Chapter 19 Sacrifice

1.2K 33 3
                                    

Ang magasawang tumatakbo ay mga mgasasakang nakatira sa bundok kung saan naroroon din sina Bron, Erick, Hannah at Amelia.

"Tulong!!" Sigaw pa ulit ng magsasaka nang itoy masilayang may mga taong naliligo sa lawa.

" Tara! Bilis! Tulongan natin sila!" Sigaw ni Erick na pinulut na sa gilid ang baril.

Agad rin kinuha ni Bron ang kanyang espada. Tira ng tira na si Erick sa mga zombies kahit medyo malayo pa sila. Tumulung na rin si Amelia. Lahat silay nasa lawa lang. Hindi na lumabas.

Biglang nadapa ang buntis. Panay ang iyak nito dahil pagod na pagod na siya sa pagtakbo. Napahinto ang kanyang asawa at pinipiliy itong tumayo. Kaya hindi na nag alangan si Bron at agad niyang nilapitan ang magasawa.

" Hijo, dalhin mo ang asawa ko sa lawa. Huwag kayong gumalaw habang nasa lawa kayo. Hindi kayo mapapansin ng mga zombies pag nasa tubig kayo." Sabi ng mama at hinablot ang malaking kutsilyo na nakatali sa kanyang bewang. " Pakiusap. Protektahan niyo ang aking asawa. " Patuloy pa niyang sabi.

Agad inalalayan ni Bron ang buntis para makatayo. " Pero paano na po kayo?" Tanong ni Bron. Habang ang mga zombies ay papalapit na, patuloy parin ang pagpapaputok nina Erick at Amelia.

" Matatagalan silang pumunta sa inyo pag nandito ako. Huwag kang mag alala, lalaban ako. " Sagot nang mama "Sige nah! iligtas mo ang aking asawa!" Parang naiiyak at galit na ang mama. Bron held his wife, inilagay ang braso sa kanyang balikat at nagmaling pumunta sa lawa.

Lalabas na sana si Erick sa lawa para lapitan at tulungan sina Bron ngunit sumigaw naman si Bron,

" Huwag, Erick! Bumalik ka sa lawa! "

Naguluhan si Erick pero bumalik na sita agad, binabaril niya yung mga nauunang zombies.

"Misis, tiisin mo ang pagod.. Malapit na tayo sa lawa. Tiisin mo...." -Bron

Tumingin kay Bron ang namumuntlang buntis at naliligo na sa pawis. " Ang asawa ko.. Ayokong mabuhay kung wala naman siya. " Maiyak iyak nitong sabi na parang gusto nang huminto.

Lumingon si Bron sa lalake na lumalaban na nga sa mga zombies. Napapansin niya ring nasasaktan na ito ng mga zombies. Ilang beses siyang muntik nang makagat pero malakas siyang lumaban sa mga ito.

" Bilisan niyo!! " Sigaw ni Hannah kina Bron.

Inilagay ni Bron ang espada sa kanyang kiliran at binuhat ang buntis. Tumakbo si Bron at pinaubaya na niya kay Erick ang kanilang kaligtasan hanggang sa narating na nga nila ang lawa.

Huminga ng malalim si Bron at inalalayan ang buntis papunta kay Hannah. " Huwag kayong lumabas ng lawa at huwag kayong masyadong gumalaw. " Sabi pa niya.

Kinuha ni Hannah ang shotgun sa malapit lang na lupa at itinutok ito, handang bumaril.

Lumabas si Bron ng konte ang isang paa ay nasa lupa. Ganun din si Erick. Si Hannah at Amelia naman nasa lawa, hawak nila ang babaeng buntis.

" Ang asawa ko... Ang asawa ko... " Umiiyak ang babae pero mahigpit na hinawakan siya nina Hannah't Amelia upang hindi ito pumunta sa lupa.

Tumakbo na ang mama papuntang lawa at kung meron mang zombies na lumapit sa kanya, binabaril ni Erick.

" Bilisan mo pa, manong! Mauubusan nako ng bala. " Sambit ni Erick.

At naubusan nga si Erick ng bala. Wala nang bala sa kanyang bulsa kailangan pa niyang kuhanin ang iba sa bag na nasa truck.

Tumakbo si Bron, sinasalubong ang lalake sabay sigaw " Sa likod mo! " and Bron drew his sword ready to help the poor man.

The man got caught up a few times na nag sanhi sa kanyang magkaroon ng maraming sugat sa likod. Maabotan na sana siya ni Bron ng biglang may nahila uli ang lalake at tuluyan ng nakagat sa ulo.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon