 'yung taong napapasaya sya."



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now