Chapter 6 HANNAH

1.9K 51 4
                                    


"Lets not stay here for the night." Sabi ni Bron while taking off his polo uniform para mag bihis. "Sa school tayo matutulog." He continued.

"Hmm buti pa nga, sa tingin ko mas safe doon. Kompleto ang mga kagamitang maari nating magamit for survival. Cafeteria, cooking area, shower room, CR tska secured and locked pa ang campus. Siguradong wala nang tao dun." Sabi ni Erick at kinuha na ang susi ng truck aa ibabaw ng isang aparador.

Isang pick up truck ang inilabas ni Erick mula sa garahe. Kulay pula ito at may four seats. Inilagay na nina Erick ang mga bag sa likod ng truck at sila'y bumyahe na.

Dumaan muna sila sa bahay nina Bron. Nung malapit na sila aa gate, may napansin silang isang babaeng naka dapa sa tapat ng gate. A girl with a long dark red hair.

" Pare, kilala mo ba yan? Wala siyang galos. Baka buhay pa yan. Tulungan natin? " - Erick

Bumaba ang dalawa at nang hahawakan na sana ni Erick ang babae,

"I think that one is dead. Huwag mo nang hawakan, Erick. Baka carrier zombie iyan." - Bron

Tumingin si Erick kay Bron tapos napansin niyang may mga zombies na papunta sa kinaroroonan nila.

"Tayo na Bron. Parating nanaman ang mga zombies. Pagod pa ko, wala na kong lakas makipag laban ngayon. Tara, akyat na!" - Erick

Nauna nang pumasok si Erick pero si Bron napatingin uli sa babae. He heard a soft moan. Hindi na nag alinlangan si Bron, agad na niya itong binuhat at isinakay sa truck.

Namulat ng konte ang mga mata ng babae, hindi niya lubos ma galaw ang katawan kaya muli siyang napapikit.

Bron slowly placed her at the back seat ans notice na merong choke marks ang babae sa leeg. Sobrang lakas siguro ng sakal na nag iwan talaga ng bakas.

--

Habang nasa byahe papuntang paaralan..

"Pare, hindi natin siya kakilala, at ikaw pa ang nag sabing huwag nating tulungan, pero ba't nandito na yan sa truck ko?" - Erick

"Oo, hindi natin siya kakilala. Pero nakita ko na tong babae na to sa school din natin. Nung unang aaw ng disaster. Di ko alam pero parang she might know somethings tungkol sa mga pangyayari. Umungol siya at iba ito sa tunog na gawa ng zombie. I checked. Wala naman siyang kagat. May mga pasa lang siya sa leeg.. Sinakal yata" - Bron

" Ang weird naman. Meron bang nananakal lang na zombie? " Pabirong sabi ni Erick.

" Di ko alam pero sa tingin ko kailangan niya tayo. " Sabi ni Bron habang naka tingin sa bintana.

Nagpatuloy ang kanilang byahe na tahimik. Normal speed lang ang pag mamaneho ni Erick ngunit meron pa talagang nasasagasaang kung anu-ano sa daan. Maaring mga zombies o patay na katawan.

Maya maya ay dahan dahang bumangon ang babae na nasa likod na ikinagulat ni Erick. Kitang kita niya ang pag bangon nito mula sa mirror sa harap.

Half of her face is covered with her red hair.
She said

" Sino kayo? Saan niyo ba ako dadalhin? Ayokong pumunta ng ospital, hindi na safe doon. Wala na tayong mapupuntahan. Were all going to die soon, so bakit nyo pa ko sinagip?"

Agad namang sumagot si Erick

" Naku! huwag kang magalala, miss. Mga mabubuting tao kami. Tska pupunta tayo sa lugar kung saan alam naming safe tayo. Itong si Bron ang sumagip sayo. Tulad ng pag sagip niya sakin. Kaya relax ka lang diyan. Ahh teka. Ano ba'ng pangalan mo?" Sambit ni Erick sabay ngiti.

"Hannah" sagot niya

Napa isip si Hannah..
Ba't pa siya nakangiti sa kabila ng lahat ng nangyayari? Saan siya humuhugot ng kanyang lakas ng loob? At sino naman to'ng lalake'ng nasa passenger seat na hindi man langa nagsasalita. Bron nga pala. Hmmm nalalala kong binuhat niya 'ko kanina. Hindi man lang siya ng alinlangan tulungan ako..

