CHAPTER 27

92 3 0
                                    

"Pagod na ba 'yang baby ko?" Tanong ko.



"Hindi naman. Medyo lang."



Napakunot ang noo ko dahil sumagot ang driver ng sinasakyan namin ni Wennica ngayon. Kapal ng mukha. Hindi ko na lang pinansin dahil baka makasakal pa ako ng taong mukhang inahing manok.



"Uuwi na tayo anak, tahan na." Pagkausap ko kay Wennica dahil mula kaninang umalis kami sa park ay bigla syang nawala sa mood. Bigla na lang ayaw nyang bitawan ko sya kaya hanggang sa loob ng sasakyan nakakapit pa rin sya sa batok ko at ayaw bumitaw.



"Nakikitawag kang anak, anak mo ba 'yan?" May sarkasmong tanong nya. Akala mo naman close na ulit kami para magsalita sya ng ganyan.



"Hiyang hiya naman sa kani-kaninong anak ang palaging dala. Hindi gumawa ng sakanya." Napairap pa ako sabay tingin sa may bitana para iwasan ang pagsulyap niya sa akin mula sa salamin dahil nandito kami sa backseat.



"Gawa tayo para masaya." Walang sabi-sabing sagot niya.



"Pahinging plastic! nasusuka ako!"



"Baka buntis ka na." Sagot nya at patawa-tawa pa dahil alam nyang napipikon na ako. Kapag talaga kahit anong ibato mo sa manok na 'to kayang-kaya nyang saluhin! may sagot sya sa lahat ng bagay! nakakainis!



"Baka nga, si Leo siguro ama." Pambabara ko na ikinatahimik niya.



Nakauwi na kami sa bahay at gustong-gusto ko nang matulog. Sa sobrang pagkakulang ko sa tulog pakiramdam ko gusto ko na lang masuspend sa trabaho para naman makabawi ako ng tulog! wierd na kung wierd pero gustong-gusto ko nang masuspend! okay lang kahit walang sahod basta may tulog.



"Oh anak, bakit naman ginabi kayo ng apo ko?" Pagsalubong sa amin ni Mama at agad nyang kinuha si Wennica mula sa pagkakabuhat ko. "Ang apo ko tulog na tulog. Mukhang napagod kayo, sige na, umakyat ka na anak sa kuwarto mo at ako nang bahala sa apo ko."



"Sige po Ma. Antok na antok na rin ako, palagi akong kulang sa tulog, minsan naman hindi na ako nakakatulog dahil sa trabaho." Bagsak balikat kong sabi at binaba ang maliit na bag ni Wennica sa may sofa.



"Bakit naman kasi anak sa dinami-dami ng pamimilian mong kurso pinili mo pa ang maging nurse. Tingnan mo, pagod ka palagi. Napapabayaan mo na ang sarili mo, oh hindi ba't nung isang araw lang na bumisita dito ang Kuya mo eh nawalan ka ng malay dahil sa hilo? Low blood ka na anak dahil palagi kang kulang sa tulog at pahinga." Hinaplos ni Mama ang pisngi ko at hinawi ang ilang pirasong buhok na humaharang sa mukha ko.



"Hindi ko rin alam Ma kung bakit ko 'to pinasok. Basta ang alam ko lang na-trauma ako sa nangyari kay Papa kaya gusto kong maging nurse. Si Papa ang nagdala sa'kin sa landas na 'to, Ma. Siguro naman hindi nya ako papabayaan." Tipid akong ngumiti at pagbagsak na umupo sa sofa.



"Tumigil ka na kaya anak sa trabaho mo?"



"Pero Ma..."



"Sandali lang anak. Pakinggan mo si Mama." Napabuntong hininga na lang ako at nanahimik para makinig sa sasabihin nya. "Sumubok ka sa ibang industriya. Magtayo ka ng restaurant kung gusto mo, magtayo ka ng sarili mong cafe, bake shop, at iba pa. Maraming pang ibang trabaho ang mas makabubuti sayo anak. Trabaho kung saan makakakuha ka ng sapat na tulog, sapat na pahinga, at sapat na oras para sa sarili mo. Nag-aalala lang naman ako anak para sa kalusugan mo lalo pa't dumadalas ang pagsumpong ng asthma mo. Nag-aalala na rin sa'yo ang mga kapatid mo lalo na ang Kuya Vince mo."



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now