Chapter 20 He's Back

1.2K 36 12
                                    


Nakarating sina Bron, Hannah, Amelia at ng babaeng buntis sa isang maliit na kubo na gawa sa kawayan.

"Bahay namin 'to. Pasok kayo.." Matamlay ay malungkot na sambit ng babae.

Hindi ito masyadong malayo sa lawa at hindi na sila natunton ng mga zombies. Sobra silang napagod at basang basa pa mula sa pag ligo sa lawa.

Pumasok na sila.

" Kayong dalawa lang po ng asawa mo dito? " napatanong si Amelia sa buntis na umupo sa kama.

Ilang sigundo pa bago ito nag salita..
"Sa totoo lang tatlo kami. Kasama sana naman ang kapatid ng asawa ko. Kaya lang nakagat siya ng zombie. " Bakas sa mukha ng ale ang trauma habang nag kkwento. " Akala namin magagamot pa namin siya. Muntik pa akong kainin. Kaya napilitang nalang ang asawa kong patayin siya. Lahat ginagawa ng asawa ko, kahit paslangin pa niya ang kapatid niya. Ma protektahan lang ako. "
Tumulo nanaman ang mga luha ng babae at napatakip sa mukha ng itoy tuluyan ng umiyak.

Nag timpla sila ng kape habang umiinom, nagusap-usap sila, trying to stay up halatang inaatay nila si Erick.

" Nakatulog na po ang kapatid mo. " Sambit ng buntis na kakagaling lang sa kwarto. " Bakit nga pala siya biglang nahimatay at may tinurok pa kayo sa kanya?" Tanong ng buntis habang nililigpit ang mga tasa na nasa mesa.

Napag isip si Bron kung dapat niya bang sabihin ito sa babae.

"Ahh.. Naku, huwag mo nalang sagutin, hijo. O siya, pag kayong aantokin na, humanap lang kayo ng pwesto ha. " Sabi ng aleh.

"Salamat po." -Hannah

Lumakad na ang ale pabalik sa kwarto dala ang lumang lampara.

" Sya nga pala, ilang serum nalang ba ang natitira?" Tanong ni Hannah.

Kinuha ni Bron ang mga bote mula sa bulsa ng jacket niya. " Dalawa nalang. " sambit nito.

"Okay pa iyan. Hindi magiging zombie si Amelia. Aabot pa siya sa bulaklak.. Mahahanap rin natin iyon." -Hannah

" Pag hindi dumating si Erick ngayon, bukas na bukas, hahanapin natin siya tska tayo mag lakbay para hanapin ang bulaklak. Sigurado akong may buhay pa na ilog dito sa paligid. " -Bron

Hindi pa pala natutulog ang buntis at itoy nakikinig sa pinaguusapan nina Hannah at Bron.

Napa lingon ang ale sa natutulog na bata sa tabi niya. Napasabi sa isipan 'Magiging zombie na pala ang batang ito..?'

Napansin niyang maputla ang bata kaya nakaramdam siya ng takot habang iniimagine kung itoy magiging zombie, siya ang unang makakagat nito.

Naisip niya kung papaslangin niya ang batang ito sa pagtulog niya, hindi siya mapapahamak. Nanlaki ang kanyang mga mata, puno ang isip ng pangamba. Gusto niyang mabuhay pa kasama ang kanyang anak na isang buwan nalay lalabas na.

Kinuha niya ang nakatagong palakol sa ilalim ng kama. Dahan dahan lang dahil ayaw niyang marinig siya nina Bron.

'Walang makakapag pahamak sa anak ko.. At hindi ako papayag na sa pag gising mo, ikaw pa ang kakain saamin ng anak ko.' Inisip niya habang itinataas na ang palakol sa natutulog na bata.

Nanginginig siya at tumutulo pa ang malalaking pawis habang hawak ang palakol. Ngunit hindi na tama ang iniisip niya. Punong puno na ito ng pangangamba at takot.

'Hindi ako makapaniwalanh pinapasok ko pa ang mga ito sa bahay ko.. Hindi ako papayag na akoy pagkakaisahan nila.' Nangunot ang noo ng ale na mahigpit paring hawak ang mabigat na palakol sa ibabaw ng batang natutulog.

Namulat si Amelia dahil sa naramdamang sobrang lamig. At sa gulat niya, may palakol nang naka tapat sa mukha niya at ang babae ay naka tayo sa gilid ng kamang hinihigaan niya.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now