--

Hindi  tagal umabot rin sila sa paaralan.

" Wow.. Akala ko pina uwi tayo kasi hindi na daw safe dito sa school. Pero tignan nyo, ni isang zombie, hindi pa ata naka apak dito sa campus. Galing! Tama ka nga Bron! Hoo!"
Bakas ang saya sa boses ni Erick. Habang si Bron naman dumeretso agad sa likod ng truck para kunin ang mga bag.

Tutulungan sana ni Bron ang babaenh bumaba sa truck but she refused.

"Kaya ko na. Salamat." Sabi ni Hannah. Wala namang imik si Bron at kinuha na rin ang iba pang bag. May dala ring mga bag si Erick at silang tatloy nag lakad na papasok ng school. Iniwan nila ang truck sa parking lot, sa ground floor ng school building.

Malaki ang paaralang ito pero meron lang itong 4 floors. Naisip nilang maa maigi siguro kung aa top floor sila para masilayan sa taas ang mga ganap sa ibaba.

Pumili sila ng isang classroom at nilagay sa sahig ang mga mabibigat na bag. Naisip ni Erick kumuha ng mat mula sa PE room upang itoy gamitin sa pag upo at higa aa sahig.

Pagod na pagod si Erick kaya di nag tagal naka tulog na siya.

Kumuha ng jacket si Bron sa kanyang bag at nilagay sa natutulog na kaibigan. Si Hannah naman na hindi pa inaantok ay tumabi muna kay Bron na naka upo sa may bintana.

"Ba't gising ka pa? Matulog ka nah. Para gumaling ka. Tingin ko may sakit ka.  - Bron

" Hindi pa'ko inaantok. Ayoko sanang sabihin pero gusto ko lang mailabas itong sama ng loob ko.
My mother just died and i lost my father.." Malungkot na sabi ni Hannah..
"Hindi ako makatulog sa kakaisip kung bakit hinyaan ko nalang mamatay si mama " Patuloy pa niya habang pinipigilan ang sarili sa pag iyak.

 Napatingin si Bron kay Hannah. "Pinatay ng zombies ang mama mo?"

"Hindi.. Ganito kasi iyon.. Si papa ay isang scientist. Meron siyang sinubukang gamot na ininject niya kay mama. Walang nangyari nung una kaya inakala niyang resistant ang system ni mama sa gamot na to. Kaya sinubukan niya na rin daw itong i-inject sa ibang tao. Yung taong iyon biglang nagkasakit ng matindi. Ang sabi pa nga ni papa ay nag tagumpay raw siya. Hindi ko nga naiintindihan pero sabi niya rin na walang ibang makakaintindi nito kundi ang mga scientist lang rin lamang." Hannah

" Pero... Matanong ko lang..Ano'ng nangyari diyan sa leeg mo? Ba't may pasa?" Tanong ni Bron habang itinabi ang buhok ni Hannah sa gilid.

Hinawakan ni Hannah ang kanyang leeg.. "Ahh.. Etoh? Gawa ito ng mama ko. She sort of lost her memories. Resulta sa pag tetest ni papa sa kanya." Malungkot na sabi ni Hannah.

Lumapit si Bron kay Hannah at pinahiga ang ulo ni Hannah sa kanyang balikat. Patting her head, sabi niya " Umiyak ka na, Hannah. Huwag mo nang itago iyang sakit na nararamdaman mo. Huwag kang mahiya, hindi ako titingin. Pakikinggan lang kita."

Itutulak sana niya si Bron pero, hindi na niya mapigilang umiyak pa. After all this time na mag-isa siya, hinding hindi siya umiyak. Ngayon niya lang nailabas lahat ng sakit ng loob niya.

Nasabi ni Bron sa isip niya,

Alam ko'ng ganito rin ang nararamdamang sakit ni Erick; Ang mawalan ng mga mahal sa buhay.. Kaya hindi ako papayag na mawala rin sa akin si mama at lalo na si Amelia. Kukunin ko sila at lalaban ako para sa kanila. Gagawin ko ang lahat para mabuhay kami!

 

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon